Small town lottery operations sa Cotabato City, pinatigil ng mayor
STL o Small Town Lottery Operations sa Cotabato City, pansamantala munang ititigil simula bukas.
Batay ito sa anunsyo ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa kanyang FB account ngayong gabi.
Ang tigil-operasyon ay batay na rin sa rekomendasyon ni Cotabato City PNP Director Col. Querubin Manalang Jr.
Isa sa mga dahilan ay dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa pagpaslang sa isang babaeng STL agent sa lungsod noong nakaraang buwan.
Ayon kay Matabalao, nakatanggap aniya ng banta at pananakot ang ilang operators sa lungsod mula sa ilang grupo.
Dagdag pa nito, may mga dapat lang munang ayusin bago ang muling pagbabalik ng STL operations sa lungsod.
Kaugnay nito, inatasan na rin ng alkalde ang law enforcement units sa lungsod na arestuhin ang sinumang masasangkot sa illegal numbers game.