Monday Apr, 29 2024 07:04:30 PM

NDBC BIDA BALITA Dec. 24, 2015

 • 19:39 PM Thu Dec 24, 2015
1,566
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

DECEMBER 24,
2015 (THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1.PNP, naka-alerto parin ngayong
holiday season AT bise-mayor ng Cotabato City nakatanggap ng death threat

2. Dating Municipal Assessor sa South
Cotabato arestado

3. PNP North Cotabato, naka alerto
matapos ang pang-aatake ng pinaniniwalaang miembro ng BIFF sa bayan ng Pikit.

4. Vice mayoral candidate sa Cotabato City, nagsabing siya ay may death threat5. Bakbakan, naganap sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao, ilang sibilyan nasawi

SA DETALYE...

Local………………..

NAKA HIGHTENED ALERT ngayong pasko
hanggang bagong taon ang Philippine National Police.

Una ng sinabi ni PNP chief Ricardo
Marquez na kahit pa walang ibinabang ‘global terror alert’ ang Estados Unidos
ay naka-full alert status na ang puwersa ng pulisya upang tiyakin ang seguridad
dahil mahaba ang tradisyunal na pagdiriwang ng mga Pinoy sa pasko at maging sa
pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa kabila ng mahigpit na alerto, sinabi
ni Marquez na walang namomonitor ang mga intelligence operatives ng PNP na
bantang pag-atake ng mga terorista sa bansa.

Inihayag pa nito na patuloy ang
kanilang koordinasyon sa AFP kung saan ang tropa ng mga sundalo ang nangunguna
sa kampanya kontra tero­rismo partikular na sa ilang lalawigan sa Western
Mindanao kung saan nagsisipagtago at nagsasanay sa mga bandidong Abu Sayyaf at
ilang Jemaah Islamiyah terrorist na namonitor ang presensya sa bansa.

Hinihikayat naman ng PNP ang publiko na
iwasang maging masaklap ang pagsalubong ng pasko at bagong taon, kung maaari ay
wag ng gumamit ng paputok lalo na ng baril.

SAMANTALA, muling nagpaalala ang
Department of Health sa mga magulang na huwag payagang gumamit ng paputok ang
kanilang mga anak sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Health Secretary Janette
Loreto-Garin, kamakailan ay 10 katao na ang nabibiktima ng paputok, hindi pa
man sumasapit ang Pasko, at karamihan sa mga ito ay mga bata.

Sa mga biktima, walo ang nabiktima ng
piccolo at dalawa ang nasugatan sa whistle bomb.

Local……………………

ISANG MILYONG PISO KAPALIT NG PAGPATAY
Cotabato City Vice Mayor Hadji Abdullah Andang.

Ito ang ibinunyag ni Vice Mayor Andang
sa DXMS Radyo Bida matapos siyang lapitan ng isang lalake na diumanoy binayaran
para patayin siya kapalit ng isang milyong pisong halaga at makapasok sa
serbisyo ng pagiging pulis.

Ayon kay Andang, hindi na bago sa kanya
ang mga death threat sa buhay niya pero ipinagpapasalamat niya kay Allah na
hindi niya hinahayaang gumawa ng masama ang mga taong hinihikayat na gumawa ng
masama sa kanya.

Naniniwala si Vice Mayor Andang na wala
siyang kalaban sa Cotabato City pero hindi maiiwasang may mga sitwasyong hindi
maiiwasan.

Giit ni Andang, tumanda na siya sa
kanyang pagseserbisyo sa taumbayan na walang kinakalaban.

0-0 Local …………………

NANANATILING
NASA FULL ALERT STATUS ang mga myembro ng PNP at Militar sa apat na mga bayan
sa lalawigan ng North Cotabato kaugnay sa banta sa seguridad laban sa
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Kabilang rito
ang bayan ng Midsayap, Aleosan, Kabacan at Pikit.

Ayon kay
Pikit Chief of Police Insp. Sindato Karim, Kamakailan lang nang hinarass ng
abot sa 50 mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga myembro ng BIFF ang
isang detachment ng militar sa bayan ng Pikit.

KINUMPIRMA
naman ni BIFF Spokesperson Abu Misry Mama sa DXMS Radyo Bida na sila ang mag
kagagawan ng naturang harassment sa Pikit North Cotabato.

Pero hindi pa
niya natitiyak kung mga kasamahan parin nila ang sangkot sa panibagong
pangaatake sa Datu Abdullah Sangki Maguindanao kaninang madaling araw.

Sa kabila
nito, binigyang diin ni Abu Misry na bilang isang tao at may sariling
paniniwala, kanilang nirerespeto ang pagdiriwang ng mga kapatid na mga
Kristiyano ng pasko.

0-0 Local…………………….

DAGSA PARIN
ang mga taga-cotabato sa ilang mga malalaking department store at mga mall sa
lungsod ng Cotabato bilang paghahanda sa noche Buena mamayang hating-gabi.

Ilang mga
mamimili ang naghahabol na makabili ng kanilang mga panghanda at pangregalo sa
kanilang mga mahal sa buhay.

Mahaba man
ang pila sa kahera ay tinitiis ito ng mga mamimili.

Ilang mga
mamimili naman ang dalawang araw palang bago ang bisperas ng pasko ay
nakapamili na sa iba't ibang establisyemento sa lungsod, tulad ng PureGold,
Mall of Alnor, Centro department store, Superama Hypermarket at iba pa.

Kaugnay nito,
muling nagpaalala ang mga otoridad lalo na sa mga mamimili na mag-ingat sa mga
mandurukot na naglilipana rin sa lungsod.

Local……………….

Tumanggap
ng Seal of Child Friendly Municipality award ang bayan ng Sultan Kudarat mula
sa DILG, DSWD-ARMM at NGO.

Ginanap
ang awarding sa AlNor Convention Hall sa Cotabato City.

Ang
parangal ay resulta ng pananaliksik at pag-aaral ng Department of Interior and
Local Government-ARMM, Department of
Social Welfare and Development-ARMM, Department of Education-ARMM, Department
of Health -ARMM, at non government organizations sa mga programa ng local
government unit para sa proteksyon at karapatan ng mga kabataan.

Umaabot
sa 11 ang mga bayan ang tumanggap ng award.

Siyam
rito ay mula sa probinsiya ng Maguindanao habang dalawa ang mula sa Sulu.

Napag-alaman
na regional level ang nabanggit na award at inaasahang lulusot sa national
level ang isa man lang sa mga bayan na itatampok ng DILG.

Inaasahang
madaragdagan ang Bottom Up Budgeting project ng mga bayan na tumanggap ng
pagkilala base sa naging talumpati ni DILG-ARMM Secretary Atty. Anwar Malang.

Nagpaabot
naman ng kanilang pasasalamat ang bayan ng SK sa pagkilala ng pamahalaan sa mga
programang inilaan ng LGU para sa mga kabataan at kababaihan.

Ayon kay Mayor Datu Shameem Mastura, lalo pa
nilang pag-iibayuhin ang pagbibigay importansiya sa

karapatan ng mga kabataan sa kanilang bayan Local…………………..

Mismong
si ARMM governor Mujiv Hataman ang siyang nanguna sa pamamahagi ng tulong sa
mahigit limang libong indibidwal o mahigit isang libong pamilyang naapektuhan
mula sa limang barangay ng nakaraang linggong kaguluhan o armed conflict sa pagitan
ng mga armadong grupo at tropa ng pamahalaan sa bayan ng Al Barka ng lalawigan
ng Basilan.

Kada
pamilya ay tumanggap ng tig-dalawampu't limang kilong bigas at iba pang relief
goods o food pack mula sa ARMM government sa pamamagitan ng ARMM HEART rescue
team katuwang ang mga opisyal ng DPWH-Basilan province.

Sa
kasalukuyan, pinagpaplanuhan ng ARMM government ang mga karagdagang tulong na
maaari pang maibigay sa mga naturang pamilyang apektado ng kaguluhan sa limang
barangay ng AlBarka, Basilan dahil may kahilingan ang mga ito na magsagawa ang
regional government ng medical-dental mission kasama na ang stress debriefing
sa kani-kanilang lugar. lOCAL...Inaresto ng mga pulis ang dating
municipal assessor sa bayan ng Banga, South Cotabato kahapon.

Ayon kay Police Officer 2 Rodson
Ramos ng Banga PNP, ang sitenta anyos na si Nerissa Rubino ay inaresto ng mga
pulis sa bisa ng warrant of arrest ng korte.

Si Rubino ay hinuli ng mga pulis
matapos makasuhan ng paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt
Practices Act.

Ito ay dahil umano sa pag isyu ng
mga pekeng resibo noong siya ay nakaupo pa bilang municipal assessor ng Banga.

Nagrekomenda naman ng tatlumpung
libong pisong pyansa si Judge Roberto
Ayco ng Regional Trial Court Branch 26 ng Surallah para sa temporaryong paglaya
ni Rubino.

Ito ayon sa PNP ay inaayos naman ngayon ng inakusahang dating
municipal assessor.

N lOCAL...Nagtapos sa labinpitong araw na
Search and Rescue o SAR training ang tatlumpung mga disaster volunteer sa South
Cotabato.

Ang mga ito ay mula sa mga bayan ng
Banga, Lake Sebu, at Tantangan.

Kasama din ng mga ito na sinanay ang
ilang mga kasapi ng Philippine National Police.

Itinuro sa mga SAR trainees ang
basic life saving techniques, basic swimming, rapelling, ropemanship, high
angle extrication, land navigation, map reading, higline at river crossing.

Naging highlight ng training ay ang
paglangoy ng mga particpants ng isang
milya sa Sarangani Bay.

Naging instructor naman ng mga sumailalim
sa training ang 5057thPhilippine
Rescue Squadron, 505thSearch and Rescue Group of the
Philippine Airforce, Bureau of Fire Protection at Philippine Red Cross.

Ayon
kay 1Lt Aarjaye Escote ng Philippine Air Force, pinasalamatan nito ang mga
participant dahil sa ipinakitang deterimasyon na matapos ang training.

Ipinahayag
ni Escote na bilang isa rin sa nagtapos ng SAR noon, alam niya ang hirap na
pinagdaanan ng mga participant.

Kaugnay
nito, plano naman nila ayon kay Mila Lorca, ang OIC ng Provicnial Disaster Risk
Reduction and Management Office o PDRRMO South Cotabato na isailalim din sa SAR
training mga disaster team ng mga local
government units sa South Cotabato.

Ito
ayon kay Lorca ay gagawin nila sa susunod na taon.

Local..Handa
ang pulisiya na bantayan ang seguridad ng mamamayan hindi lamang sa pasko
kungdi maging sa pagsalubong sa bagong taon.

Ito
ang tiniyak ni Superintendent Nestor Salcedo, ang Chief of Police ng Koronadal.

Ayon
kay Salcedo maliban sa mga simbahan na inaasahang dadagsain ng mga mamamayan,
pinaiigting din ng pulisiya ang pagbabantay sa mga matataong lugar sa lugnsod.

Kabilang
dito ayon kay Salcedo ang palengke, mall, terminal at mga pangunahing kalye sa
lungsod.

Inihayag
ng police official na para ma-maximized
ang paglilingkod sa sambayanan, kanselado ang leave ng lahat ng mga pulis
ngayong holiday season.

Matapos
kumpirmahin ang pagselyo sa dulo ng armas ng mga pulis.

Umaapela
si Salcedo sa publiko na para sa kaligtasan ng mas nakararami iwasan na
magpaputok ng kanilang mga armas.

Inihayag
din ng pulis official na para makatulong sa pagpapanatili sa katiwasayan, dapat
ding isumbong ng mga mamamayan sa mga kinauukulan kung may makikitang kahina
hinalang bagay o personalidad sa kanilang lugar.
Local...Itinanggi ng grupong New Peoples
Army o NPA na may kinalaman sila sa
panunog ng mga contruction equipment at jeep sa South Cotabato.

Binigyan diin ni Ka Efren, ang
spokesperson ng CPP-NDF Far South Mindanao, na walang naireport hinggil sa
umanoy panunog nila ang kanilang mga kasama.

Ayon kay Ka Efren, posibleng
ginagamit lamang umano ng ilang grupo ang kanilang hanay para maisulong ang
kanilang motibo.

Ito ang ipinahayag ng lider ng
rebeldeng grupo nang makapanayam ng Radyo Bida Koronadal.

Matatandaan na isang pampasaherong
Jeep ang sinunog ng mga umanoy nagpakilalang NPA sa Barangay San Roque sa
Koronadal City noong Disyembre katorse.

Bago man ito sinunog din ang mga
heavy equipment sa road construction na pagaari ng Gemma Construction sa bayan
ng Lake Sebu noong ika a syete nitong buwan.

Ang panunog ay mariin namang
kinondena ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes.

Ayon sa gobernador sa ginawang
panunog ng mga umano’y rebelde sa mga
mga backhoe ng kompanya, ang maapektuhan dito ang masa ding
ipinaglalaban ng nila na makikinabang sana sa mga daan na ipinatatayo nsa
kanilang lugar.

Iginiit din ni Fuentes na karamihan
sa mga myembro ng NPA na naglunsad ng karahasan sa South Cotabato ay mga dayo
lamang mula sa ibang lugar.

Local...Tukoy na ang bangkay ng isang babae
na pinaghihinalaang biktima ng hit and run sa Koronadal City.

Ang biktimang si Sunshine Brameda,
biente kwatro anyos ay kinilala mismo ng kanyang live in partner na si Rez
Binas, residente ng Barangay Rotonda sa lungsod kahapon.

Ayon kay Binas nagpaalam umano ang biktima
sa kanyang byenan na umuwi muna sa kanyang mga magulang sa barangay Namnama,
Koronadal.

Ipinahayag ni Binas na nang malaman
na hindi nakarating ang misis sa paroroonan at di rin nakauwi, agad nila itong hinanap.

Matatandaan na ang biktima na
pinaghihinalaang biktima ng hit and run ay natagpuang patay sa national highway
barangay Carpenter Hill noong Byernes ng gabi.

Nagtataka naman si Binas kung paano nakarating sa Carpenter
Hill ang biktima dahil hindi naman danan
ang lugar mula Rotonda papuntang Namnama.

Ayon naman kay Barangay Carpenter
Hill Chairman Benedicto Pastera, posibleng ang biktima ay inihulog mula sa
isang van.

Ito ayon kay Pastera ay batay naman
sa naging pahayag ng isang saksi.

Ang insidente ay patuloy pang
iniimbistigahan ng Koronadal City PNP. Local...Mahigipit ngayong tinututukan at minomonitor ng mga otoridad ang mga nagbebenta ng paputok sa Kidapawan City.
May ilang vendor na kasi ana pakalat kalat sa lungsod na nagbebenta ng mga firecracker at pyrotechnics kahit saan.
Una nang nagpalabas ng deriktiba si City Mayor Joseph Evangelista na sa City Highwalk lamang ang area kung saan pwedeng mag benta ang mga firecracker vendors.
Nilinaw rin ng opisyal na ang papayagan lamang magbenta ng mga paputok ay yaong mga miyembro ng Kidapawan City Fireworks Vendors Association.
Kaugnay nito para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pagsalubong ng pasko at bagong taon naka stand by na ang mga personahe ng City PNP kasama ang City LGU officials, Traffic Management Unit at BFP-Kidapawan sa City Highwalk at iba pang area ng Kidapawan. Local..Ibinida ngayon ng Department of Agriculture Region 12 na umabot sa 115 percent ang kanilang mga naimplementang proyekto ngayong 2015 na lumampas naman sa kanilang itinalagang target ngayong taon.
Sinabi ni DA12 Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan , resulta ito sa kanilang mabilis na pagproseso at transparency na mahigpit nilang ipinapatupad lalo na sa mga physical structures ng mga proyekto.
Dahil dito, nakaipon ang DA ng sapat na pondo na siya naman nilang ginamit sa iba pang mga proyektong pang agricultura, dagdag na mga unit ng post harvest facility at farm equipment.
Malaki rin ang pasasalamat ni Datukan sa kanilang mga partner agencies sa implementasyon ng mga proyekto kagaya Local Government Units.
Samantala, hindi naman ikinabahala ni Datukan ang posibleng reshuffling na mangyayari lalo na’t papalapit na ang eleksyon.
Para sa opisyal, di naman nila ito mababago at kung sakali malilipat siya sa ibang tanggapan maipagmamalaki pa rin nito ang malaking pagbabago na nagawa sa Department Of Agriculture. Local...Nakaalerto ngayon ang buong hanay ng PNP sa lalawigan ng North Cotabato matapos ang ginawang pang-aatake ng pinaniniwalaang miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa detachment ng CAFGU sa brgy. Nalapaan, Pikit, North Cotabato.Sinabi ni Ins. Sindatu Karim, hepe ng Pikit PNP ang nasabing pang-aatake ay pinangunahan ng isang commander Marines na nakabase sa boundary ng Pagangan, Maguindanao Aleosan at Pikit, North Cotabato.Ayon kay Karim, pananakot ang kanilang nakikitang motibo sa insidente para ipalaam umano sa mga residente sa lugar na naririyan pa rin ang kanilang presensya.Dahil dito mas hinigpitan pa ng PNP ang kanilang operasyon at pagtugis sa nabanggit na grupo.Todo Bantay rin ang mga pulis at militar sa mga bayan ng Aleosan, Pigcawayan, Pikit at Midsayap sa posibleng muling pag-atake ng rebeldeng grupo.Narekober ng mga otoridad sa lugar ang mga basyo ng bala mula sa matataas na kalibre ng armas kagaya ng M14, M16, 50 caliber barret at garand riffles.Ayon sa report, nagsimula ang enkwentro gabi noong lunes nang paputukan ng BIFF ang kampo ng mga CAFGU na umabot naman sa 30 minutong palitan ng putok.Tatlong oras din na stranded ang ilang mga motorista sa Davao-Cotabato highway dahil sa pangyayari.Ang nabanggit na pang-aatake nangyari isang linggo matapos lumabas ang report mula sa National Intelligence Coordinating Agency o NICA na kabilang ang bayan ng Pikit, Kabacan, Aleosan Midsayap at Kidapawan City na nasa alert level 3 ng terror threat mula sa nabanggit na grupo. Local...Nagpaala ngayon ang mga otoridad sa publiko lalo na sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho.Ito matapos mahagip ng Mindanao Star Bus ang isang motorsiklo na minamaneho ni Doreza Gomez, 39- anyos, brgy. treasurer ng Binoligan, Kidapawan City noong nakaraang araw.Ayon sa report ng Kidapawan City PNP Traffic Division parehong binabaybay ng dalawang mga sasakyan ang daan patungong Cotabato area.Nag-overtake kasi ang naturang bus at aksidente nitong nahagip ang motorsiklo na papaliko na sana sa isang Gasoline station sa brgy. Binoligan, Kidapawan.Dahil sa malakas na pagkakabangga tumilapon si Gomez at nagtamo ng maraming pasa at sugat sa kanyang katawan.Agad namang rumisponde ang City Call 911 at mabilis siyang isinugod sa pagamutan na ngayon ay patuloy pang nagpapagaling. 0Local...Nakabalik na sa kani- kanilang tahanan ang higit 60 pamilya na unang nang lumikas matapos ang nangyaring engwkentro ng dalawang grupo ng magsasaka sa kanilang lugar sa brgy. Maybula,Tulunan, North Cotabato noong nakaraang linggo.Ito ang kinumpirma mismo ni Tulunan Mayor Lani Candolada sa panayam sa kanya ng Radyo Bida.Sinabi ni Candolada matapos ang ilang linggong pananatili ng mga bakwit sa evacuation center sa brgy. Kanibong ay nakauwi na ito noong Biyernes.Sa kanilang pagbabalik sa lugar nagkaroon din ng Multi stake-holder dialogue na pinagunahan ng CCH-MILF kasama ang Local Monitoring Team, International Monitoring Team Datu Paglas, Maguindanao, Columbio ng Sultan Kudarat at Tulunan Officials, PNP, Militar at mga barangay Officials.Ayon kay Candolada, Kabilang sa mga napag-usapan nila ay ang pagtatalaga ng militar sa nabanggit na lugar para tumutok at magmonitor doon para hindi na maulit pa ang kaparehong insidente.Isinasapinal na rin nila kung saan ang mga strategic post idedeploy ang mga peace keeping action forces.Isanasantabi na rin ng opisyal na land conflict ang motibo sa enkwentro na ngayon ay patuloy namang tinutugan ng Department of Agrarian Reform o DAR.Sa ngayon ay humupa na ang tensyon sa lugar at balik normal na ang buhay ng mga residente. Local...SINALAKAY NG MGA ELEMENTO NG hinihinalang miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang barangay Banaba, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao kahapon.Pito ang iniulat na nasawing mga sibilyan sa kaguluhang nag-ugat sa land conflict, ayon sa report na nakalap ng DXMS Radyo Bida.Patuloy pang imbestigasyon ng Maguindanao PNP at ng 6th Infantry Division.

PBBM to ex-rebels-turned-cops: Help write 'new chapter' for BARMM

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday welcomed the 100 former Moro guerillas who successfully completed the six-month field...

Hataman lauds PBBM’s assurance BARMM polls will push through next year

MANILA – House Deputy Minority Leader and Basilan Rep. Mujiv Hataman on Monday lauded President Ferdinand R. Marcos Jr.’s recent assurance that...

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...