Sunday Jun, 16 2024 03:19:11 AM

NDBC BIDA BALITA FEB. 1, 2016

 • 17:35 PM Mon Feb 1, 2016
2,178
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 01,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ABOT sa 140 milyong pisong halaga ng
mga pananim, napinsala ng tagtuyot at mga daga sa ARMM IBA PANG MGA LUGAR sa
region 12, lubhang apektado na rin ng El Niño.

2. Pagkamatay ng BBL sa Kongreso
malaking hamon sa mga peace advocates sa Mindanao

3. Mahigit limang milyon iniliaan ng
lokal na pamahalaan para sa mga SRAA athlete ng Koronadal City

4. PNP-Kidapawan, gumawa ng hakbang upang matigil ang gang war at riot ng mga kabataan AT NGAYON SA DETALYEUMAABOT NA ngayon sa 140 million pesos
ang halaga ng mga pananim na napinsala ng matinding tagtuyot na nararanasan sa
iba’t ibang mga lugar sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Dagdag pa rito ang pagsalakay ng mga
pesteng daga sa mga sakahan.

Sinabi ni Department of Agriculture o
DA ARMM Sec. Alexander Alonto na ito ay base sa pinakahuling ulat sa kanya mula
sa mga provincial agriculture officer ng iba’t ibang mga lalawigan sa rehiyon.

Batay sa ulat, 124 million pesos ang
tinatayang halaga ng pinsalang dulot ng tagtuyot habang nasa 16 na milyong piso
naman ang halaga ng mga pananim na sinalanta ng mga pesteng daga.

Ito ang ulat mula sa Maguindanao, Sulu,
Tawi Tawi at Basilan, habang hindi pa dumarating ang crop damage report ng
Lanao del Sur.

Sinabi sa report na ang Maguindanao ang
lubos na apektado ng tagtuyot at pagsalakay ng mga daga at may production loss
na umaabot sa 94 million pesos.

Nasa mahigit 21 libong mga magsasaka
ang apektado ng tagtuyot mula sa 15 mga bayan sa Maguindanao.

Dagdag pa rito ang 16 million pesos na
halaga ng mga pananim na sinira ng mga daga sa 11 mga bayan sa Maguindanao at
apektado naman ang mahigit 12 libong mga magsasaka.

Walong mga bayan naman sa Maguindanao
ang parehong apektado ng tagtuyot at mga daga, ito ay kinabibilangan ng Buldon,
Datu Odin Sinsuat, Datu Unsay, Guindulungan, Northern Kabuntalan, Mamasapano,
South Upi at Sultan Mastura.

Samantala, Nabatid na ang estimated
cost of production loss naman sa Basilan ay 19.19 million pesos, 3.46 million
pesos naman sa Sulu at 7.61 million pesos sa Tawi Tawi. DEAD ON THE
SPOT ang isang lalaki matapos pagbabarilin pasado ala una nang madaling araw
kahapon sa Sesame street, Purok Bagong Silang, Barangay Rosary Heights 3,
Cotabato city.

Kinilala ang
biktima na si Reneboy Santos Bacsan, 32 years old at taga- barangay Poblacion
singko ng lungsod.

Ayon sa
report ng pulisya, sinundan ng hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa
motorsiklo ang biktima at nang makatyempo ay agad itong pinagbabaril nang
maraming beses.

Narekober sa
crime scene ang limang basyo ng bala ng cal. 45 pistol na pinaniniwalaang
ginamit ng suspek sa pamamaril kay Bacsan.

Patuloy pang
inaalam ngayon ng mga imbestigador ang motibo at kung sino ang nasa likod ng
nasabing pamamaril.

Una rito, isa
ring insidente ng pamamaril ang naganap sa Jose Lim street corner Kibatang
street, Bagua uno, Cotabato city pasado alas singko nang hapon noong nakaraang
Biyernes, January 29.

Kinilala ang
biktima sa nasabing pamamaril na si Abdulrauf Adam Ito, 35 years old, residente
ng Purok Magalaw sa nasabi ring barangay.

Nakasaad sa
report ng pulisya na minamaneho ni Ito ang kanyang motorsiklo at pauwi na nang
sinundan din ng hindi pa nakikilalang mga suspek at pinagbabaril.

Dead on the
spot din si Ito matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

GUSTO
NI P. AQUINO na magpatuloy pa rin ang peace process sa Moro Islamic Liberation
Front o MILF kahit tapos na ang kanyang termino.

Sinabi
ni Communications Sec. Sonny Coloma, inatasan ni Pangulong Aquino si
Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Teresita Deles na gumawa ng
action plan upang maisulong ang usapang pang­kapayapaan sa MILF pagkatapos ng
Aquino administration.

Ito’y
sa harap ng pahayag ng liderato ng Senado at Kamara na mahirap nang maihabol na
maipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL bago ang halalan sa Mayo.

Magugunita
na nabigo ang Kamara na maipasa ang BBL sa kabila ng naging apela ng Pangulo.

Hanggang
Feb. 3 na lamang ang session ng Kongreso bago ang election break at magbabalik
sa May 23 para sa Congressional canvassing of votes.

March
27, 2014 nang lagdaan ang peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at MILF subalit
ang pinaka­mahalagang sangkap ng peace agreement na sa pagsasabatas ng BBL ay
hindi naman naisakatuparan.

Sinabi
pa ni Coloma na nagbigay na rin ng pahayag si Sec. Deles na kanyang itutuloy
ang implementasyon ng kasunduang nilagdaan ng gobyerno sa MILF.

ISANG malaking hamon para sa mga peace advocates sa Mindanao ang tuluyang ‘pagkalusaw’ ng Bangsamoro Basic Law o BBL sa Kongreso.Ito ang pagtingin ni Zaynab Nawal Ampatuan, siya’ng executive officer ng Moro Peoples’ Core na isang non-government organization na nakabase sa Kabacan, North Cotabato.Ayon kay Ampatuan, bagama’t patay na nga ang BBL sa Kongreso, hindi raw ito dapat maging simula ng kaguluhan sa Mindanao, bagkus, dapat ay gawing daan ito para magsama-sama at magtutulungan ang lahat ng stakeholders na isulong ang Kapayapaan sa bahagi’ng ito ng Pilipinas.Nito pang January 27 nagtapos ang session ng Kongreso. Tuluyang ibinasura na ito ng mga mambabatas sa kabila pa man ng paulit-ulit na panawagan ng Pangulong Aquino sa suportahan nila ito para sa kapakanan ng taga-Mindanao, partikular ng taga-Autonomous Region in Muslim Mindanao.Nauna na ring nagbanta ang ilang grupo ng mga Moro na ang pagkamatay ng BBL ay maaaring magresulta ng digmaan sa rehiyon na siya’ng pinangangambahan ng marami.Gayunman, nanawagan si Ampatuan na maging bukas ang lahat para ‘wag ito’ng mangyari nang sa gayun ay mabuhay nang mapayapa at walang takot sa dibdib ang mga mamamayan ng Mindanao. PATAY
NA nang matagpuan ang isang habal-habal driver sa barangay Sito Poypoyon,
Dualing, Aleosan, North Cotabato.

Sinabi
ni PO3 Agustin Mamuala ng Aleosan PNP na natagpuan ang bangkay ng biktima na si
Edgar Erongca, 35 years old, taga- Libungan, North Cotabato, sa nabanggit na
barangay sa Aleosan, pasado alas dose ng madaling araw kahapon.

Sa
inisyal na imbestigasyon ng Aleosan PNP, sinabi ni Mamuala na pinakyaw ng di pa
kilalang mga indibidwal ang biktima mula Libungan patungong Aleosan noong
Sabado ng gabi.

Gayunman,
pasado alas otso ng gabi nang makarinig ang mga residente sa lugar ng dalawang
magkasunod na putok.

Ilang
oras pa ang lumipas bago nakatanggap ng report ang pulisya hinggil sa nasawing
driver.

Nang
magtungo sa lugar ang mga otoridad, patay na ang biktima at ninakaw rin ang
Badja motorcycle nito.

Inaalam
pa ngayon ng Aleosan PNP ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa naturang krimen.

Samantala,
isang magsasaka naman ang binaril ay napatay din ng apat na mga suspek sa
barangay Damatug, Northern Kabuntalan, Maguindanao kamakalawa.

Sinabi
ni Northern Kabuntalan PNP Chief of Police Inspector Max Herodias na posibleng
rido ang dahilan ng pamamaril at pagpatay sa biktimang si Solaiman Angking

45
years old at isang magsasaka.

Sa inisyal
na ulat ng pulisya, pasado alas nuebe ng umaga noong Sabado, January 30, nang
pagbabarilin ng mga suspek ang biktima gamit ang garran at m14 rifles.

Dead
on the spot ang biktima matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa dibdib.

Agad
namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril at nanunog pa ng ilang mga
bahay ang mga ito para malihis ang atensyon ng mga tumutugis na pulis.

NAIBIGAY NA 7.4 MILLION PESOS na pabuya sa taong nagbigay ng
impormasyon sa awtoridad hinggil sa kinaroroonan ng Malaysian terrorist na si
Zulkifli bin Hir, alyas Marwan”, sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang kinumpirma ni PNP Public Information Office Director
Chief Supt. Wilben Mayor.

Aniya, ang Department of the Interior and Local Government ang nagbigay
ng pabuya sa nag-iisang impormante na hindi niya pinangalanan.

Hindi rin nagbigay ng karagdagang detalye si Mayor hinggil sa
instant millionaire” na tipster para sa kaligtasan nito.

Samantala, hindi pa rin naibibigay ang pabuyang five million US
dollars na ipinangako ng US government sa impormante sa pinagtataguan ni
Marwan.

Aabot naman sa halos 200 milyong piso ang makukuha ng tipster
kapag pinagsama ang pabuya sa nasabing operasyon, na nagbunsod ng pagpatay ng
mga tauhan ng PNP-Special Action Force sa Malaysian bomb expert.

Target din ng PNP-SAF si Basit Usman nang ilunsad ang operasyon
sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015, kung saan napatay din ang 44
SAF police commandos sa hindi inaasahang sagupaan laban sa puwersa ng Moro
Islamic Liberation Front.

Pinagkakaabalahan ngayon ng mga preso sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Koronadal City ang paggawa ng beads at bonsai.
Ayon kay Koronadal City Jail Warden Gechres Abanilla, ang pagbibigay ng kabuhayan sa mahigit tatlumpung mga inmate ang naging prayoridad nito.
Ipinahayag ni Abanilla na sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kabuhayan, maari pa ring suportahan ng mga preso ang kanilang mga pamilya habang naghihintay ng desisyon sa kanilang kaso.
Ayon kay Abanilla pinatunayan ng kanilang mga preso na maari pa ring maging kapaki pakinabang ang mga ito sa kabila ng pagkakapiit.
Nabatid na para maipatupad ang livelihood program ay pinodohan mismo ni Abanilla.
Umaasa naman si Abanilla na madadagdagan pa ang mga livelihood prgrams ang ipatutupad sa Koronadal City BJMP. Naglaan ng 5.4 million pesos ang lokal na pamahalaan ng Koronadal para sa mga atleta nito sa SOCCKSARGEN Regional Athletic Assocation o SRAA meet 2016.
Ayon kay City Sports Supervisor Napleon Comicho, mas malaki ang budget ng lungsod ngayong taon dahil mas marami ang mga atleta nito kumpara noong nakaraang taon.
Paliwanag ni Comicho, ito ay dahil na rin sa karagdagang mga event na lalahukan ng mga atleta ng lungsod.
Kabilang dito ang Sepak takraw secondary girls, futsal secondary at boxing boys secondary.
Ipinahayag din Comicho na mas marami rin ang mga atleta sa Arnis ang Koronadal ngayon.
Kaugnay nito, tiniyak ni Comicho na handa nang sumabak sa SRRAA 2016 ang 440 na mga atleta ng Koronadal City.
Ang SRAA meet ay mayroong tatlumput limang mga sporting event na lalahukan ng mga estudyante mula sa siyam na dibisyon ng DepEd sa buong Rehiyon dose.
Ito ay gagawin naman sa Kiamba Sarangani Province sa Pebrero a tres hanggang syete.
Inaasahan naman ang pagdalo sa opening program ng patimpalak ni Filipino Boxing Icon at Sarangani Representative Manny Pacquio. Sinimulan na rin ng lokal na pamahalaan ng Koronadal City ang mga paghahanda para sa Private Schools Athletic Association o PRISAA meet 2016.
Ayon kay Judith Labial Amido, ang City Information Officer ng Koronadal, inaasahang makikilahok sa PRISAA meet ang mahigit anim na libong mga delegado.
Ito ay kinabibilangan ng mga atleta, coach, at mga opisyal ng mga pribadong educational institutions .
Ang mga ito ay kakatawan sa labinpitng mga rehiyon sa buong bansa.
Bilang host city ng PRISAA ngayon taon, kabilang sa pinaghahandaan ng city government ang pagsasaayos ng mga pasilidad tulad ng mga playing venues.
Inihahanda na rin ang mga eskwelahan na gagamiting billeting quarter ng mga delegado.
Ang PRISAA binubuo ng mga private schools.
Itinatag ito noong February 17,1953. Ang PRISAA meet 2016 na itinuturing na palarong pambansa ng mga pribadong eskwelahan ay gagawin sa Koronadal City sa Abril a tres hanggang nuebe.
Ang patimpalak ay isa lamang sa tatlong mga malalaking event na gaganapin sa Koronadal City ngayong taon.
Matatandaan na napili ring maging host sa ikatlong pagkakataon ng National Scools Press Conference o NSPC ang lungsod sa Pebrero a biente dos hanggang biente sais.
Gaganapin din sa Koronadal City ang National Bible Convention ngayong taon.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, ang paghost ng city government sa mga malalaking kaganapan ay bilang kabahagi ng kampanya ng lokal na pamahalan nag awing sentro o hub ng mga conferences ang Koronadal. Humihiling ng dagdag na apatnaraang libong piso mula sa Calamity Fund ng lalawigan ang Provincial Veterinary Office o PVET South Cotabato.
Ito ayon kay Provincial OIC Veterinarian Dr. Flora Bigot ay gagamitin sa pagpapatupad ng mga programa kontra El Nino Phenomenon.
Ipinahayag ni Bigot na bahagi nito ay gagamitin sa pagpapaigting ng technology transfer tulad ng pagtuturo sa mga magsasaka ng silage making.
Bibili din ang PVET ng mga feed concentrates para sa ,mga magsasaka na naging benipisyaryo ng kanilang dairy program.
Layon nito na matiyak na may sapat na pagkain ang mga alagang hayop lalong lalo na ang mga kalabaw na ibinigay sa mga magsasaka sakaling lumala pa ang dry spell.
Ayon kay Bigot masasayang lamang kasi ang perang ipinambili ng provincial government kapag namatay ang mga Italian Buffalo na ipinamigay sa mga magsasaka noong mga nakaraang buwan.
Ipinahayag ni Bigot na dahil sa El Nino Phenomenon, halos wala nang damong makakain ang mga alagang hayop sa South Cotabato.
Pinakamatinding epekto ng dry spell ayon kay Bigot ay nararanasan ngayon sa mga bayan ng Tantangan at Tampakan. Nagdulot ng mahigit walumput siyam na milyong pisong danyos sa mga pananim sa lalawigan ang El Nino Phenomenon sa South Cotabato.
Ito ay batay naman sa pinakahuling tala ng Provincial Agriculture Office.
Ayon kay Provincial Agriculture Officer Justina Navarete, sinira ng dry spell ang mahigit limamput isang milyong halaga ng maisan sa may dalawang libong ektaryang lupain.
Nakaapekto rin ang El Nino Phenomenon sa mahigit isang libong ektaryang palayan sa South Cotabato.
Pinakamatinding tinamaan ng dry spell ang mga bayan ng Tantangan, Polomolok at Koronadal City.
Umaasa naman si Navarete na makatutulong ang cloud seeding operation ng Department of Agriculture para maibasan ang epekto ng tagtuyo’y sa mga pananim sa South Cotabato.
Nauna nang ipinahayag ni Governor Daisy Avance Fuentes na naglaan ng tatlumput limang milyon ang provincial government para pantulong sa mga mamamayang apektado ng dry spell.
Bahagi ng halaga ayon kay Fuentes ay gagamitin sa pagbili ng binhi para sa mga magsasaka.
Nilinaw naman ni Fuentes na ang mga binhi ay ibibigay lamang sa mga apektadong mga magsasaka kapag nagsimula na muli ang planting seasin.
Ayon sa Pagasa mararanasan ang pinakamainit na panahon na ala ng El Nino sa South Cotabato sa Marso. Noong nakaraang linggo naging kontrobersyal at mainit na pinag-usapan ang pagkakasangkot ng ilang kabataan sa Kidapawan City dahil sa mga riot at GANG war.Kilalang grupo rito ang Warshock at Trese Bungkig.Pinaniniwalaang miembro sa nabanggit na grupo ay mga High School Student at ang iba ay out of school Youth sa Kidapawan City.Dahil dito, bumuo ang City PNP sa pangunaguna ni Chief Of Police Supt. John Meridel Calinga ng grupo ng mga kabataan partikular ang mga out of school youth sa lungsod.Naglunsad sila ng sports activity partikular na ang Basketball para mabaling ang atensyon ng mga bata sa sports kesa sa mga iligal at masamang gawain.Makatutulong rin ang naturang inisyatiba na mapabuti ang kanilang mga kasanayan at talento.Kahapon ay sinimulan ng PNP ang naturang aktibidad na inaasahan namang magtuloy tuloy pa hanggang sa mga susunod na araw at buwan. Handa na ang North Cotabato Integrated Provincial Health Office o IPHO na bumisita sa mga barangay sa lalawigan para magsagawa ng dental and outreach program.Ito matapos matanggap ng probinsya ang isang DENTAL Bus mula sa Department Of Health O DOH National Office.Kasama ni IPHO OIC Head Dr. Eva Rabaya si DOH 12 Assistant Regional Director nang tanggapin ang naturang sasakyan sa isinagawang turn Over Ceremony noong nakaraang linggo sa kalakhang Maynila.Pinakalayunin naman ng pagbibigay ng Dental Bus, ay para maipagpatuloy pa ng Provincial Government ang kanilang mga programa sa ilalim ng IPHO tungo sa mga malalayong barangay ng lalawigan.Itinuturing din ng probinsiya na reward ang nabanggit na bus dahil sa kanilang mga programa kung saan umabot sa higit 80, 000 mga indibidwal ang kanilang na serbisyuhan ng libreng checkups, tooth extractions, circumcisions at pagbibigay ng libreng vitamins sa mga bata noong 2015.Inaasahang mas maraming pang mga inidibidwal ang maabot ngayong taon ng Provincial Government sa tulong na rin ng kanilang bagong sasakyan.Tiniyak rin ni Cotabato Governor Emylou Mendoza na maseserbisyuhan na ng IPHO personnel ngayon 2016 ang mga liblib at mga malalayong komunidad sa North Cotabato. Hindi na nagawang isalba pa ng isang pamilya ang kanilang mga gamit ng lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Purok Uno, brgy. Poblacion Tulunan North Cotabato kahapon ng madaling araw.Ang bahay ay pag-mamay ari ng isang Gliceo Almerante.Wala na itong nagawa pa kundi ireport na lamang ang insidente sa Bureau of Fire protection Tulunan.sa impormasyon naman ng BFP abot sa 1.2 million pesos ang naging danyos ng naturang sunog.Nabatid kasi na kahit konkreto pa ang nabanggit na bahay ilang mga light materials din ang nasa loob nito dahilan para mabilis na kumalat ang apoy.Halos dalawang oras pa bago naapula ito.Wala namang mga naitalang may nasaktan o nasawi sa insidente.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.Samantala, nagpaalala ngayon ang mga otoridad sa publiko na mag-ingat sa sunog lalo nat tumitindi na rin ang init ng panahonMuli rin ipinaalala ang extra ingat kung gagamit man ng mga lampara o kandila sa panahon ng brown out dahil posible itong magsanhi ng sunog kung napabayaan. Nagpalabas na ng resolusyon ang Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC na nagrerekomenda na isailalim sa State of Calamity ang lungsod.Ito ay kaugnay naman sa tumitinding epekto ng El Niño Phenomenon sa iba't-ibang barangay ng Kidapawan.Base sa datus ng City Agriculture Office nasa three million pesos na ang danyos sa mga high valued crops ng daan daang mga magsasaka sa lungsod at posible pa itong madagdagan kung magtuloy tuloy pa ang nabanggit na kalamidad.Pinaka naapektuhan naman ng El niño ang mga tanim na saging, goma at palay habang apektado na rin ng Rat Infestation ang mga barangay ng Macebolig, Onica at barangay kalaisan.Inaasahan ngayong linggo na ihahain ito sa Sangguniang Panlungsod na siyang magbibigay ng approval sa naturang panukala.Una nang bumuo nang TaskForce El Niño ang City Government para maglikom ng impormasyon para sa mas mabilis na pagtugon sa mga pangangalangan ng mga apektadong sektor

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...

Army collects 18 more high-powered guns in MagSur 

COTABATO CITY --- Residents of Datu Paglas, Maguindanao del Sur surrendered on Thursday to an Army unit 18 high-powered firearms in support of the...

‘Bangsamoro women can lead’—women groups on BARMM 2025 polls

COTABATO CITY — Bangsamoro women representatives from various organizations convened in a forum recently to discuss strategies for strengthening...