Tuesday Jun, 18 2024 01:44:38 AM

1 BIFF patay sa engkwentro sa Maguindanao

Mindanao Armed Conflict • 21:00 PM Sun Aug 28, 2022
532
By: 
6th ID news release
Ang pampasabog na nakuha mula sa kasapi ng BIFF. (Army photo)

CAMP SIONGCO, Maguindanao – Patay ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa nangyaring engkwentro sa pagitan nila at ng tropa ng pamahalaan sa Brgy Damablac, Talayan, Maguindanao.

Sa ulat na nakarating sa pamunuan ni Colonel Oriel L Pangcog, Commander ng 601st Brigade na madaling araw kanina ng maka-engkwentro ng tropa ng pamahalaan ang nasa 18 kasapi ng BIFF-Bungos faction sa lugar.

“Tumagal ng limang minuto ang palitan ng putok sa panig ng ating mga kasundaluhan at ng mga teroristang grupo na pinamumunuan ni Khadaffi Abdulatif alias Abu Mukayam, Chief of Staff BIFF-Bungos Faction at ng pangkat ni Andamel Abdulatif alias Mac-Mac mag-aala-una ng madaling araw kanina”, pahayag ni Col. Pangcog.

Matapos nito ay tumakas ang mga teroristang grupo at humalo sa mga sibilyan.

Sa ginawang pagtugis ng mga magigiting na kawal ng pamahalaan, isang bangkay ng kalaban ang natagpuang inabandona ng kanyang mga kasamahan. Narekober naman ng mga sundalo ang isang improvised explosive device (IED). Isang sibilyan naman ang naiulat na sugatan na kinilalang si Utain Kalantungan, 46-anyos na agad namang isinugod sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) Maguindanao, sakay sa military vehicle.

Kaugnay nito, iginiit ni 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, Commander, Major General Roy M Galido na hindi mangingiming durugin at tuluyang pulbusin ng Kampilan troopers ang teroristang grupo na banta sa seguridad sa mga lugar na sakop ng 6ID.

“Ang 6ID at JTFC ay umaalok ng kapayapaan sa pamamagitan ng pababalik-loob ninyo sa ating gobyerno. Handa ang pamahalaan na bigyan kayo ng magandang kinabukasan, pero kung patuloy kayo sa paghahasik ng karahasan, pag-aaklas laban sa ating tropa aasahan ninyo ang mas maigting naming pagtugis sa inyo,” ang matapang na pahayag ni 6ID Commander, MGen. Galido.

Matatandaan na nasa (4) apat na mga BIFF ang bumulagta sa mas pinaigting na operasiyon ng tropa ng Joint Task Force Central, 154 naman ang nagbalik-loob sa pamahalaan, simula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.

 

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...