Saturday Sep, 30 2023 01:31:15 AM

Security ni Mayor Palencia ng Polomolok, dinagdagan sa harap ng serye ng pamamaril sa bayan

Local News • 07:30 AM Wed Mar 29, 2023
455
By: 
DXOM-RADYO BIDA KORONADAL
Photo from Polomolok LGU

POLOMOLOK, South Cotabato- Mas hinigpitan pa ng PNP ang pagbabantay kay Polomolok Mayor Bernie Palencia.

Sa panayam ng Radyo BIDA kay Polomolok Municipal Police Station chief Lieutenant Colonel Joseph Forro III, sinabi nito na katuwang ng PNP sa pagbabantay kay Mayor Palencia ang mga kasapi ng Civil Security Unit at Philippine Army Reserve Corps.

Itinuturing kasi ni Forro si Mayor Palencia bilang high-risk laban sa mga masasamang loob, kasunod sa pamamaril sa executive staff nito at dating municipal councilor na si Rhyolite Balili noong Marso 17.

Dagdag ni Forro, hindi nila binabalewala na posibleng target ng assassination ang alkalde dahilan na ipinatupad din ang curfew hours at pansamantalang pagsuspinde ng No Helmet, No Travel Policy sa Brgy. Poblacion.

Ayon pa sa nasabing police official, pulitika ang tinitingnang motibo sa pamamaril.

Sinubukang kunin ng PNP ang statement ni Balili sa insidente ngunit tumanggi ito at ipinaubaya muna sa kaniyang legal counsel.

BARMM lady solon unveils facility dedicated to women, cooperatives in DAS

DATU ABDULLAH SANGKI, Maguindanao del Sur — The Bangsamoro government unveils a new building primarily dedicated to the welfare of the Bangsamoro...

Ginang sa Makilala, patay matapos kumain ng palaka; rape suspect sa SNA, patay nang manlaban sa PNP

MAKILALA, North Cotabato - Wala pang isang oras, binawian na ng buhay ang isang ginang na pinaniniwalaang nalason sa kinaing palaka sa Barangay...

Surprise drug test ginawa sa mga opisyal ng PRO-BAR, resulta wala pa

PINANGUNAHAN NI BARMM police regional director Brig. Gen. Allan Nobleza ang unannounced drug test sa 129 na mga police officials at police personnel...

RTWPB 12 okays new wager order for Region 12 workers

KORONADAL CITY  – The Department of Labor (DOLE) in the Soccsksargen region, through the Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB...

Stakeholders glad with passage of BARMM government code

COTABATO CITY - Stakeholders were elated to have a regional governance code for the Bangsamoro region after a long wait. Regional lawmakers...