Surprise drug test ginawa sa mga opisyal ng PRO-BAR, resulta wala pa
Local News • 12:15 PM Fri Sep 29, 2023
299
By:
DXMS NDBC
PINANGUNAHAN NI BARMM police regional director Brig. Gen. Allan Nobleza ang unannounced drug test sa 129 na mga police officials at police personnel.
Ginawa ang drug test sa Camp SK Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte kahapon ng umaga.
Ang surprise drug test ay bahagi ng internal cleansing program na isinusulong ng PNP sa mga miembro nito.
Sinabi ni Nobleza na ang on-the-spot drug test ay patunay na determinado ang PRO-BAR na tiyaking walang gumagamit ng illegal drug sa mga kasapi nito.
Hindi pa naipalabas ang resulta ng drug test.