Sunday May, 26 2024 03:02:39 AM

NDBC BIDA BALITA (March 2, 2016)

 • 02:18 AM Thu Mar 3, 2016
1,332
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 2, 2016
(WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BANDERA ng Pilipinas, itinaas sa
nakubkob na kuta ng mga terorista sa Lanao del Sur.

2. NGCP tower sa Aleosan, Cotabato, pinasabogan ng 2 IED.

3. Pagsabog ng IED napigilan sa Isulan,
Sultan Kudarat

4. Lolo, kinagat ng King Cobra sa Kidapawan PINASABUGAN NA NAMAN NG MGA di kilalang kalalakihan ang tore ng National Grid Corporation of the Philippines pasado alas 12 kaninang madaling araw.Sinabi ni North Cotabato police spokespersonSupt. Bernard Tayong na tatlong improvised bomb ang inilagay sa NGCP Tower No. 63 sa Barangay Pagangan, Aleosan, North Cotabato.Dalawa sa tatlong bombaang sumabog at ang isa ay na defuse ng mga bomb expert.Ang naturang tore ay pinasabugan din noong Jan. 14.Sinabi ni Tayong hindi naman nakaapekto sa daloy ng koryente ang insidente. NAITAAS NA ng tropa ng Philippine Army
ang bandila ng Pilipinas sa nakubkob na kuta ng Omar Maute terrorist group sa
Butig, Lanao del Sur pagkatapos ng isang linggong opensiba.

Pinangunahan kahapon ni Army’s 1st
Infantry Division Commander Major Gen. Gerardo Barrientos ang flag raising
ceremony sa naturang kampo.

Ang nakubkob na kuta ay kampo ng
magkapatid na terorista na sina Omar at Abdullah Maute na kapwa mga Indonesian
nationals na may direktang ugnayan sa Jemaah Islamiyah terrorists at nag-o-operate
sa Mindanao.

Bukod sa mga tropa ng pamahalaan,
natunghayan din ng ilang mga local government official ang isinagawang joint
flag raising ceremony sa lugar na kinabibilangan nila Mayor Ibrahim Macadatu ng
Butig, ilang kinatawan ng provincial governor ng Lanao del Sur at PNP sa lugar.

Ayon naman kay AFP spokesperson Brig. Gen.
Restituto Padilla, ang pagtaas ng bandila sa nakubkob na kuta ay hudyat na
kontrolado na ng militar ang lugar partikular ang Barangay Puktan kung saan
naganap ang labanan.

Gayunman, sinabi ni Padilla na bagaman
at nakuha na ng militar ang kuta ng Maute brothers ay nagpapatuloy pa rin hanggang
sa ngayon ang kanilang clearing operations sa lugar.

Naniniwala naman si Padilla na baldado
na ang nasabing grupo at nagkawatak watak na rin ang mga miyembro nito ngayon.

Aniya pa, isang malaking tagumpay sa
hanay ng militar ang makubkob ang kampo ng teroristang grupo dahil magbabalik na
sa normal ang pamumuhay ng mga residente doon.

Nabatid na ang grupo ni Maute ang
responsable sa pambobomba ng mga tower ng National Grid Corporation of the
Philippines at pag-atake sa mga detachment ng militar.

Binigyang-diin pa ni Padilla na hangga’t
hindi pa cleared ang lugar sa mga itinanim na mga pampasabog ay hindi muna nila
papayagang makabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga nagsilikas na mga sibilyan.Matatandaan na abot sa 1, 600 families
ang lumikas sa naturang lugar sa takot nab aka maipit sa sagupaan. ABOT sa
limang libong pisong cash ang natangay ng mga magnanakaw mula sa isang pulis
pasado alas dos ng hapon kahapon sa Sinsuat Avenue, Cotabato city.

Kinilala ng
City PNP ang biktima ng pagnanakaw na si PO1 Nasrulla Gani, 34 years old, taga-Pansacala
street, Brgy. Rosary Heights 10 ng lungsod at naka-talaga sa Datu Salibo PNP
station.

Batay sa
salaysay ni Gani, ipinarada niya ang kanyang multicab sa harap ng Superama
Hypermarket at pagbalik niya ay wla na ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang
PNP uniform, cellphone at cash.

Patuloy naman
ang paalala ng Cotabato city PNP sa mga motorista na iwasang mag-iwan ng mga
mahahalagang gamit sa mga ipinaparadang sasakyan sa lungsod upang hindi pag-interesan
ng mga kawatan. ABOT SA ANIM KATAO ang sugatan matapos
na magpang abot ang dalawang grupo ng mga pulis sa Lanao del Sur.

Nag ugat ang sagupaan matapos na
sumugod sa barangay Bubong, Bacolod Kalawi ang grupo ng mga armado at mga pulis na mula sa bayan ng Tugaya
kamakalawa ng hapon.

Wala pang report hinggil sa
pagkakakilanlan ng mga sugatang pulis.

Pero anim na mga sibilyan na nasa lugar
ang naipit sa sagupaan at nasugatan.

Sila ay kinilalang sina Osmeña Bagaya,
41 Anie Radie, 37 Mosa Radiem, 40 Basar Pumbaya, 49 Iya Maniri, 43 at
Kalil Radie, 10 years old.

Sa report ng militar, umabot ng 15
minuto ang bakbakan ng magkabilang panig.

Di pa mabatid sa ngayon ang motibo ng
naturang pag atake.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin
naglalabas ng opisyal na pahayag ang ARMM PNP at Lanao del Sur PNP kaugnay ng
insidente.

The regional police and the provincial
government did not issue any statement about the violence involving lawmen.

Ang naturang pangyayari ay kasunod
naman ng bakbakan ng militar at mga terorista sa Butig, Lanao del Sur, at ang
tunggalian nina Balabagan town Mayor Edna Benito at Vice Mayor Quirino
Sampiano.

Sinusubukan kasi ni Benito na magbalik
sa tungkulin bilang alkalde ng bayan matapos na tanggalin ng Department of the
Interior and Local Government ang kanyang suspensyon.

Gayunman, tumatanggi naman si Sampiano
na magbigay-daan.

Siya ang kasalukuyang acting mayor ng
Balabagan.

HINDI NA PALALAWIGIN PA ng Bureau
of Internal revenue o BIR Cotabato City ang deadline ng paghahain ng income tax
return sa April 15, 2016.

Ayon kay BIR District
revenue officer Atty. Malic Umpar, papatawan nila ng penalties at interest charges
ang sinumang mabibigong magfile ng kanilang income tax return.

Taon-taon na aniya itong
naka schedule kung kaya't inaasahang napaghahandaan ang pagbabayad ng 2015
income tax bago ang deadline.

Binigyang diin ni Umpar na
base sa Republic act 8424 pinapatawan ng 25 percent na interest surchage buwat
taon para sa mga bigo o huli na sa pagfile ng kanilang income tax.

Nitong february 11 lang ay
inilunsad ng BIR ang kanilang kampanya para rito, upang mahikayat ang publiko
na magbayad sa mismong itinakdang araw ng BIR sa April 15.

Samantala, Maari ring
magfile ng income tax return sa pre-printed form ng BIR sa kanilang website.

-0Napigilan ng mga pulis ang pagsabog ng isang improvised explosive device o IED sa bayan ng Isulan Sultan, Kudarat.
Ayon kay Isulan Chief of Police,Superintendent Joefil Siason, ang pampasabog na nakasilid sa isang maleta ay iniwan ng riding tandem sa gilid ng national highway malapit sa rotonda o mas kilala sa tawag na roundball” ng Isulan pasado alas sais ng umaga kahapon.
Ito ay habang nagsasagawa ng Unity walk kaugnay sa pagsisisimula ng fire prevention month celebration ang Bureau of Fire Protection, at PNP kasama ang ilang mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Isulan Mayor Diosdado Pallasigue.
Sa panayam ng Radyo bida Koronadal, ipinahayag ni Siason na nagduda ang mga pulis nang makita ng mga ito ang iniwang maleta.
Ang IED ay agad namang na-difused ng Explosive Ordnance Division o EOD ng PNP.
Ayon kay Siason, kabilang sa mga narekober ng pulisya ang may apat na kilong pako, blastic cap, 105 mortar na component ng IED at dalawang cellphone na triggering device nito.
Naniniwala naman si Isulan Mayor Pallasigue na siya ang target ng mga suspek.
Ayon sa alkalde iniwan ang pampasabog,may labinlimang metro lamang layo mula sa kanilang kinaroroonan.
Kinumpirma din ni Pallasigue na may natanggap na itong pagbabanta, bago pa man narekober ang naturang IED.
Gayunpaman, inaalam pa ng PNP kung isa din sa maaring target ng mga suspek ay si incumbent Sultan Kudarat Vice Governor Ernesto Matias na kumakandidato rin ngayong alkalde ng Isulan.
Nabatid na ang IED ay iniwan may labinlimang metro rin ang layo mula sa headquarters ni Matias.
Ang naarestong riding tandem na mga suspek sa pagiwan ng IED ay isinasailalim sa interogasyon ng PNP. Tumutulong na rin sa pagsalba sa mga tanim na apektado ng El Nino Phenomenon ang Bureau of Fire Protection o BFP sa Koronadal City.
Ayon kay Agustus Britania, ang City Environment and Natural Resources Officer ng Koronadal,dahil sa dry spell, unti unti nang namamatay ang mga seedlings na itinamim sa mga nakalipas na tree growing festival.Ipinahayag ni Britania na maliban sa mga tree seedlings sa Roxas at Quezon Mountain
Ranges, matindi rin ang epekto ng tagtuyot maging sa mga tree seedlings at ornamental plants sa Urban areas ng Koronadal.
Labis na apektado ng dry spell ayon kay Britania ang mga Eugenia at Caballero plants sa Alunan Avenue, na pilit ngayong isinasalba ng city environment office.
Sa barangay Morales, Koronadal naman , mano mano na ring binibinyagan ng mga tauhan ng barangay ang mga tanim sa gilid ng Highway na sakop nito. Kinumpirma din ni Britania na abot na lumagpas na sa animnapung porsyento ng mga puno na itinamin sa tree growing festival ang apektado ng tagtuyo’t sa Koronadal City. Arestado ang isang habal habal driver matapos makuhanan ng granada sa T’boli, South Cotabato.
Kinilala ng T’boli PNP ang suspek na si Julie Fundo, biente dos anyos at residente ng Barangay Poblacion, T’boli.
Si Fundo ay inaresto sa lugar ng mga pulis dakong alas dyes ng gabi kamakalawa.
Ito ay matapos isubomg ng ilang mga concerned citizen, ang pagdadala nito ng granada.
Ang lasing na si Fundo ay naaktuhan ng mga pulisna may hawak na granada nang kanila itong respondehan sa isang bakeshop.
Maliban sa illegal possession of explosives, ang habal habal driver na si Fundo ay kakasuhan din ng mga pulis ng paglabag sa Omnibus Election Code. Ibinasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ni dating Koronadal City Mayor Fernando Q. Miguel.
Ito ay kaugnay sa paglabag umano ng dating alkalde sa Anti graft and corrupt practices act.
Nakasaad sa notice na ipinalabas ng 2nd Division ng Korte Suprema na denied with finality ang petition to review on certiorari ng kampo ni Miguel.
Hindi na rin tatanggap ng mosyon o pleading ang Supreme Court sa dating alkalde.
Binigyan diin ng Kataas taasang hukoman na hindi na maaring iakyat sa kanilang en banc ang kaso dahil una nang nagpalabas ng circular ang korte na nagtatakda ng guidelines at mga rules sa referral ng mga kaso na nasa division ng supreme court. Matatandaan na iniakyat ni Miguel sa Supreme Court ang kaso matapos na hinatulan ng Sandiganbayan ng anim hanggang walong taong pagkakakulong at perpetual disqualification from public office noong February 23, 2015.
Ang kaso ay nag-ugat sa pagbayad umano ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ng mahigit apatnaraang libong piso sa private lawyer sa pagbili ng lupang kinatatayuan ngayon ng bagong city hall.
Naninindigan ang Tri-media Association na siyang nagsampa ng reklamo na maari di namang kunin ng libre ng city government ng Koronadal ang serbisyo ng provincial legal office ng South Cotabato sa pagbili ng lupain.
Matatandaan na ang kaso ay isinampa ng Tri-media Association sa Sandiganbayan noong March 14,2004.
Nakatakda namang magbigay ng pahayag sa Radyo bida Koronadal ang dating alkalde hinggil sa desisyon na ito ng Korte Suprema sa kanyang kaso
Hihiling ng tulong sa Cyber Crime Division ng National Bureau of Investigation o NBI ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes ito ay matapos madiskubreng nabiktima umano ng Scam sa Automated Teller Machine o ATM ang ilan nitong mga kawani.
Nabatid na pitong mga kawani ng provincial government ang umalma matapos umanong madiskubre na may ibang nakapag withdraw sa kanilang account.
Ang nakatapagtataka pa ayon kay Fuentes, ang pag-withdraw ay naganap lahat sa lalawigan ng Palawan.
Dinagdag din ng gobernador na maliban sa eksaktong laman ng ATM, itinataon din ng mga suspek ang pag-withdraw ng pera sa ATM Account ng mga biktima tuwing araw ng sweldo.
Kinumpirma din ni Fuentes na ang mga kawani ng provincial government na biktima ng ATM scan ay nag-balance inquiry sa pamamagitan ng internet at nag-online shopping.
Kaya payo ng gobernador sa mga empleyado ng kapitolyo, para hindi mabiktima ng ATM scam, huwag munang gamitin sa on line trasaction ang kanilang ATM card. Kritikal ngayon ang kondisyon ng isang 62-anyos na si Bonifacio Digao matapos itong tuklawin ng umano BANAKON o King Cobra sa brgy. Sumbac, Kidapawan City lunes ng hapon.Ayon sa kapatid ng biktima na si Concepcion Sagusay nasa daanan raw nakaharang ang naturang ahas at nang mabulabog ng mga residente, naghanap ito ng mapagtataguan hanggang sa mapadpad sa bahay ng biktima.Nagtago raw ang ahas sa ilalim ng kama ng Pamilya Digao at pagdaan ni Bonifacio ay doon na siya tinuklaw sa kanyang kanang paa.
Sa sobrang galit ng mga kamag-anak at kapitbahay ni Digao, pinaghahampas hanggang sa mapatay nila ang ahas na may habang pitong talampakan.Agad ding isinugod sa pagamutan ang biktima sa tulong ng mga rumespondeng miembro ng City Call 911.Ang survival chance raw ng matanda ay napakaliit dahil sa kawalan ng mapagkukuhanan ng anti-venom sa mga pribadong kompanya sa Kidapawan City.Pursigido ngayon ang pamilya ng biktima na ilaban ang kaniyang buhay.Kwento pa ni Aling Concepcion, hindi raw ito ang unang pagkakataon na may nakitang ‘diamond snake’ sa kanilang barangay.
Matatandaang isang 57-anyos rin na lola ang nasawi sa brgy. Kisate, Makilala nang atakehin rin ng BANAKON sa kanilang lugar noong pebrero nang nakaraang taon. Aasahan ang anim na oras na brown out ngayong araw at bukas na ipapatupad ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco sa piling mga area sa Poblacion, Kidapawan City.Magsisimula ang pagkawala sa suplay ng kuryente mula alas otso ng umaga hanggang alas dos ng hapon.
Paliwanag ng COTELCO, ito ay bunga sa kanilang gagawing pagsasaayos sa mga bagong linya ng kuryente sa Quezon Boulevard ng lungsod.Apektadong mga area ang linya ng Bangko De Oro o BDO, Philippine National Bank o PNB sa Quezon Boulevard at Angie at Diamond Subdivision area.Nabatid na gumawa ng bagong linya ng kuryente ang COTELCO matapos matamaan sa isinasagawang road widening Project ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang 23 mga poste ng nabanggit na kooperatiba. Kumbinsido ngayon ang Bureau of Fire Protection o BFP North Cotabato na faulty electrical wiring ang sanhi sa pagkaabo ng carpentry room ng Cotabato provincial Government sa Provincial Capitol Complex, Amas, Kidapawan City noong nakaraang linggo.Ito matapos ilahad ni Oscarlito Abasol ang buong pangyayari sa BFP, isa sa mga on duty na gwardiya sa panahong iyon at una ring rumesponde sa lugar.Sinabi ni BFP Provincial Fire Marshal Chief Inspector Ibrahim Guiamalon, itinuro ni Abasol na nagsimula ang apoy sa electrical Junction box ng tool room at mabilis itong kumalat.Kinumpirma rin ng opisyal na bago nangyari ang sunog nakaranas rin sila ng pabalik-balik na power fluctuation.Nilinaw ni Guiamalon na ang biglaang pagbalik sa kuryente at over voltage ang nag sanhi ng sunog lalo nat lumabas rin sa kanilang imbestigasyon na walang power breaker ang nabanggit na building.Ngayong Fire Prevention Month muling nagpaalala si Guiamalon sa publiko na siguraduing naka unplug ang lahat ng appliances panahon ng brown out at tiyaking naka off ang plangka sakaling aalis man ng bahay.Matapos ang 16 na taong pagtatago sa batas, nasa kamay na ngayon ng mga otoridad ang isang magsasaka na wanted sa probinsiya ng South Cotabato.Ito matapos ilunsad ng Tulunan PNP ang manhunt Charlie operation sa Brgy Daig, Tulunan, North Cotabato alas otso ng umaga kahapon.Kinilala ni Inspector Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP ang suspek na si Idolfo Flor Navasquez, 39 anyos na taga Purok Dalisay, Brgy Daig, Tulunan.Si Navazquez ay nahaharapa sa kasong murder.Ang pagkakaaresto sa suspek ay base naman sa warrant of arrest na inihain ni Judge Eddie Rojas ng 11th Regional trial Court branch 39 ng Polomolok South COtabato.Ayon kay Dillera, noon pang taong 2000 lumabas ang warrant ni Navazquez pero tumakas ito at nagtago ng ilang taon sa liblib na area ng brgy. Daig Tulunan.Naghihimas na ngayon ng malamig na bakal ang suspek habang nakatakda naman itong humarap sa korte ngayong araw sa bayan ng Polomolok kung saan isinampa ang kanyang kaso. Mag-iimbeta ng 40 potentials Exhibitors sa rehiyon ang Department of Agriculture Regional Office 12 sa nalalapit na paglunsad ng Treasures of SOCCKSARGENand A Travel and Trade Expo ngayong darating na April 11-14, 2016, sa Glorieta Activity Center sa Makati City.Ang aktibidad ay pangungunahan ng Department of Tourism Region 12 katuwang ang ibat-ibang Government Agency sa rehiyon at mga Local Government Unit.Sa isinagawang press conference sa Koronadal City noong nakaraang araw na ibibida ng DA Region 12 ang mga produktong nagmula sa rehiyon.Dadalhin naman ng mga exhibitors ang kani-kanilang sariling produkto na maipagmamalaki ng SOCCKSARGEN kagaya ng Organic Colored rice, Cavendish at Lakatan varieties of Banana, Coffee at ibat-ibang variety ng mangga at processors of frozen Tuna ng General Santos City.Layuning ng aktibidad ay upang maipakita at maipamalas sa buong bansa ang natatanging kagandahan at yaman ng SOCCKSARGEN. sand//www.facebook.com/messages/roel.osano# rel= toggle

6ID naglunsad ng air at ground assaults vs DI/BIFF sa Maguindanao Sur

  NAGLUNSAD ANG ARMED Forces of the Philippines ng air at ground assaults laban sa hinihinalang kasapi ng BIFF at Military, naglunsad ng air...

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua...

8 local terrorists group members yield to Army in MagNorte

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Due to intensified and decisive military operations, as well as hunger and exhaustion from continuous hiding in...

Zamboanga dealer busted for P8.1-M shabu `linked’ to dealers in other provinces

COTABATO CITY - Plainclothes policemen seized before dawn Friday P8.1 million worth of shabu from a dealer in Zamboanga City who reportedly has...