Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM
COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan.
Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang alyansa ang dati'y kontrobersyal na mga pulitiko sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.
Maalang sina former MILG-BARMM Minister Atty. Naguib Sinarimbo, Pandag Mayor Odjie Balayman, Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Mangudadatu at duly elected Vice Governor ng undivided Maguindanao Bai Ainee Sinsuat ang laman ng mga balita sa lokal man o nasyunal dahil sa usaping pulitika.
Silang lahat ngayon ay kabilang na sa BARMM Grand Coalition o BGC na binubuo ng ALITTIHAD-UKB, Bangsamoro People's Party o BPP at Serbisyong Inklusibo-Alyansang Progresibo o SIAP.
Makikita sa larawan na napapagitnaan nina duly elected Vice Governor Bai Ainee Sinsuat at Pandag Mayor Odjie Balayman si Atty. Naguib Sinarimbo.
Nagasagawa rin ng kanilang sariling pagtitipon ang mga opisyal ng UBJP sa pangunguna ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim at pinanumpa ang mga bagong miembro ng partido.