Settlers' rep MP Anayatin, nagagalak sa pagpapatibay ng BARMM local governance code
BILANG kinatawan ng mga settlers sa Bangsamoro Region, nagpahayag ng kagalakan si Member of Parliament Dr. Susana Anayatin sa pagpasa at pagiging ganap na batas ng Bangsamoro Local Governance Code.
Sa isang pahayag, sinabi ni MP Anayatin na sa pamamagitan ng BLGC o Bangsamoro Autonomy Act No. 48, tiyak ang malawak na partisipasyon ng ibat ibang sektor sa pamamahala ng local na pamahalaan.
Ayon kay Anayatin, siya ay nagagalak dahil tiyak na ang representasyon ng katutubo o Indigenous Peoples, Settlers, kababaihan, kabataan, mangingisda, magsasaka, traditional leaders, religious leaders sa local councils at Sanggunian mula barangay, municipal at city. Idinagdag niya na sa ibang local councils ay maaring hanggang provincial level.
“This law is reflective of the BARMM Motto that No One Will Be Left Behind,” ayon kay MP Anayatin