Monday May, 20 2024 01:18:41 PM

2 sundalo, 3 Dawlah Islamiyah members sugatan sa engkwentro sa MagSur

Mindanao Armed Conflict • 21:30 PM Tue Oct 17, 2023
729
By: 
DXMS/NCA

NAGPAPAGALING na ngayon sa ospital ang dalawang Army Private First Class ng 40th Infantry Battalion matapos masugatan sa sagupaan ng kanilang tropa laban sa mga kasapi ng Dawlah Islamiyah Group pasado alas 8:00 ng umaga kanina.

Nangyari ang engkwentro sa Sitio Bagurot, Brgy. Mother Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Sinabi sa DXMS Radyo Bida ni 601st Brigade Civil Military Operations o CMO Officer Major Saber Balogan na umabot ng isang oras bago natigil ang putukan.

Ayon kay Balogan, nagpapatrolya sa lugar ang kasapi ng 40IB nang makasagupa ang nasa 15 mga miyembro ng Dawlah Islamiyah Toraife Group.

Tatlo aniya sa panig ng teroristang grupo ang sugatan at wala namang iniulat na nasawi sa nasabing sagupaan.

Ang encounter site ay malayo sa mga siblyan ayon kay Balogan.

Sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar laban sa nasabing grupo.

MNLF’s political bloc urges members to stay off hostile politics

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Saturday reminded its more than 90,000 duly registered members to avoid...

Granada na pinaglaruan ng isang binatilyo, na recover ng PNP sa Bansalan, Davao Sur

KIDAPAWAN CITY - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 14 na taong gulang na binatilyo matapos na marecover mula sa kanya ng pulis ang isang...

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...

NDBC BIDA BALITA (May 20, 2024)

HEADLINES 1   DALAWA SUGATAN nang pasabugan ng granada ang isang kapilya ng Simbahang Katoliko sa Cotabato City 2  ...