Sunday May, 26 2024 10:56:02 PM

2 kasapi ng Highway Patrol Unit sa BARMM, naaresto dahil sa kasong extortion sa Cotabato City

Local News • 23:00 PM Fri Apr 12, 2024
315
By: 
DXMS

MAGKAIBANG kaso ang kakaharapin ng dalawang pulis na kasapi ng Regional Highway Patrol Unit - BAR matapos silang maaresto sa entrapment operation ng PNP Intregrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG sa bahagi ng Zone1, PCHILL, Rosary Heights 1, Cotabato city pasado alas sais ng gabi kanina.

Sa panayam ng DXMS Radyo Bida kay IMEG Mindanao Field Unit Acting Chief Lt. Col. Aldrin Abila, isinagawa nila ang operasyon sa mismong tanggapan ng RHPU-BAR laban sa limang mga pulis na sangkot sa robbery extortion.

Ayon kay Abila, matagumpay na nadakip ang isa sa mga suspek na kinilalang si PMSG Nassrollah Gani.

Sinabi ni Abila na nakatanggap sila ng complaint mula sa isang indibidwal matapos ma-impound ang sasakyan nitong Honda Civic dahil sa illegal transfer of plate.

Ayon sa complainant, hiningian siya ng P50,000 ng limang kasapi ng RHPU kapalit ng pagbawi sa kaniyang sasakyan.

Nakuha kay Gani ang P18,000 cash money, 2 pcs cellular phones, susi ng Toyota Wigo, 1 pc Zigana PX-9 caliber 9mm pistol, 1 pc 9mm live ammunition, 1 pc Galil Rifle, 1 pc magazine of Gail Rifle, at 28 pcs live ammunitions.

Samantala, nagtamo ng injury at sugat sa katawan ang kasama nitong si PEMS Benigno Mercado matapos tumalon sa hagdan ng RPHU.

Bagamat hindi ito kasali sa kasong robbery extortion, sinabi ni Lt. Col. Abila na sasampahan pa rin siya ng kasong direct assault matapos magpaputok ng baril sa mga operating unit.

Patuloy namang tinutugis ang apat na mga kasama ni Gani.

Sinikap naman ng Radyo Bida na makuha ang panig ni Gani ngunit sinabi nito na bahala na ang kaniyang legal counsel.

May be an image of text that says '美 m'

May be an image of 5 people and text that says 'HPU- HPU-ARMM ARMM PGEN SENJAMING ACOBBA PBGENA BGENALANMNAZARRO ALANM NAZARRO PCOLWILLIAMMSEGU SEGUN PCOL PCOLFELIXAVERBO..R PCOL COLROMNEL PCOLROMILEL_SBATANGAN ONNEL ELSB BATANGAN FLICOLBERMARPV.JATONG ARIE PEMSARIELP.SALLEVA SALLEVA PSSGZAINODINIAU PSUSALLINAIRASANGEBAN PSMSALLIMAR'

Indigents, IPs get housing units from MSSD

AMPATUAN, Maguindanao del Sur - Indigenous Peoples and Moro indigents are now enjoying living in the comforts of their own homes provided for them by...

Army neutralizes a BIFF, captures IEDs and firearm in MagSur clash

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Operating troops of the Joint Task Force Central were conducting military operations in Butilen, Datu...

Magkapatid na drug peddlers, huli sa anti-drug ops sa MagNorte, P3.4-M shabu nakumpiska

NAARESTO NG MGA TAUHAN NG PNP ang magkapatid na drug peddler sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del...

6ID naglunsad ng air at ground assaults vs DI/BIFF sa Maguindanao Sur

  NAGLUNSAD ANG ARMED Forces of the Philippines ng air at ground assaults laban sa hinihinalang kasapi ng BIFF at Military, naglunsad ng air...

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...