Sa Surallah, kotse bumangga sa puno, driver na guro, patay
SURALLAH, South Cotabato- Patay ang isang guro sa self-accident sa Prk. Maligaya, Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato alas 6:00 kagabi, Setyembre 25, 2023.
Kinilala ng Surallah PNP na pinamumunuan ni Lt. Col. Condrado Jovero Jr. ang biktima na si Kirk John Javier Bien, 23-anyos, taga Poblacion, Polomolok, South Cotabato at natuturo sa Moloy High School Inc.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na nabangga ng kotse ni Bien, ang isang puno sa tabing daan.
Ito ay nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho nang mag-overtake sa sinundang sasakyan.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga sa puno parang latang nayupi ang kotse ng biktima.
Ang biktimang guro ay idineklarang dead on arrival sa SOCSARGEN General Hospital sa Surallah, sanhi ng matinding mga sugat.
Larawan sa baba ay ang sasakayan ni Bien.