Monday May, 20 2024 02:43:07 PM

BIFF member patay nang masabugan ng IED sa Maguindanao del Sur

Breaking News • 11:00 AM Mon Oct 16, 2023
735
By: 
Ferdinandh Cabrera

COTABATO CITY - Patay ang isang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter na kinilalang si Tantrex Eskak matapos umanong aksidenteng sumabog ang ginagawa nitong Improvised Explosive Device o IED nito lamang weekend.

Sa impormasyon mula sa Bravo Company ng 40th Infantry Battalion, nangyari ang pagsabog sa bahagi ng Barangay Malangog, Datu Unsay, Maguindanao del Sur. Balak umano sanang pasabugan ng grupo ni Tantrex Eskak ang Municipal Police Station ng Datu Unsay subalit sumabog umano ito habang kinakabit ang components ng IED.

Patay on the spot si Tantrex habang sugatan ang pito pang kasamahan nito.

Kinukumpirma pa sa ngayon ng mga otoridad ang posibilidad na may kaugnayan ang nasabing insidente sa palapit na BSKE ang naudlot na paghahanda ng nasabing grupo.

Sa karagdagang impormasyon, asawa umano ni Tantrex ang pamangkin ng kumander ng Karialan Faction ng BIFF.

Mas pinaigting naman ngayon ng mga militar ang mga security measures at pakikipag-ugnayan s aiba pang security sectors upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bayan.

MNLF’s political bloc urges members to stay off hostile politics

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Saturday reminded its more than 90,000 duly registered members to avoid...

Granada na pinaglaruan ng isang binatilyo, na recover ng PNP sa Bansalan, Davao Sur

KIDAPAWAN CITY - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 14 na taong gulang na binatilyo matapos na marecover mula sa kanya ng pulis ang isang...

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...

NDBC BIDA BALITA (May 20, 2024)

HEADLINES 1   DALAWA SUGATAN nang pasabugan ng granada ang isang kapilya ng Simbahang Katoliko sa Cotabato City 2  ...