Baha sa Pagalungan, Maguindanao Sur dulot ng ITCZ
Breaking News • 12:00 PM Tue Sep 19, 2023
457
By:
DXND/NDBC
KIDAPAWAN CITY - Ito ang naging sitwasyon ng ilang mga guro sa Damaslak Elementary School at iba pang mga lugar bahagi ng Pagalungan, Maguindanao Sur matapos bumaha kahapon at hanggang ngayon.
Kahit baha, tuloy ang pasok ng mga guro sa mga paaralan sa Pagalungan.
Kinakailangang gumamit ng bangka ang mga guro upang makarating sa mga silid aralan, at makalipat din sa iba pang mga gusali.
Kapansin pansin rin ang pagtaas din ng lebel ng tubig sa iba pang bahagi ng Pagalungan.
Matatandaang sunod sunod na pag-ulan ang natala sa Probinsya na nagdulot ng pagbaha sa ilang mga lugar dito.
Personal na nag-ikot si Pagalungan Vice Mayor Datu Abdilah "Abs" Mamasabulod sa mga lugar na apektado ng baha upang alamin ang kalagayan ng mga residente.