Monday Apr, 29 2024 10:27:35 PM

NDBC BIDA BALITA (May 17, 2016)

Breaking News • 22:11 PM Tue May 17, 2016
1,369
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MAY 17, 2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. KAWANI NG CIDG – Central Mindanao,
natagpuang patay sa kanyang bahay.

2. Dating North Cotabato Governor Manny
Piñol, kumpirmadong iniloklok bilang bagong Kalihim ng Department of
Agriculture

3. Pito katao, patay sa sunod-sunod na
aksidente sa daan sa South Cotabato pinakahuling binawian ng buhay, isang traffic
enforcer, sa Koronadal City

4. Rubber plantation sa Makilala, North Cotabato, nasunog Patuloy pang iniimbestigahan ng
Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-CenMin ang pagkamatay ng
kanila mismong kasamahan kahapon nang umaga.

Kinilala ang nasawing CIDG investigator
na si Ebonro Pacete, residente ng PC Hill, Rosary Heights 1, Cotabato city.

Kinumpirma ng CIDG-CenMin ang nasabing
report pero ayaw munang magbigay ng karagdagang detalye dahil tinatapos pa
umano ng mga ito ang kompletong resulta ng kanilang imbestigasyon.

Sa ngayon ay nasa punerarya na ang mga
labi ni Pacete habang hindi pa makumpirma kung nagpatiwakal ito o kung may foul
play sa kanyang pagkasawi.

Tumanggi naman munang magbigay ng
detalye ang pamilya ni Pacete kaugnay ng pagkamatay nito.

MULING
BINALAAN ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mga job applicant,
lalo na yung mga nagbabalak maging Overseas Filipino Worker, na mag ingat sa
mga naglipanang illegal recruiter.

Sabi ni DOLE Secretary
Rosalinda Baldoz na kumakalat ngayon ang mga manlolokong indibidwal na
ginagamit ang kanilang job’s fair para makapag-recruit at makapang-akit ang mga
inosenteng aplikante.

Payo ng
kalihim, agad na isumbong sa kanilang ahensya ang maling gawain ng mga pekeng
recruiter para agad na mabigyan ng nararapat na aksyon.

Nagpalabas ng
pahayag si Baldoz matapos niyang matanggap ang isang impormasyon mula sa
kinatawan ng mga employer sa Davao City, Cotabato City at ilang bahagi sa Davao
Del sur hinggil sa mga indibidwal na umano na sumasakay sa DOLE jobs fair sa
pamamagitan ng pamamahagi ng papel sa aplikante na umano’y galing sa isang
kompanya o jobs fair organizer, at hinihingi ang mga personal na detalye, tulad
ng phone number at email address.

Tatawagan ng
mga manloloko ang aplikante at sasabihan sila na sila ay napili.

Pagkatapos
nito, sasabihan sila na dapat silang magdeposito ng halagang P1,000 hanggang
P1,500 sa isang money remittance company, para sa umano’y pre-employment at
physical examination.

Ito ay may
kasamang tagubilin na pagkatapos nilang magdeposito, sila ay dapat tawagan ng
aplikante para sa dagdag na mga instruction.

Ginagamit ng
mga manloloko ang umano’y HR staff ng isang kompanya bilang contact person.

Samantla, pinaalalahanan
naman ni Baldoz ang lahat ng mga DOLE regional office na bantayan ang mga
ganitong modus operandi.

Una rito, pina-alalahanan
din ni Secretary Baldoz ang lahat ng aplikante na naghahanap ng trabaho sa
ibang bansa, partikular na sa United Kingdom, na maging maingat sa mga pekeng
bakanteng trabaho na naka-post sa internet.

Ito ay
matapos magbabala ang Philippine Overseas Employment Administration sa mga
pekeng bakanteng trabaho na naka-post sa internet at inaalok ang mga
manggagawang Pilipino na mag-apply ng trabaho sa United Kingdom.

DISMAYADO
ang isang guro matapos na manakawan siya ng motorsiklo sa loob mismo ng
compound ng Cotabato Regional Medical Center o CRMC, sa Cotabato city.

Ang
biktima ay kinilalang si Marlon Betito, 31 years old, at taga- Don E. Sero
street, Barangay Rosary Heights 5 ng lungsod.

Sa
sumbong ni Betito sa City PNP, ipinarada lang niya sa parking area ng CRMC ang
kanyang kulay itim na Honda XRM 125 na may licensed plate XP 5238 pasado alas
syete ng gabi kamakalawa.

Pero
nang balikan niya ito pasado alas sais ng umaga kinabukasan ay wala na ang
kanyang motorsiklo.

Walang
magawa si Betito kundi ang magsumbong sa City PNP.

Umaasa
naman ito na mas maghihigpit pa ng seguridad ang mga CRMC para hindi na maulit
ang ganitong insidente. HANGGANG
NGAYON ay blangko pa rin ang Midsayap PNP sa motibo ng pagbaril at pagpatay sa
dalawang indibidwal sa nabanggit na bayan.

Kaya
naman humihingi ng hustisya ang mga kaanak ng mga biktimang nakilalang sina Kristine
Joy Caman, 22 years old at Nicomedes Caman, 51 years old, pawang mga taga
barangay Baliki, Midsayap, North Cotabato.

Dead
on the spot ang dalawa matapos tamaan ng bala ng garand rifle sa ulo nang
barilin ng suspek na si Rogelio Caritativo, 74 years old, at tanod ng nabanggit
na barangay.

Sugatan
naman ang dalawa pa katao na sina Reniel Caman at Jonelyn Dionicio matapos
tamaan ng ligaw na bala.

Sa
inisyal na imbestigasyon ng Midsayap PNP, nagkaroon ng simpleng away ang mga
biktima at ang suspek na

kalaunan
ay lumaki at nauwi sa pamamaril ng suspek sa mga biktima.

Gayunman,
naniniwala ang mga imbestigador na may mas malalim pang pinag-ugatan ang
kanilang away kaya ito ngayon ang inaalam ng pulisya.

Sa
ngayon ay nakakulong na ang suspek na si Caritativo sa Midsayap PNP lockup
cell. SISIMULAN
ngayong araw sa pamamagitan ng parada ng mga empleyado ang pagdiriwang ng 25th
Devolution Anniversary ng Department of Agriculture-ARMM gayundin ang 2016
Farmers andamp Fisherfolks Month Celebration sa ORG Compound, Cotabato City.

Tema
ng kanilang pagdiriwang ngayong taon ay Celebrating 25 Challenging Years in
the Service of Our Farmers andamp Fisherfolks”.

Magsasama-sama
ang DA-Regional at Provincial Officials andamp Employees, Farmers andamp
Fisherfolks, at iba pang mga stakeholder mula sa iba’t ibang mga lalawigan ng
ARMM.

Sa
panayam kay DA-ARMM Regional Secretary Alexander Alonto, Jr. ng Bantayan sa
Radyo Bida - Cotabato, sinabi niya na dadalo sa okasyon si ARMM Governor Mujiv Hataman,
Congressman Makmod Mending, Jr. at iba pang mga ARMM official.

Sabi
ni Alonto, iba’t ibang aktibidad ang kanilang inihanda tulad ng pagbibigay ng
mga farm input at fishing paraphernalia, pagkilala sa mga natatanging farmers
at fisherfolks sa rehiyon, Padi-Padian o trade fair, Lecture on Health andamp
Wellness, Singing Contest, ball at parlor games, sports fest, Kanduli, exhibit
at pre-retirement counseling.

Bibigyang-pugay
naman ang 2015 ARMM Agri-Pinoy Rice Achievers at ang High Value Crops
Development Program at Agri-Pinoy Rice Achievers, DAF Employees Achievers at
Ph.D. Graduates.

Samantala,
bukas ay gagawin naman ang mga namumukod-tanging indibidwal at grupo ng mga
magsasaka sa iba’t ibang kategorya ng High Value Crops Development Program
Awards.

Ang
awarding ay gaganapin sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, ORG Compound,
Cotabato City.

Inihiwalay na ng selda ang apat na mga preso na nabukong nagtatago ng mga sangkap sa paggawa ng improvised explosive device o IED sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center na kilala ring bilang provincial jail.
Ayon kay OIC Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas, layon nito na matiyak na di na makapamerwisyo ang mga high risk detainee na mga suspek.
Inihayag ni Lanzaderas na matapos makatanggap ng tip, agad na ginagulad ng mga otoridad ang mga selda sa provincial jail.
Ito ayon kay Lanzaderas ay nagresulta naman sa pagkakatuklas ng isang bag na naglalaman ng mga lumang pako, bakal,at pulbura ng posporo.
Aniya ang mga ito ay galing mismo sa loob ng pasilidad at inipon lamang doon ng mga suspek.
Inihayag din ni Lanzaderas na sa kabila ng pagkakatuklas ng IED, posibleng muling payagan ang dalaw sa provincial jail.
Gayunpaman aniya, bawal nang pumunta sa reception area ang mga inmate na walang bisitang mga kaanak.
Layon nito ayon kay Lanzaderas na ma-kontrol ang dami ng tao na dadagsa sa reception area.
Matatandaan na matapos matuklasan ang mga component ng IED, sinuspinde muna ang pagtanggap ng dalaw ng mga inmate sa provincial jail ng South Cotabato.
NDBC News AM May 17
Headline and Bata nahulog sa NIA kanal, patay sa Koronadal City
Patay na nang matagpuan sa purok Kaugnayan, Barangay General Paulino Santos, Koronadal City ang isang 4 na taong gulang na bata kahapon ng umaga.
Ayon kay Barangay General Paulino Santos Chairman, Margarita Subaldo, ang bangkay ng biktima ay natuklasan ng ilang mga residente na palutang lutang sa irrigation kanal.
Kinilala naman ng ina nitong si Irish ang bata na si Jasmin Tanoy residente ng katabing barangay ng Sto. Nino.
Ayon kay Irish, huli nitong nakitang buhay ang kanyang anak alas sais ng gabi noong Sabado nang pinuntahan siya sa trabaho at humingi ng pera para pambili ng sigarilyo ng kanyang mister.
Ngunit sa halip na bigyan ng pera, unang pinauwi ni Irish ang anak.
Aniya naalarma ito ng hindi makita sa bahay ang anak kaya sila humiling ng tulong sa kanilang mga kapitbahay at barangay tanod.
Ipinahayag naman ni Subaldo, na maaring pumunta lamang sa irrigation kanal ang bata para manghugas ngunit tinangay ito ng malakas na agos ng tubig hanggang sa malunod.
Aniya sinubukan pa ng ama ng bata na habulin ito ng makita na tinatangay na ng tubig ngunit hindi na niya ito nailigtas pa.NDBC News AM May 17
Headline andModel IP family pararangalan na rin sa South Cotabato
Maliban sa taunang Search for Model Family, pararangalan na rin ang model Indigenous People o IP Family sa South Cotabato.
Ayon kay Indigenous Peoples’ Mandatory Representative o IPMR Edgar Sambog, ito ay matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa na kikilala sa mga pamilyang IP na naging magandang modelo sa kanilang komunidad.
Sinabi ni Sambog na layon din nito na maihanay ang mga IP sa mga model family ng South Cotabato.
Ayon kay Sambog sa pamamagitan ng Search for Model IP Family ay maipapakita at ma-preserba ng mga IP ang kanilang mga kultura lalong lalo na sa pagaalaga at pagpapalaki sa kanilang pamilya.
Ang Search for Model IP family ay pangungunahan ng Provincial Population Office.
Kabilang din sa evaluation committee nito ang Governors Office, Provincial Social Welfare and Development Office,Integrated Provincial Health Office, DILG, DepEd, a National Commission on Indigenous Peoples o NCIP at Indigenous Political Structure ng lalawigan.Ang programa ay pinaglaanan naman ng lokal na pamahalaan ng P100,000.
Ang tatanghaling model IP family ay tatanggap ng P20,000, P15,000 ang first runner up at P10,000 ang second runner up at P5,000 ang consolation price. Apat na araw matapos makipagbuno kay kamatayan tuluyan nang binawian ng buhay ang isang traffic enforcer na naaksidente sa sinakyang motorsiklo sa Koronadal City.
Ang biktimang si Clarence Federiso, na nakatalaga sa traffic section ng Koronadal City PNP ay binawian ng buhay habang ginagamot sa isang ospital sa Davao City madaling araw kahapon.
Matatandaan na si Federiso ay naaksidente nang mabangga ng bus ng Yellow Bus Line ang minamenho nitong motorsiklo sa national highway barangay Sto, Nino Koronadal, madaling araw noong May 13.
Sugatan din sa road accident ang angkas nitong si 21 anyos na babae.
Ang naturang traffic enforcer ay pang pito na nasawi sa road accident sa South Cotabato simula noong May 11.
Matatandaan na Mayo 11 nasawi ang 39 anyos na si Elmo Padernal at Lester Jordan nang magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa Barangay Improgo Banga.
Patay din ang mga HRM students na sina Glays Anne Paranaque at Jolo Miranda ng banggain ng bus ng Yellow Bus Line ang motorsiklo na sinakyan ng mga ito sa national highway Barangay Concepcion Koronadal noong Mayo 13.
Ang disi otso anyos na si Carl John Leonida ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital matapos maaksidente sa minamanehong motorsiklo noong May 14.
Mayo 15 ng gabi nang binawian din ng buhay ang 36 anyos na si Danny Camarinas ng bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa sinusundang sasakyan sa Barangay Sto. Nino, Koronadal. Tumanggap ng plake mula sa Provincial Police Office ang mga Chief of Police sa iba’t ibang lugar ng South Cotabato.
Ito ay isinagawa kasabay ng kanilang flag ceremony kahapon bilang pagkilala sa ginawa ng mga pulis upang matiwasay at maayos na naisagawa ang May 9 election .
Sa kanyang mensahe na ipinahayag naman ni PNP 12 Deputy Regional Operations for Operations Senior Superintendent Roberto Badian, pinuri ni Regional Director Chief Superintendent Noel Armilla ang mga pulis.
Ayon kay Armilla, matagumpay na nagampana ng mga pulis ang kanilang tungkulin sa eleksyon.
Aniya pinatunayan din ng pulisya sa katatapos lamang na eleksyon ang kanilang pagiging non-partisan kaya walang naitalang anumang karahasahan kaugnay sa halalan sa rehiyon dose.
Binigyan diin ni Armilla na malaki rin ang naitulong ng publiko sa tagumpay ng eleksyon sa region 12. Matapos ang ilang buwang pananalasa ng El Niño phenomenon sa North Cotabato nag-uumpisa na naman ngayon ang nangyayaring mga pag-ulan.Sinabi ni Provincial Agriculturist Engr. Elesio Mangliwan na bagaman at nagpapatuloy ang cloud seeding activity sa probinsya natural rain raw ang nangyari nitong mga nakaraang araw.Dahil sa cloud seeding nai-enhance ang pagbagsak ng ulan dahil maraming seedable clouds ang dumadaan sa area.Kaya naman dahil sa nabanggit na sitwasyon ay nagsimula naring magtanim ang mga magsasaka lalo na ang mga nasa upland areas.Base naman sa pagtaya ng PAG-ASA makakaranas ang lalawigan ng near normal rainfall hanggang Hunyo.Kaugnay nito inihahanda na ngayong ng Office of the Provincial Agriculturist ang mga binhing kanilang ibibigay sa mga magsasaka katuwang ang Department of Agriculture region 12 Katunayan aniya abot sa 26 thousand bags ng palay ang nakalaan para sa North Cotabato at handa na rin ang 5000 bags na mga mais.Magkaiba pa aniya ito sa augmentation ng Provincial Government na palay, mais at mga gulay na nagkakahalaga ng labing isang milyong piso. Samantala, simula noong nakaraang taon umabot na sa 1.3 billion pesos ang kasiraan na naidulot ng nabanggit na kalamidad sa mga pananim ng mga magsasaka.Sinabi ni Mangliwan na ngayon taon ang may pinakamalaking pinslang naranasan ang mga magsasaka kung ikukumpara nitong mga nakaraang taon.Mas marami kasing mga natanim sa mga upland areas kaya mas malaki rin ang nasira. Aasahang na ngayong Hunyo ang mangyayaring Oath Taking ng mga bagong halal na opisyal sa Kidapawan City.Ito ang ibinunyag ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista kasabay ng convocation program nila kahapon ng umaga.Kasamang manumpa ng alklade ang bagong halal na bise alkalde ng lungsod na si Jun Piñol, pati na ang mga miembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Councilor Jivy Roe Bombeo, Atty Francis Palmones, Judith Navarra, Gregoryo Lonzaga, Ruby Padilla-Sison, Estella Lamata, Mikel Rualo, Marites Malaluan, Peter Salac at Councilor Allan Amador.Sa naging mensahe ni Evangelista nakasaad doon na ang naturang oath taking ay gagawin sa June 30 na pangunagunahan rin ng City Health Office.Mismong si Evangelista ang manguna sa naturang oath taking na inaasahang dadagsain rin ng kanilang mga supporters dahil maliban sa kanila kasabay ring manumpa si 2nd District Rep. Nany Catamco.Sa nabanggit na programa iisa isahin rin ni Evangelista ang kanyang mga proyekto at nagawa sa loob ng kanyang termi at mga plano pa para sa ikabubuti ng mamamayan ng Kidapawan kabilang na rito ang public safety, health, education, revenue generation, manpower development at iba pa. 0Hindi man raw nanalo sa Lokal na posisyon nanalo naman sa National Position.Ito ngayon ang pinagsisigawan ng ilang mga taga Magpet, North Cotabato at mga taga suporta ni dating North Cotabato Gov. Many Piñol.Ito matapos kinumpirma ni Atty Salvador Panelo sa press conference kahapon sa Davao City na si Piñol na ang magiging bagong kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura, sa ilalim ng administrasyon ni President elect Rodrigo Duterte.Si Piñol ay maliban sa kumpare ni Duterte ay isa ring malapit na kaibigan.Naging katuwang ni Duterte si Piñol sa pangangampanya, gamit ang social media maging ang mga lokal na himpilan ng radyo sa Mindanao.Sa bagong atas na ipapatong sa balikat ni Piñol aasahang tutukan nito ang pagpapalago sa agrikultura sa mga kanayunan at iba pang lupalop ng Pilipinas. Pinaalalahanan ngayon ng mga otoridad ang lahat ng mga tumakbong kanidadto nanalo man o hindi na maging responsable sa mga iniwang campign materials.Nagsusulputan na kasi sa Text line ng DXND Radyo Bida ang kanilang mga reklamo tungkol sa mga iniwang basura ng mga kandidato noong nakaraang eleksyon.Ilan sa mga ito ay nasa barangay ng Kidapawan City, President Roxas at iba pang barangay sa North Cotabato.Bilang potensiyal na mga lider na direktang nasa serbisyo-publiko, inaasahan na lahat ng mga kandidato ay ipapakita ang kanilang pananagutan sa pagprotekta at pagpreserba sa kalikasan sa pamamagitan ng pagsusulong ng malinis at luntiang komunidad.Una na ring binanggit ng isang senador na kung malilinis agad mula sa mga pananda ng halalan ang mga pampublikong paaralan, mas maagang maihahanda agad ang mga ito sa pagbukas ng klase sa Hunyo 16 na itinakda ng Department of Education. Abot sa 250 thousand pesos ang naging danyos matapos lamunin ng apoy ang isang rubber plantation sa Brgy Malasila, Makilala, North Cotabato.Sa report na nakalap ng Radyo Bida, ang nabanggit na plantasyon ay pagmamay-ari niLolita Maghuyop, 68 anyos na taga brgy. Poblacion, Makilala.Nabatid na daan daang mga puno ng goma ang namatay dahil rin sa matinding init na dulot na sunog na kumalat na sa buong area.Nadamay rin ang kalapit na mga taniman nina Vicente Subang, Felomino Moreno, Virgie Sobresana, Victoriano Alismo, Carlito Duplan at pamilya Nacorda.Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na nagsimula ang apoy matapos mapabayan ng isang residente ang kanyang sinusunog sa lugar dahilan para mabilis na kumalat ang apoy.Matagal rin umano itong naapula ng mga rumespondeng residente dahil sa distansya rin nito sa water source sa lugar.NDBC BIDA BALITA

Barangay Kagawad patay, driver sugatan sa ambush sa Datu Hoffer, Maguindanao Sur

PATAY ang isang barangay kagawad habang nakaligtas naman ang driver nito matapos tambangan ng mga suspek sa Barangay Tuayan 1, Datu Hoffer,...

PBBM visits, honors soldiers hurt in clash with BIFF

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Seven soldiers who were wounded in an encounter with the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) were...

PBBM to ex-rebels-turned-cops: Help write 'new chapter' for BARMM

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday welcomed the 100 former Moro guerillas who successfully completed the six-month field...

Hataman lauds PBBM’s assurance BARMM polls will push through next year

MANILA – House Deputy Minority Leader and Basilan Rep. Mujiv Hataman on Monday lauded President Ferdinand R. Marcos Jr.’s recent assurance that...

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...