Thursday Sep, 28 2023 02:05:02 AM

Suspect sa pag-ambush kay Lanao Gov. Adiong, naaresto sa South Cotabato

Local News • 20:15 PM Thu May 25, 2023
393
By: 
DXOM- Radyo Bida Koronadal
Arrested suspect is in cargo shorts. (PNP photo)

KORONADAL CITY – Isa pang suspect sa ambush kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr ang nahuli kahapon.

Si Saidamen Baratumo alyas "Kumander Lomala," 42 taong gulang ay naaresto sa national highway ng Surallah, South Cotabato, ayon kay South Cotabato police director Colonel Cydrick Earl Tamayo.

Sinabi ni Tamayoi na matagal na nilang natanggap ang intelligence information na si Lomala ay nagtatago sa Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato at isinailalim siya sa close monitoring.  

Nang makumpirma na siya talaga ay saka ginawa ang law enforcdement operation, ayon kay Tamayo.

Si Lomala ay may address na Barangay Bato-Bato, Maguing, Lanao del Sur at kasapi daw ng Gandawali Private Armed Group.

Apat ang namatay, tatlo ay mga police escorts at ang isa ay driver ng convoy vehicle ni Gov. Adiong matapos na sila ay ambusin sa boundary ng Bukidnon at Lanao del Sur noong Feb. 17.

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...

Sa Surallah, kotse bumangga sa puno, driver na guro, patay

SURALLAH, South Cotabato- Patay ang isang guro sa self-accident sa Prk. Maligaya, Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato alas 6:00 kagabi, Setyembre...