Idineklara na ang state of calamity sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Ito ay sa pamamagitan ng resolusyon na inaprubahan ng Sangguniang Bayan.
Layon nito na magamit ang quick response fund ng lokal na pamahalaan na pantulong sa mga mamamayan na apektado ng El Nino Phenomenon.
Ayon sa SP abot na sa higit P71 million pesos ang danyos ng El Nino sa mga pananim at palaisdaan sa Surallah.
Nakaapekto naman ito sa 1,178 na mga magsasaka at mangingisda.