Thursday May, 16 2024 06:56:46 AM

P680K na halaga ng shabu, nakumpiska sa drug buy bust, 2 suspect nahuli sa Cotabato City

Local News • 15:30 PM Tue Feb 27, 2024
470
By: 
DXMS/Haleem Abas

COTABATO CITY - MAHIGIT P680,000 na halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-BARMM sa bahagi ng Notre Dame Avenue, Barangay Rosary Heights 2, Cotabato City kanina.

Sa panayam ng Radyo Bida kay PDEA-BARMM Agent Datu, kinilala nito ang dalawang drug suspek na sina alias Norya na taga Manday habang ang kasama nitong lalaki na si alias Ricky, security guard at residente ng Lugay-lugay.

Nakumpiska mula sa kanila ang dalawang malalaking pakete ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 100 grams at nabawi rin ang perang ginamit sa operasyon bilang buy-bust money at ilan pang mga non-drug evidence.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PDEA-BARMM kaugnay sa background ng dalawang drug suspek at upang matukoy ang pinagmulan ng kanilang mga ipinupuslit na iligal na droga sa lungsod.

Sa ngayon, kulong na ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...

OPAPRU: IRR of amnesty grant to fast-track ex-rebels' integration

MANILA – The release of the implementing rules and regulations (IRR) of amnesty proclamations issued by President Ferdinand R. Marcos Jr. would...

Cotelco: All area collection offices close on May 16

KIDAPAWAN CITY - Inanunsyo ng Cotabato Electric Cooperative na ang Area at Collection offices ngayong Mayo 16, 2024 (Huwebes) ay sarado upang...

Cotabato Light announces power interruption for May 19 in Awang

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today announced a scheduled power interruption affecting Crossing Awang, Datu Odin Sinsuat on...