Friday Sep, 29 2023 12:42:23 PM

"Walang matutulog na pulis, hanggat hindi natutulog ang mga mamamayan”

Local News • 10:30 AM Sun Jun 4, 2023
320
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato

Ito ang paalala ni Maguindanao del Norte police provincial Director Col. Salman Sapal, sa 12 mga police station commanders ng probinsya.

Ang hamon ay ginawa ni Col. Sapal kasunod ng kauna-unahang command conference ng Maguindanao Norte PNP sa Bigkis-Lahi Hall, Camp BGen.Salipada K Pendatun, sa bayan ng Parang.

Dumalo sa aktibidad ang mga police provincial staff, mobile force company, at mga chief of police ng mga municipal police station ng lalawigan.

Lahat ng unit commanders ay nagpresenta sa estado ng criminality situation, assessment sa banta ng teroristang grupo, accomplishments sa mga wanted criminals at iba pang issues at concerns sa kanilang area of responsibility.

Sinabi ni Col. Sapal na sa kanyang pamumuno ay titiyakin nitong sumusunod ang mga pulis kanilang mandato na ‘to serve and to protect.’

Binigyang-diin pa ng opisyal na wala munang matutulog na mga pulis hanggat hindi pa natutulog ang mga mamamayan sa komunidad.

Ibig sabihin, mas paiigtingin pa ang police visibility, palalakasin ang monitoring sa mga lugar na may banta sa seguridad at paiiralin ang round the clock na pagpapatrolya.

Sa ganitong paraan ay mas matitiyak ang ligtas na Maguindanao Del Norte.

Surprise drug test ginawa sa mga opisyal ng PRO-BAR, resulta wala pa

PINANGUNAHAN NI BARMM police regional director Brig. Gen. Allan Nobleza ang unannounced drug test sa 129 na mga police officials at police personnel...

RTWPB 12 okays new wager order for Region 12 workers

KORONADAL CITY  – The Department of Labor (DOLE) in the Soccsksargen region, through the Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB...

Stakeholders glad with passage of BARMM government code

COTABATO CITY - Stakeholders were elated to have a regional governance code for the Bangsamoro region after a long wait. Regional lawmakers...

Settlers' rep MP Anayatin, nagagalak sa pagpapatibay ng BARMM local governance code

BILANG kinatawan ng mga settlers sa Bangsamoro Region, nagpahayag ng kagalakan si Member of Parliament Dr. Susana Anayatin sa pagpasa at pagiging...

Bangsamoro Parliament OKs local governance code

COTABATO CITY ― The Bangsamoro Parliament has passed the Bangsamoro Local Governance Code on its third and final reading, bringing the constituent...