Monday Apr, 29 2024 07:39:03 PM

NDBC BIDA BALITA (May 24, 2016)

 • 18:09 PM Tue May 24, 2016
1,321
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 24, 2016 (TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA KAWATAN sa Cotabato city,
umatake nanaman PATI ESKWELAHAN, hindi pinalampas AT BASAG-KOTSE patuloy na
nambibiktima

2. Dalawang bahay sa bayan ng Magpet,
magkasunod na nilooban daan-daang libong cash natangay ng mga magnanakaw.

3. Lalaki, nalunod sa NIA canal, patay
sa Surallah, South Cotabato

4. Illegal fish cages sa Lake Sebu, pinasisira ng local government. NATANGAY NG MGA magnanakaw ang malaking
halaga ng pera at mga gamit mula sa isang bahay sa Don Cesar street, Poblacion
3, Cotabato city kamakalawa.

Ayon sa report ng may-ari ng bahay na
si Bedo Haj Kamid, 67 anyos, pinasok ng mga kawatan ang kanyang bahay sa pamamagitan
ng paglagari sa grills nito.

Kabilang sa mga natangay ng mga
magnanakaw ang isang 32 inches LG flat screen TV na nagkakahalaga ng 14,000
pesos, dalawang 17 inches Dell laptop na nagkakahalaga ng 32,000 pesos, apat na
relo na nagkakahalaga ng 40,000 pesos, bag na naglalaman ng lot title, 300,000
pesos na cash, mga mahahalagang dokumento, mga damit, drill tools at marami
pang iba.

SAMANTALA, ikinagulat naman ng isang
enrolling officer ng PC Hill Elementary school nang malaman nitong nawawala na
ang kanyang laptop na iniwan sa nasabing eskwelahan. Ayon kay Teacher Warda Maramped Arsad,
29 anyos, resident ng General Luna, RH-5, iniwan niya ang kanyang 11 inches
Acer laptop sa cabinet ng Grade 2 Section Atis room noong May 19, 2016. Pero pagbalik nito pasado alas 10and00
nang umaga kahapon para maghanda sa early registraion ay laking gulat nito nang
sira na ang padlock ng silid-aralan at wala na ang kanyang laptop. Maliban sa Police station number 1, ay
rumusponde rin ang Scene of the Crime Operatives para makunan ng fingerprints
ang silid at malaman kung sino ang nasa likod ng pagnanakaw. SA KABILANG DAKO, panibagong biktima
naman ng basag kotse si Izzudin Abpi Ismael, 25 anyos, residente ng Intelwares
computer shop sa Demazenod avenue, RH-3 ng lungsod. Ayon sa salaysay ng biktima, ipinarada
niya ang kanyang kulay maroon na pickup sa harap ng Alnor Complex, sa Sinsuat
avenue para dumalo sa kasal sa loob ng convention hall dakong alas onse nang
umaga kahapon. Pagbalik nito makalipas ang 30 minuto
at basag na ang windshield sa kaliwang bahagi ng sasakyan.

Pagtingin nito sa loob at wala na ang
kanyang mga gamit na kinabibilangan ng isang Dell laptop na nagkakahalaga ng
32,000 pesos, isang Acer laptop na nagkakahalaga ng 35,000 pesos at isang LCD
computer monitor na nagkakahalaga naman ng 25,000 pesos.
Patuloy naman ang pagsisikap ng pulisya
na mahuli ang mga nasa likod ng talamak na basag kotse sa Cotabato city. MATAPOS na itanong ng ilang mga concerned citizen sa
DXMS Radyo Bida kung ano na ang status ni Sammy Macmod Nandang alyas Tatak, 33
anyos, ABC President ng Bayan ng Talitay, Maguindanao at asawa nitong si Alicia
Hasim Nandang, 32 anyos, matapos maaresto ng Philippine drug enforcement agency
o PDEA-ARMM.Agad na naglabas ng pahayag ang PDEA-ARMM at
sinabing NAILIPAT NA SA Maguindanao Provincial Jail ang magasawang Nandang noon
pang araw ng biyernes.

Ito matapos na maisampa na sa korte ang kasong
paglabag sa Section 11 Article 2 ng Republic Act 9165 laban sa magasawa.

Nabatid mula sa ilang mga concerned citizen na
kumakalat umano ang impormasyon na nakalabas na ang magasawa at nakapagpiyansa. Nilinaw naman ng PDEA-ARMM na kung ibabase sa kasong
isinampa laban sa magasawa, ay hindi ito maaring makapagpiyansa.

WALA na sa kanilang kustodiya ang mga suspek matapos
na mailipat sa Maguindanao provincial jail sa bisa na rin ng commitment order
na inilabas ni Judge Bansawan Ibrahim. SA NGAYON, matapos magampanan ng mga operatiba ang
kanilang tungkulin NASA KORTE na ang pasya kung ano ang magiging takbo ng kaso
ng magasawang Nandang.

Kung maalala, Pasado alas-dyes ng gabi noong May 17
nang maaresto ang magasawa sa isinagawang search operation ng Philippine drug
enforcement agency o PDEA-ARMM sa kanilang bahay sa 10th road SPDA, barangay
Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Ang operasyon ay sa bisa ng search warrant na
inaprubahan ni RTC Branch 13 Judge Bansawan Ibrahim.

Nakuha ng mga operatiba mula sa bahay ni Nandang ang
dalawang malalaking sachets ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 50 gramo
at tinatayang nagkakahalaga ng 75,000 pesos. NAKAPAGDELIBER
na ang Land Transportation Office sa buong bansa ng mahigit 100,000 licence
plate ilang buwan makaraang pigilin ito ng Commission on Audit, ayon sa isang
opisyal ng LTO.

Sinabi
ni LTO Chief Roberto Cabrera na nakapamahagi na sila ng 149,858 plaka ng
sasakyan sa 10 LTO regional offices sa buong bansa.

Ayon
kay Cabrera, nasa 47,944 na plaka ang naipakalat ng LTO sa Metro Manila 15,299
plaka sa Ilocos region 16,992 sa Central Luzon 199 plaka sa Bicol region at
30,438 sa Central Visayas. Napakamahagi
rin ang LTO ng 25,000 plaka sa Eastern Visayas 2,997 plaka sa Zamboanga
Peninsula 2,997 plaka sa Northern Mindanao 999 plaka sa Caraga region at
6,993 na plaka sa SOCCKSARGEN. Sinabi
ni Cabrera na mula noong biyernes ay naipadala na ang mga car plate sa mga
regional offices.

Nangako
naman si Department of Transportation and Communication Secretary Jun Abaya na
maipapalabas ang mga plaka ng sasakyan bago bumaba sa puwesto si Pangulong
Benigno Aquino sa susunod na buwan. NAKILALA
na ang lalakeng natagpuang patay at nakahandusay sa isang tambakan ng basura na
nasa may unahan lamang ng Glamour Resto sa Gonzalo Javier St. Barangay Rosary
Heights 7 sa Cotabato City. Ang
biktima ay kinilalang si Christian Tabake alyas Janjan na taga Purok Pag-asa ng
nabanggit pa ring barangay at utility worker ng ORG compound.

Sa
report, pasado alas-kwatro ng madaling araw kahapon ng matagpuan ang bangkay ni
Tabake na duguan at nakitang tinanggalan ng dila, may laslas sa leeg at may
sugat sa kanyang bibig. Base
sa obserbasyon ng mga otoridad, posibleng ilang oras lang ang pagitan ng
pagpaslang sa biktima bago ito nakita ng concern citizen sa tambakan ng basura
sa Gonzalo Javier St. Patuloy
naman ang ginagawang imbestigasyon ng City Police station 2 sa insidente.

MAGSASAGAWA
ng joint session ang Senado at Kamara ngayong araw para sa canvassing ng mga
boto sa pagkapangulo at bise presidente. Ayon
kay Senate Secretary Oscar Yabes, magsasama ang dalawang kapulungan para bumuo
ng national board of canvassers o NBOC.

Magsisimula
naman ang canvassing ng mga boto sa bukas na gaganapin sa Batasang Pambansa.

Sa
joint session ngayong araw, bubuo ang dalawang kapulungan ng mga rules at
panels para sa joint canvassing committee. SAMANTALA,
Buo naman ang tiwala ng Malacañang sa Kongreso na mabilis nilang magagampanan
ang canvassing at proklamasyon ng nanalong kandidato sa pagka-presidente at
bise presidente. Ito’y
sa kabila ng pagbabanta ng kampo ni Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na
busisiin ang bawat certificate of canvass, partikular ang mga boto ng kandidato
sa bise-presidente. Ayon
kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma
Jr., nakapagbigay na ng pahayag sina Senate President Franklin Drilon at House
Speaker Feliciano Belmonte na matatapos nila sa takdang panahon ang canvassing
at proklamasyon ng nanalong kandidato sa dalawang pinakamataas na puwesto. Pero
tiniyak naman ng kampo ni Marcos na hindi sila magiging sagabal sa mabilis na
canvassing at agarang proklamasyon ng nanalong pangulo.
Bukod
naman sa physical security mula sa Armed Forces of the Philippines at
Philippine National Police, babantayan din ng may 200 bagong Closed Circuit
Television o CCTV camera ang opisyal na canvassing. Umaapela si Department of Education o DepEd 12
Information Officer Antonio Maganto sa mga mamamayan sa rehiyon na makiisa sa
Brigada Eskwela.Ayon kay Maganto maliban sa mga magulang ng mga
estudyante, maaring ring makiisa sa isang linggong Oplan Balik Eskwela ang mga local government
units, non government organizations at iba
pang stakeholders ng Deped.Paliwanag ni Maganto, layon ng clean up drive na
matiyak na maipatupad ang Lesson One on Day One” ng Deped, o ang pormal na
pagsisimula ng klase sa unang araw pa lamang ng pasukan.

Magiging posible lamang ito ayon kay Maganto kapag
nalinis na at naisaayos ang mga eskwelahan.Pinaalalahanan din ni Maganto ang mga guro na bawal
sa mga ito na mag-solicit.

Ayon kay Maganto kung nais ng mga guro na makalikom
ng pondo sa pagsasaayos ng kanilang mga silid aralan, maari aniya itong isangguni
sa Parents Teachers Association o PTA.Paliwanag ni Maganto bagama’t mariing ipinagbabawal
sa mga guro na mangolekta ng anumang bayarin maari aniya itong gawin ng PTA
basta’t napagkasunduan ng mga opisyal at myembro nito.

Aminado si Maganto na dahil sa kakapusan ng pondo,
problema rin ng mga guro ang pambili ng
dagdag na pasilidad at pagsasaayos ng kanilang mga silid aralan.Ang isang linggong Brigada Eskwela o School
Maintenance Week ay ilulunsad ng DepEd sa May 30.

Ipinahayag ni Barangay Zone II, Koronadal City
Chairman Nelia Corrales, na napagkasunduan ng mga myembro ng konseho ang
pagbili nila ng mga GI sheets o Yero mula sa inaayos nilang Barangay Gym

Ito ayon kay Corrales, matapos pumapayag ang
Department of Public Works and Highwyas o DPWH, sa hiling ng mga opisyal ng
Zone II na iwanan na lamang sa barangay ang mga pinalitang yero sa kanilang
barangay Gym.Binigyan diin ni Corrales na bagama’t binili ng
konseho ang lumang mga yero, may iniwan
aniya ang barangay para sa dalawang mga kapilya, day care center at
tanggapan ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPATS.

Bawat isa sa 149 na lumang GI sheets ayon kay Corrales ay binili nila ng tig P50.Ito naman ang tugon ni Corrales hinggil sa reklamo
ng ilang mga taga Barangay Zone II sa Radyo Bida Koronadal.

Himutok kasi ng ilang mga residente, tila inuna pa
ng mga barangay officials ng Zone II ang kanilang mga sarili,kesa sa mga
mahihirap na residente sa lugar.Ayon sa mga nag-reklamong mga residente, dapat sana
ay binigyan prayoridad ng mga opisyal ng kanilang mga barangay na bumili ng
yero ang mga maralitang residente ng Barangay Zone II.

Papatawan ng
P5,000 multa ng Land Transportation Office o LTO ang sinumang mahuhuling gumagamit ng DU30” decorative
plates.Ayon kay LTO 12 Regional Director Rashid Rumaob, ang
paglalagay ng decorative plate sa mga sasakyan sa halip na license plate ay paglabag sa Land Transportation and
Traffic Code of the Philippines.

Nilinaw ni Rumaob na maaring pahintulutan ang
paglalagay ng decorative plate kapag ito ay inilagay sa ibang bahagi ng
sasakyan at hindi para takpan ang license plate.Binigyan diin ng LTO 12 Regional Director na bawal
ding gamitin ang commemorative plates ng walang pahintulot mula sa LTO.

Ito ang
ipinahayag ni Rumaob, kaugnay sa ng pagkumpiska ng LTO ng mga DU30” plates.

Matatandaan na naglipapa ang DU30” plates sa
kasagsagan ng pangangampanya noong May 9 Election.

Patay na nang matagpuan ang isang 53 anyos na lalaki
nang mahulog sa foot bridge ng NIA canal
sa Surallah, South Cotabato.Kinilala ni Surallah Chief of Police Chief Inspector
Joel Fuerte ang biktima na si Lucricio Calunsag,residente ng Barangay Libertad,
Surallah.

Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis, na
habang papuntang palengke maaring nadulas ang biktima sa foot bridge dahilan para ito mahulog sa NIA
canal, kung saan siya nawalan ng malay at nalunod.Sinubukang pang dalhin ng kanyang mga kapitbahay si
Calunsag sa ospital ngunit siya ay ideneklarang dead on arrival.

Samantala sa bayan ng Tupi, South Cotabato hindi na
nakayanan 8 taong gulang na pedestrian ang mga sugat at bugbog na natamo matapos mabangga ng isang taxi.Ito ay matapos tuluyang bawian ng buhay kahapon,
isang araw matapos mabangga sa national highway poblacion Tupi.

Kinilala ang biktima na si Rhea Mae Amigo, residente
ng Poblacion Tupi.Si Rhea Mae na nagtamo ng matinding mga sugat sa ulo
at paa ay nasawi habang ginagamot sa isang ospital sa Tupi.

Ang driver ng
taxi na nakabangga sa biktima na si Jerome Dino 38 anyos ng Bula,
General Santos ay pansamantalang nakakulong sa Tupi PNP lock up cell.

Ito ay habang
iniimbistigahan pa ng pulisiya ang insidente.

Problema pa rin ngayon ng Provincial Environment and
Management Office o PEMO South Cotabato ang unti unti na naman pagdami ng mga illegal fish
cage operator sa Lake Sebu.Ayon kay Lake Warden Rudy Muyco, sa kabila kasi ng
paulit ulit na paalala ng mga otoridad,
bumabalik na naman ang mga illegal fish cage operators sa lawa.Sa katunayan ayon kay Muyco abot sa 16 bagong
illegal fish cages ang namonitor nilang inilagay sa Lake Sebu sa nakalipas na
dalawang araw.Ang mga ito ayon kay Muyco ay sisirain nila ngayong araw.

Ang sobrang dami ng mga fish cages ay maaring maging sanhi ng kakulangan ng
oxygen sa lawa na naging dahilan naman ng fish kill.Ayon kay Muyco ang
Lake Sebu ay mayroon na ngayong mahigit 1,000 fish cages, mahigit 100 daan dito ay pawang
illegal.

Matatandaan na abot sa mahigit 3,000 kilo ng Tilapia
ang nadale ng Fish kill sa Lake sebu noong nakaraang lingo.Ipinahayag naman ng isang fish cage operator na ayaw
magpabanggit ng pangalan na apektado ng
pagdami ng mga illegal fish cage operator ang kanilang kita.

Ito ayon pa sa nagreklamo ay hindi patas sa mga
katulad nilang legal fish cage operator na
nagbabayad ng P5,000 buwanang
buwis sa local na pamahalaan ng Lake Sebu.Matatandaan na para mapanatili ang ganda ng lawa,
ni-reregulate ng local na pamahalaan ang paglalagay ng fish cages at iba pang istruktura
sa paligid ng Lake Sebu, na pangunahing tourist destination sa South Cotabato

Naniniwala si MILF Local Monitoring Team Member Jabib Guibar na hindi magiging balakid si Former Cotabato Governor Manny Piñol na ngayon ay bagong secretary ng Department of Agriculture na isulong pa rin ang kapayapaan sa Mindanao.Kumpiyansa rin si Guibar na makakarating pa rin ang mga proyektong nararapat para sa mga Moro lalo na sa sektor ng Agrikultura.Una na kasing nabansagang Anti-Moro si Piñol noong panahong isinusulong ang Memorandum of Agreement on the Ancestral Domain sa Pilipinas at siya pa ang gobernador ng lalawigan.Katunayan, ayon pa kay Guibar sinang ayunan pa ng MILF ang pagharang ni Piñol na pirmahan ang MOA AD sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at MILF kasi hindi raw ito naipaintindi ng maayos sa mamamayan.Nangyari ang MOA AD sa ilalim ng administrayon ni Former President Gloria Macapagal Aroyo.Sa ngayon ay wala namang ipinapakitang hindi pagsang-ayon ang MILF sa bagong posisyon na iniatas kay Piñol.Inaasahan ngayon ang isang daang porsyentong suporta ng Moro Communities sa liderato ni President Elect Rodrigo Duterte lalo na sa sektor ng Agrikultura.Hiling lamang ni Guibar, bilang isang peace negotiator na magkaisa na at tanggalin na ang anumang hidwaan o pader na ngayon ay nagbubukod sa mga Moro at Kristiyano. Tututukan ngayong 2016 ng Makilala Local Government Unit ang pag-sasaayos sa kanilang dumpsite kaugnay na rin sa umiiral na batas o ang RA 9003 o Ecological Solid Waste Management.Sinabi ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Engr. Walter Ruizo, ang pagtatayo ng Landfill ay magiging bahagi sa kanilang limang taong Executive Agenda sa susunod na buwan.Inamin ng opisyal na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin silang makahanap ng area na gawing dumpsite dahil base sa ebalwasyon hindi pumasa ang kasalukuyang dumpsite ng LGU na matatagpuan sa brgy. Leboce dahil malapit lamang ito sa creek at dinadaluyan ng tubig.Kaya naman, ikinokonsidera ng LGU na muling buksan ang dating basurahan sa Sitio Dela Asuncion, Poblacion, Makilala.Base sa RA 9003, inoobliga ang bawat LGU sa buong bansa na magkaroon ng sariling Landfill.Kaugnay nito, ilang mga lokal na pamahalaan na rin sa North Cotabato ang nakatanggap ng notice mula sa DENR na kelangan na nilang asikasuhin ang paggawa ng sariling Landfill.Mahigpit kasing ipinagbabawal sa nabanggit na batas ang open pit landfill na magdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mamamayan. Dismayado ngayon ang grupo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP sa North Cotabato matapos na idineretso sa mga LGU sa lalawigan ang truck-truck na mga bigas na donasyon ng Davao City Government.Sinabi ni KMP Cotabato Chair Jerry Alborme, abot sa pitong libong sako ng bigas ang unang naihatad nitong weekend at nakakustodiya ngayon sa mga LGU ng President Roxas, Antipas at Magpet.Ayon pa kay Alborme, ang nabanggit na mga bigas ay para sa mga magsasakang nanguna mismo sa isinagawang kilos protesta noong March 29-hanggang umabot na lamang sa madugong Dispersal nitong April 1.Ang ikinatakot lamang ngayon ni Alborme ay baka kilo-kilo lamang ang matanggap ng mga magsasaka gayung tig-iisang sako naman ang dapat ay para sa kanila.VC- JERRYSinabi ni Alborme na dapat lamang bigyang halaga ang ginawang sakripisyu ng mga magsasaka para lamang maramdaman ang tulong at suporta sa kanila ng gobyerno.Sa ngayo wala pang koordinasyon ang LGU sa kanilang grupo kaugnay sa proseso ng rice distribution.Matatandaang nangako ang Davao City Government ng 31.1 million pesos na halaga ng bigas para sa mga magsasaka sa probinsya matapos ang kanilang isinagawang kilos protesta sa Kidapawan City Highway na ikinamatay ng isang magsasaka at ikinasugat ng mga pulis at iba pang raliyesta. Patuloy ngayon iniimbestigahan ng Magpet PNP ang nangyayaring panloloob sa dalawang bahay sa Poblacion, Magpet, North Cotabato linggo ng madaling araw.Mismong ang may-ari ng bahay na si Erick John Molina, 27-anyos ang dumulog sa PNP para ireport ang pangyayari.Ayon sa kanya dumaan raw ang mga magnanakaw sa bintana ng kanilang kwarto.Aniya isang laptop, dalawang cellphone, cash at iba pang mahahalgang gamit ang tinangay ng mga kawatan na nagkakahalaga naman ng abot sa higit 40 thousand pesos.Habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa nabanggit na bahay, isang tawag ang muling natanggap ng PNP na umano isang bahay rin ang nilooban na pagmamay-ari ng pamilya Llamo sa Purok Mahayahay, brgy. Poblacion Magpet.Nabatid na isang laptop, tablet at cellpone ang natangay sa kaniya na nangkakahalaga rin ng halos 40 thousand pesos.Maliban rito natangay rin ang kanyang ATM card na may lamang higit 40, 000 pesos.Hindi pa nakontento ang mga kawatan at tinagay rin ang cash ng nabanggit na pamilya na umaabot sa 125 thousand pesos.Nahirapan ring makakuha ng ibedensya ang PNP sa bahay ng mga Llamo dahil na contaminate na raw ito ng miembro ng pamilya bago nagsagawa ng imbestigasyon.Pero tiniyak ngayon ng PNP na tutukan nila itong panibagong kaso ng panloloob na hindi naman unang nangyari sa nabanggit na bayan. Patay ang isang 35-anyos na beautician matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Talisay Street St. Poblacion, Kidapawan City pasado alas onse kagabi.Kinilala ang biktima na si Arnold Sulpot alyas Yang-Yang na taga Perez, Poblacion, Kidapawan.Ayon sa imbestigasyon ng PNP, bago pa raw nangyari ang pamamaril sa biktima isang komosyon pa umano ang nangyari sa apartment nito.Salaysay ng mga nakakita sa krimen mabilis raw ang pangyayari kung saan di na nagawang dalhin pa sa pagamutan ang biktima habang mabilis ring tumakas ang responsible sa pamamaril.Walong tama ng bala mula sa di pa matukoy na uri ng baril ang tumapos sa buhay ng biktima.Ngayon Blanko pa ang PNP sa motibo sa pamamaril sa biktima habang patuloy nila itong iniimbestigahan.NDBC BIDA BALITA

PBBM to ex-rebels-turned-cops: Help write 'new chapter' for BARMM

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday welcomed the 100 former Moro guerillas who successfully completed the six-month field...

Hataman lauds PBBM’s assurance BARMM polls will push through next year

MANILA – House Deputy Minority Leader and Basilan Rep. Mujiv Hataman on Monday lauded President Ferdinand R. Marcos Jr.’s recent assurance that...

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...