Thursday Nov, 30 2023 02:43:19 AM

Tricycle driver at pulis, nagtalo sa Libungan, North Cotabato, driver nabaril ng pulis

Local News • 09:15 AM Wed Sep 20, 2023
359
By: 
DXMS Radyo Bida

COTABATO CITY - KASONG Frustrated Homicide ang isinampa ng Libungan PNP sa kasapi nito na si Corporal Noel Bien Tayong Noble matapos niyang barilin ang tricycle driver na si Gilbert Pascioles, 44-anyos na taga Brgy. Gumaga Libungan.

Nangyari ang pagbaril noong lunes ng gabi sa Rizal St., Poblacion, Libungan.

Sa panayam ng DXMS kay Libungan town Chief Major John Minidel Calinga, sinabi niyang nagsasagawa ng follow-up operation ang Provincial Drug Enforcement Unit sa lugar nang pagsabihan ni Noble ng driver na itabi ang kanyang tricycle dahil nakaharang sa daan.

Nag-resist umano ang tricycle driver at nagkaroon sila ng pagtatalo hanggang sa nabaril ni Noble si Pascioles sa paa at tiyan.

Sinabi ni Calinga na si Noble ay sinampahan na din ng kaukulang kaso kasabay ng pagtiyak na patas ang kanilang imbestigasyon.

Ang driver ay sasampahan din ng kasong assault to an agent of person in authority.

Cotabato Light announces Dec. 3 NGCP-initiated power interruption

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced the scheduled power service interruption of the National Grid...

Bangsamoro town hall to rise in Mapun island

COTABATO CITY – The most isolated municipality in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) will soon have its own new municipal...

Former guerilla-medics now barangay health workers

COTABATO CITY - The Bangsamoro government has initially employed 1,049 former combatant-medics of the Moro Islamic Liberation Front, among them women...

Estudyante na isang CAFGU, patay sa pamamaril sa Pikit

ESTUDYANTE, patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Barangay Ginatilan, Pikit, North Cotabato ngayong umaga ng November 29, 2023. Sa inisyal na...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 29, 2023)

HEADLINES 1   SPECIAL Investigation Group, binuo upang resolbahin ang pagpatay sa Indian national sa Datu Paglas 2  ...