Sunday May, 26 2024 01:40:50 PM

Sundalo, nabaril at napatay ng isang police sa Pikit, North Cotabato

Local News • 10:15 AM Fri Sep 30, 2022
845
By: 
DXND radyo Bida

PIKIT, North Cotabato – Dead on the spot ang miyembro Philippine Army matapos na mabaril ng naka off duty na police sa Pikit, North Cotabato alas 6:30 kagabi.

Nakilala ang nasawi na si Sgt. Roy Degamo miyembro ng 6thID ng Philippine Army na taga Carmen, North Cotabato.

Ang pulis naman na nakabaril ay kinilalang si Police Senior Sergeant Chris Paul Aninon Baldo na miyembro ng Midsayap Municipal POlice Station, na naka sick leave dahil bago lamang ito sumailalim sa kidney transplant.

Sinabi ni Pikit PNP chief Police Major Maxim Peralta, nagsumbong  ang nanay ng pulis na nagbabantay ng sari-sari store dahil natakot sa nakitang sukbit na baril ng sundalo.

Anya, nagtaka kasi ang nanay kung bakit nandon ang lalaki kahit sarado na ang tindahan at nang tanungin ay hindi ito sumagot. Sa halip ipinakita daw ng sundalo ang kanyang dalang baril kaya natakot ang nanay at nag-report sa anak na police.

Sa initial investigation, lumabas na lalapitan sana ni Baldo si Degamo para tanungin pero bumunot ito ng baril kayat siya ay inunahan ng police.

Sinabi rin ni Peralta na si Sgt. Degamo ay nakainum.

Sumuko naman agad sa Pikit MPS si Sgt. Baldo.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP at Army.

Ang insidente ay kabilang sa maraming kaso ng shooting sa Pikit dahil sa rido at personal grudge ng mga sangkot.

Magkapatid na drug peddlers, huli sa anti-drug ops sa MagNorte, P3.4-M shabu nakumpiska

NAARESTO NG MGA TAUHAN NG PNP ang magkapatid na drug peddler sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del...

6ID naglunsad ng air at ground assaults vs DI/BIFF sa Maguindanao Sur

  NAGLUNSAD ANG ARMED Forces of the Philippines ng air at ground assaults laban sa hinihinalang kasapi ng BIFF at Military, naglunsad ng air...

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua...

8 local terrorists group members yield to Army in MagNorte

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Due to intensified and decisive military operations, as well as hunger and exhaustion from continuous hiding in...