Monday Apr, 29 2024 09:27:04 PM

NDBC BIDA BALITA (May 20, 2016)

 • 16:39 PM Fri May 20, 2016
1,357
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 20, 2016 (FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BAHAY NG KAPITAN, pinaulanan ng
bala Katabing bahay sinunog sa Brgy. Mother Barangay, Kalanganan, Cotabato
city

2. Dalawang pulis na umano sangkot sa
pangongotong sa Makilala, North Cotabato, na relieve sa kanilang pwesto

3. Bangkay ng driver na tinangayan ng
van at natagpuang patay sa Maguindanao
naibalik na sa Koronadal City

4. Diskwento Caravan ng DTI, umarangkada na sa Kidapawan City.

KASALUKUYANG nagpapagaling sa
pagamutan ang asawa ng kapitan ng Brgy. Mother Barangay, Kalanganan, Cotabato
city dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang paa at sa kanyang tagiliran.

Una ng kinumpirma ni Cotabato City PNP
spokesperson PSI Rowell Zafra ang naturang insidente sa DXMS Radyo Bida.

Kinilala ang biktima na si Salambai
Abdullah Ayunan, 52-anyos, asawa ni Brgy. Kalanganan Mother Chairman Datu Akmad
Ayunan.

Nang makapanayam ng Radyo Bida ang anak
ng biktima na si Nhorkan Ayunan, 23-anyos, isinalaysay nito na pasado ala-una
nang madaling araw KAHAPON nang pinaulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga
armado ang kanilang bahay sa nasabing barangay.

Ayon kay Nhorkan, natutulog na sila sa
mga oras na iyon kasama ang kanyang nanay at tatay pati mga pamangkin nang
makarinig sila ng malalakas na putok na tumama sa iba't ibang bahagi ng
kanilang bahay.

Base sa imbestigasyon ng SOCO, ginamit
ng mga armado sa pamamaril ang m79 grenade launcher, m16 rifle at isa pang
hindi natutukoy na kalibre ng armas base na rin sa narekober na empty shells sa
crime scene.

Hindi pa nakuntento ang mga armado at
sinunog pa ang isang bahay na malapit lamang sa bahay ni kapitan ayunan.

Nasunog rin ang dalawang trisikad at
single motorcycle na nakaparada sa tapat ng sinunog na bahay.

May panawagan naman si Nhorkan sa mga
mga taong posibleng nasa likod nang pamamaril at panunog sa kanilang bahay.

HAHARANGIN ng
Commission on Human Rights at ng Simbahang Katolika ang plano ni presumptive
President Rodrigo Duterte na buhayin ang death penalty sa Pilipinas.

Ayon kay CHR
chairman Chito Gascon, babantayan nila ang magiging deliberasyon ng death
penalty sa Kongreso at maghahain sila ng kanilang posisyon sa nasabing plano.

Sinabi rin ni
Gascon na kontra sila sa death penalty dahil sa mahinang justice system ng
bansa. Paliwa­nag ni Gascon, kung muling mabubuhay ang death penalty sa bansa
na mahina ang justice system, maaaring maging daan ito para mapatawan ng parusa
ang mga mapapatunayan na hindi naman pala nagkasala.

Sa panig
naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, sinabi ni
Archbishop-Emeritus Oscar Cruz na mariin nilang tinututulan ang death penalty
at hindi nila hahayaan na walang gagawin na hakbang ang Simbahang Katolika para
mapigil ito.

NAGBABALA
naman si dating Akbayan Cong. Walden Bello na maaaring sa kalaunan ay
pagsisihan ng mga Pinoy ang pagbuhay sa death penalty.

Isa sa
pinagaalala ni Bello ay ang pag-short-cut at hindi na pagdaan sa tamang proseso
ng mga masasalang sa bitayan.

Pero taliwas
ito sa pananaw ng Volunteers Against Crime and Corruption sa plano ni
presumptive President Rodrigo Duterte na ibalik ang bitay sa bansa. UMATAKE
na naman ang mga magnanakaw ng motorsiklo sa bayan ng Midsayap, Cotabato.

Kahapon
ng umaga, nagsumbong ang isang babae na tumangging banggitin ang kanyang
pangalan sa Midsayap PNP na ninakaw ang kanilang motorsiklo.

Base
sa salaysay ng biktima, pinarada lamang nila ng kanyang mister ang kanilang
motorsiklo sa may Quezon Avenue para bumili ng gamot sa isang botika pero nang
balikan nila ito ay wala na.

Inilarawan
ng biktima ang kanilang ninakaw na motorsiklo na kulay itim na BAJA 100.

Bigo
naman ang PNP na maaresto ang suspek matapos ang kanilang isinagawang pursuit
operation dahil sa hindi matukoy na direksyon kung saan ito dumiritso.

Nabatid
na bago ang insidente, may napapansin na umano ang magasawa na umaaligid sa
kanilang bahay sa Brgy. San Isidro na paniwala nila ay isang magnanakaw.

Inihayag
na rin nila sa PNP at sa kanilang barangay captain ang lahat ng impormasyon na
maaring makatulong sa paghahanap ng kanilang motorsiklo.

Nabatid
na ito na ang ika-apat na insidente ng nakaw-motorsiklo sa bayan.

NILINAW
ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa Western Mindanao Command o
WestMinCom na wala silang tinitingnang deadline sa kanilang mga
ginagawang effort para maisalba ang natitira pang mga bihag mula sa
kamay ng Abu Sayyaf group o ASG sa lalawigan ng Sulu.

Ito
ang naging pahayag ni Major Filemon Tan, tagapagsalita ng WestMinCom, ukol sa
panibago na namang itinakdang deadline ng Abu Sayyaf para ibigay ang hinihiling
nilang ransom money kapalit nang kalayaan ng dalawa pang banyaga kasama ang
isang Pinay na dinukot sa Samal Island sa Davao del Norte.

Paliwanag
pa ni Tan, noon pa man ay hindi nila ibinabase sa anumang banta o deadline na
ibinibigay ng mga kidnapper sa kanilang mga ginagawang operasyon para makuha
nang ligtas ang mga biktima.

Batay
sa panibagong video na inilabas ng mga nagpakilalang Abu Sayyaf, sinabi ng
dalawang natitirang banyagang bihag na sina Robert Hall na isang Canadian at
ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad na ang banta sa kanila ng mga bandido
ay isa sa kanila ang papatayin kung hindi maibibigay ang ransom demand hanggang
sa araw ng deadline sa Hulyo 13.

Inaasahang dudumugin ng daan-daang mga mamamayan ng North Cotabato ang pagbubukas ng Diskwento Caravan- Balik Eskwela Edition ng Department of Trade and Industry o DTI katuwang ang Kidapawan City Government sa City Gymnasium ngayong araw.Ang Diskwento Caravan ay isang aktibidad na regular ng ginagawa ng DTI lalo na bago ang pagbubukas ng klase.Layunin nito na makapagbigay at makapaghatid ng mga prime commodities sa mga consumers sa mas mababang presyo.Ang mga Local producers, wholesalers at distributors ay makakagarantiya ng 10-50% na discount sa lahat ng kanilang mga items.Nauunawaan rin kasi ng DTI lalo na ang pagtama ng El Niño sa lalawigan at marami sa mga residente ang naapektuhan rito lalo na ang kanilang mga kabuhayan na pangunahing pinagkukunan para sa kanilang mga pangangailangan.Kaya naman ngayong taon ilan sa mga partners ng DTI at City Government na magdidisplay ng kanilang mga items ay ang NCCC Davao, Survive Marketing, Ulydan Marketing Sir Thomas Prints, School and Office Supplies, Dawns Cafe, Nae's Home of Fashion at Kate Alexa Marketing.Magiging katuwang rin sa naturang aktibidad ang mga opisina ng National Food Authority, Phillipine Statistic Authority at Public Employment Service Office o PESO Kidapawan.Magbebenta ng mas murag halaga ng bigas ang NFA habang tatanggap naman ang PSA ng mga application para sa copies ng birth certificates, marriage at death certificates. SAMANTALA, magsasagawa rin ng mini JOB FAIR ang PESO Kidapawan.Kinumpirma na ng ilang sa mga kompanya ang kanilang presensya at pag-oofer ng trabaho kagaya ng Gaisano Grand, Skygo Marketing Corporation, Frugal Web Solution, MSS Cycle Trading at para naman sa overseas ay ang DA Rodrigo International Inc. Godswill International Placement Inc. On Line Hiring Corporation at Advance Step International Manpower Services.Ang nabanggit na mga aktibidad ay magtatapos naman hanggang May 22, 2016 Mas pinalalakas pa ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga lalo na sa mga barangay sa bayan na una na nang ikinokonsiderang hot spot pagdating sa bentahan at gamitan ng shabu.Sinabi ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, doble narin ang ginagawang pagpapatrolya ng PNP para mamonitor ang mga area na kadalasan ginagawa ang mga ilegal na transaksyon.
Ayon kay Cordero, mainit nila ngayong tinututukan ay ang Purok Crislam ng brgy.Poblacion na una naring nabansagang drug den o bagsakan ng shabu at doon rin nagaganap ang bentahan at malalaking transaksyon para ibenta sa mga kalapit bayan sa North Cotabato partikular sa Kidapawan City, Mlang at iba pa.Hiling lamang ni Cordero sa taga Kabacan ang partisipasyon na makipagtulungan sa PNP upang mahuli ang mga taong sangkot sa illegal na gawain sa lugar.Ang ginagawang ito ng PNP ay alinsunod na rin sa isinusulong ni President Elect Rodrigo Duterte na linisin at hulihin ang lahat ng mga nasasangkot sa droga sa buong bansa.Bukod sa droga, tinututukan din ng Kabacan PNP ang kaso ng Carnapping kung saan pinipunterya ng mga kawatan ang mga motorsiklo. Inamin rin ni Cordero na tumaas ngayon ng sampung porsyento ang nabanggit na kaso sa unang quarter ng taon. Katunyan aniya, nitong linggo lamang tatlong motorcycle carnappers ang nahuli ng PNP na ngayon ay nakakulong na at sinampahan na ng kaso.Kinilala ang mga ito na sina Ronnie Guiambangan Lidasan, Tony Samal Ebrahim, menor de edad at Mando Lidasan Kidal, 38-anyos kapwa residente ng Datu Paglas, Maguindanao. Na relieve na sa kanilang assigned post ang dalawang mga pulis na nakadestino sa Highway Outpost ng brgy. Poblacion, Makilala, North Cotabato matapos ireklamo sa umano pagtanggap nito ng TONG o panghihingi ng pera mula sa mga motorista.Ito ang kinumpirma mismo ng isang opisyal ng Makilala PNP matapos iparating sa DXND Radyo BIDA ang nabanggit na issue.Nakatakda raw isailalim sa imbestigasyon ang dalawang mga pulis na hindi naman pinangalanan, para malaman ang katotohanan sa nabanggit na alegasyon kontra sa kanila.Kwento pa ng nagrereklmao sa RADYO BIDA, humingi raw ng LAGAY ang dalawang mga pulis na nadeploy sa naturang outpost mula sa truck na may kargang mga kahoy.Anila, di na kailangan pang parahin ang kanilang truck dahil dumiderteso na raw sila sa loob ng outpost at iniaabot ang pera.Ibig sabihin hindi na ito ang unang pagkakataon na nanghihingi ang dalawa.Sa ngayon, wala nang idinagdag na pahayag pa ang Makilala PNP kaugnay sa pangyayari subalit hinimok lamang nito ang publiko na bukas ang kanilang tanggapan para sa anumang reklamo kontra sa kanilang mga tauhan. Pinag-iingat ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang publiko lalo na ngayong nagsisimula na ang mga pag-ulan sa lungsod.Ayon pa sa alkalde, ugaliing maging malinis sa lahat ng bagay ngayon panahon ng tag-ulan.Kapag madalas kasi ang pag-ulan may mga bagay din o lugar na pwedeng pugaran ng mga lamok namay dalang dengue.Dapat iwasan din na lumusong sa tubig baha dahil pwedeng magsanhi ito ng leptospirosis na mula naman sa ihi ng daga at iba pang uri ng impeksyon.Iwasan din ang basta na lamang mabasa sa ulan upang hindi magkasakit ng trangkaso, ubo, sipon at iba pang karamdaman.
Paalala ng opisyal na kapag dumanas ng mga nabanggit na sakit, mas mainam na agad magpakonsulta sa duktor o sa pinakamalapit na rural health unit.Samantala maliban dito, nagbabala naman ang City LGU sa mga nakatira sa mabababang lugar na malimit bahain na kinakailangan ding maging mapagmatyag kung tataas ang level ng tubig dulot ng patuloy na buhos ng ulan.Ganun din sa mga residenteng nakatira sa matatarik na mga lugar dahil ang patuloy na pag ulan ay magdudulot ng paglambot ng lupa na maaring mauwi sa landslide.Pinapayuhan ang lahat na makipagtulungan sa mga barangay o purok officials o di kaya ay makinig sa mga anunsyong ipaparating ng City LGU sa mga himpilan ng radyo.Magpapatupad ng 'forced evacuation' ang City LGU upang maiwasan na mabiktima ng baha o landslide ang mga residente sa mga komunidad na tataman nito. Pareho-pareho ang reaksyon ngayon ng ilan sa mga tinanong ng RADYO BIDA sa Kidapawan City tungkol sa una nang mga inilatag na planong ipatupad ni President elect Rodrigo Duterte sa unang isang daang araw sa pag-upo nito sa Malakanyang.Kabilang na rito pagpapatupad ng nationwide liquor ban at curfew hour para sa mga menor de edad upang masugpo ang kriminalidad.Ang nabanggit na mga ordinansa ay ibabase sa city ordinance ng Davao na pagsapit ng alas-10and00 ng gabi ay bawal na sa kalsada ang mga bata.Pati pagbabawal ng alak pagkalagpas ng alas-12:00 ng hatinggabi ay balak daw ipatupad kung saan bawal nang magbenta at kumon­sumo ng nakakalasing na inumin simula ala-una ng madaling-araw hanggang alas-otso ng umaga. Pero ipapatupad lang ang liquor ban sa mga pampublikong lugar.Ayon sa mga nakapanyam ng Radyo Bida kung nakaya raw ng Davaenio ang pagsunod sa nabanggit na batas at kayang disiplinahin ang kanilang mga sarili ay makakaya rin ito ng buong bansa.Nabatid na naging epektibong panlaban rin krimen ang pagpapatupad ng liquor ban at curfew sa Davao City at inaasahan ni Duterte na magi­ging epektibo din ito kapag ipinatupad nationwide.Bukod sa liquor ban, nais din ni Duterte na ipairal ang nationwide smoking ban na naipatupad niya sa Davao City sa loob ng 13 taon.NDBC BIDA BALITA Magbibigay ng tulong para sa pamilya ng driver mula Koronadal
City na natagpuang patay sa Maguindanao ang lokal na pamahalaan ng Koronadal

Ayon kay Koronadal City Mayor Peter Miguel, maliban sa tulong
pinansiyal, tutulong din sa paghanap ng hustisya para sa biktima ang City LGU.

Binigyan diin ni Miguel na tulad ng mga suspek sa robbery-hold
up incident sa isang sanglaan sa Koronadal noong 2014, hindi aniya titigil ang
mga pulis sa pagtulong upang mahanap ang mga salarin na pumatay sa biktima.

Ipinahayag ng alkalde na ang van na minamaneho ni Jhomar
Membrano, 26 anyos ng Barangay Concepcion Koronadal, ay kinontrata umano patungong
Dalican, Maguindanao sa halagang kinse mil noong Huwebes.

Ngunit ang bangkay ni Membrano at konduktor nito ay natagpuan sa
sapa malapit sa Dalican.

Di pa rin narekober ang Van na may license plate 1201098 na
minaneho ng biktima na pagaari ng pulis na si Glenn Mark Abisa, na nakatalaga
sa Sultan Kudarat Police Public Safety Batallion.

Ayon naman kay Concepcion
Barangay Kagawad Bobby Castillo na kumuha sa bangkay ng mga biktima sa Cotabato
City kahapon, tinalian ang kamay at binusalan ang bibig ng mga ito bago sinakal ng Nylon chord

Kinilala naman ni Castillo ang konduktor ng van na kasama rin sa
pinaslang na si Ronald Mariveles, residente ng Barangay Glamang, Polomolok,
South Cotabato.

Ipinarerepaso ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes
ang pamamaraan ng pamamahagi ng tulong sa mga drought victims ng lalawigan.

Ayon sa gobernador ito ay bunsod ng tila mabagal na relief
operation ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO
sa mga drought victims .

Sinabi ni Fuentes na sa 11
local government units sa lalawigan, tanging nabigyan pa lamang ng bigas ang
mga apektado ng dry spell sa mga bayan ng T’boli, Lake Sebu at Norala.

Nagsimula ang pamamahagi ng tulong sa mga apektado ng El Nino
Phenomenon noong Abril 27.

Dinagdag din ni Fuentes na may mga biktima ng El Nino na hindi napasama sa talaan
ng kanilang mga barangay officials.

Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Fuentes umangal din ang mga biktima ng dry spell na hindi nabigyan ng
tulong.

Ayon kay Fuentes bago pa man makaranas ng panibagong pagsubok
ang lalawigan dapat na maisaayos na agad ang sistema ng pamimigay ng tulong para
agad na makaresponde sa mga
nangangailangan.

Apektado ng panibagong insidente ng fish kill ang 12 fish cage
operators sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.

Ayon kay Lake Warden Rudy Muyco ang fish kill ay dumale sa
mahigit 3,800 kilos na mga Tilapia na
nagkakahalaga ng mahigit P100,000.

Ipinahayag ni Muyco na maaring naging sanhi ng pagkamatay ng
libo libong mga tilapia sa Lake Seloton at Lake sebu ay ang biglang pagbuhos ng
ulan na maaring napabago sa mainit temperature sa lawa.

Sinabi din nito na dahil sa dami ng mga fish cages, posibleng kinulang
na rin sa oxygen ang dalawang mga lawa.

Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Muyco mahigit 100 mga
illegal fish cages ang nakatakdang gigibain sa Lake Sebu.

Matatandaan na abot naman sa 10 toneladang tilapia ang namatay nang magka-fish kill din sa lawa ng
Lake Sebu noong Abril.

Gayunpaman, nilinaw ni Muyco na hindi apektado na magkasunod na
fish kill incidents na ito ang supply ng Tilapia sa South Cotabato at maging sa
karatig lugar.

Nakaapekto rin sa scholarship
program ng local na pamahalaan ng Koronadal City ang full implementation
ng K to 12 program ngayong taon.

Ayon kay Koronadal Iskolar ng Bayan Program Holder Jean Sunga, 19 pa lamang ang mga nag-apply para sa scholarship program.

Naniniwala si Sunga na
bunsod ito ng pagpapatupad ng K to 12 program
ngayong taon kung kelan walang incoming college freshmen o first year
college.

Aniya para makapag-accomodate
pa ng dagdag na scholar, sa halip na noong May 6, pinawalig ng scholarship committee ang pagtanggap ng
mga aplikante ngayong araw.

Ayon kay Sunga bawat isa sa 27 barangay ng Koronadal City ay
magkakaroon dapat ng dalawang mga Isko Scholars.

Ang scholarship program ay bukas para sa mga mahihirap ngunit
deserving na mga estudyante sa Koronadal City.

Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa na
nagdedeklara sa South Cotabato bilang Land of the Dreamweavers,”

Ang ordinansa ay inakda ni Indigenous Peoples Mandatory
Representative Edgar Sambog na siya ring
Chairperson ng Committee on Culture and the Arts.

Ayon kay Sambog ang eksklusibong paggamit sa brand na Land of
the Dreamweavers” ay lalo pang magpapaunlad sa industriya ng turismo sa
lalawigan.

Ipapakita din nito ang kaibahan ng South Cotabato sa ibang
lugar.

Ipinahayag ni Sambog na ang brand name na ito ay kumikilala sa
mga babaeng indigenous na ibinatay sa
panaginip ang disenyo ng hinabing tela.

Ayon kay Sambaog kabilang dito ang Tnalak ng mga T’boli, at Tabih
ng mga Tribung B’laan at Ubo.

Ang mga telang ito ayon kay Sambog ay nagpapakita ng mga nagawa at idealismo ng mga
South Cotabateno.

Dinagdag din nito na ang
pag-promote sa ordinansa ay responsibilidad ng Arts Culture Tourism and Sports
o ACTS unit ng lalawigan.

Ipatatayo naman ang marker na Land of the Dreamweavers” na
magsisilbing land mark ng South Cotabato

PBBM visits, honors soldiers hurt in clash with BIFF

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Seven soldiers who were wounded in an encounter with the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) were...

PBBM to ex-rebels-turned-cops: Help write 'new chapter' for BARMM

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday welcomed the 100 former Moro guerillas who successfully completed the six-month field...

Hataman lauds PBBM’s assurance BARMM polls will push through next year

MANILA – House Deputy Minority Leader and Basilan Rep. Mujiv Hataman on Monday lauded President Ferdinand R. Marcos Jr.’s recent assurance that...

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...