Suspect sa pagpatay ng LGBT sa Upi, sumuko; salarin ka-relasyon ng biktima
HAWAK NA NG MGA OTORIDAD ang suspek na kinilalang si Nelson Sarmiento Arthur na miembro ng CAA o CAFGU Active Auxiliary Affairs Unit na nakabase sa Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Ayon kay Upi Municipal Police Commander Major Cesar Ibal Jr., kusang umamin si Arthur na siya ang pumatay sa 53 anyos na LGBT member na si Marlowe Sioson Velasco alias Tiwi.
Napag-alaman na ang dalawa ang may relasyon.
Matatandaang nitong Huwebes ay natagpuan ang naagnas na bangkay ni Tiwi sa malalim na bangin ng Sitio Kapilit, Barangay Blensong Upi, Maguindanao Del Norte.
Ayon kay Major Ibal, bagamat tumanggi sa una ang suspek, makalipas ang ilang oras ay umamin ito.
Lumalabas sa imbestigasyon na dahil sa seryosong pagtatalo, naitulak nito ang biktimang si Tiwi.
Maituturing namang case solved ng PNP ang naganap na krimen.