Tuesday Nov, 29 2022 06:02:09 AM

Sugatan miembro ng Philippine Marines, pinarangalan ng 6th ID

Mindanao Armed Conflict • 16:45 PM Thu Sep 29, 2022
140
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato

GINAWARAN NG MEDALYA ng Sugatang Magiting ang tatlong mga kasapi ng 2nd Marine Battalion Landing Team 2 o MBLT-2 na sugatan sa pamamaril sa Picong, Lanao del Sur noong gabi ng Linggo.

Ito ay para kilalanin at bigyang daan ang kabayanihan ng mga sugatan.

Mismong si Joint Task Force Central at 6th Infantry Division Commander Major General Roy Galido ang nag-abot ng medalya sa tatlong mga Marines na nagpapagaling sa Camp Siongco Station Hospital, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kasama ni Major Gen. Galido sa simpleng recognition si Chief of Staff Colonel Edgar Catu.

Ang suspek sa pamamaril na kinilalang si Jamal Balindong Pumbaya ay naaresto ng mga otoridad kamakalawa at kasalukuyang nakakulong sa Picong MPS.

Siniguro naman ni Gen. Galido na tutulong sila sa imbestigasyon sa naturang insidente at mapanagot ang sinumang maghahasik ng lagim sa kanilang area of responsibility.

Pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU sa Buldon, Maguindanao Norte, kinundina ng 6th ID

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Mariing kinundena ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary...

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today started implementing rollback on prices of petroleum products. The pump prices of diesel was but by P3.95 per liter...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...