Saturday Apr, 20 2024 08:15:29 AM

When Toyota Hilux and cargo truck collide on slippery highway, this is the result...

Local News • 16:30 PM Mon Oct 19, 2020
1
By: 
DXND Radyo Bida
Ang Toyota commuter van, ang cargo truck ang hauler truck ng mga niyog at ang kotse, lahat sangkot sa aksidente habang malakas ang buhos ng ulan. (DXND images)

KIDAPAWAN CITY - Ideneklarang dead on arrival sa pamagutan ang apat na taong gulang na lalaki matapos maipit sa loob ng sasakyan makaraang magsalpukan ang pampasaherong van at forward freezer van sa Purok 1, Barangay Kilada Matalam North Cotabato pasado alas 2:30 ng hapon kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Jhunas Redivan Antelino habang sugatan naman ang kanyang ama na drayber ng passenger van na nakilalang si JunJon Antelino, 22 anyos at nakatira sa Purok Lily, Barangay Poblacion Matalam.

Batay sa imbestigasyon ng Matalam PNP traffic division, aksidenteng napadako sa kasalungat na lane ang commuter van dahil sa madulas ang daan dulot ng malakas na ulan kahapon kung saan kasalubong naman nito ang 6D40 forward freezer van na minamaneho ni Jerry Cabantac kasama ang kanyang helper na pawang mga taga Misamis Occidental.

Sinasabing patungo sana ng Sta Cruz Digos City ang truck na lulan ang mga dressed chicken.

Dahil sa lakas ng impact, wasak ang unahang parte ng dalawang sasakyan pero hindi naman nasugatan ang drayber at helper ng forward freezer van.

Sa ngayon, nagpapagamot pa ang drayber ng commuter van habang nagpalatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP traffic section hinggil sa nasabing aksidente.

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...