Tampakan kasalang bayan
Local News • 06:00 AM Sat Jul 31, 2021
897
By:
NDBC NCA /DXOM-Radyo Bida Koronadal
KORONADAL CITY - May 20 mag-asawa ang pormal na ikinasal sa "Kasalang Bayan" sa Tampakan, South Cotabato.
Sa kabila ng pandemya, nanaig pa rin ang pag-iibigan ng mga magsing-irog sa bayan at patunay nito ang ginanap na civil mass wedding.
Pinangunahan naman ni Tampakan Mayor Leonard Escobillo ang nasabing kasal.
Naging saksi naman sa kasal sina Vice Mayor John Mark Baldon, Councilor Celso Doc at Jilmar Grecia ng Philippine Statistics Authroity (PSA South Cotabato) at kamag-anak ng mga ikinasal.
Sumunod naman sa tamang health protocol ang mga dumalo bilang pag iingat kontra Covid 19.