Big time drug peddler huli sa Lanao del Sur, P6.8-M na halaga ng shabu nakumpiska
Local News • 14:30 PM Thu Mar 4, 2021
772
By:
NIGEL PAUL FLORA SUMANGHID/DXMS Radyo Bida
COTABATO CITY - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumspika ng pinagsanib na pwersa ng Phil. Drug Enforcement Agency PDEA-BARMM, Marines at Army sa Malabang, Lanao del Sur kaninang umaga.
Sinabi ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin na ang operation ay nagresulta sa pagkahuli kay Romie Diamillah Hadji Alawi.
Alas 11:40 ng umaga kanina nang makipagtransaksyon siya sa isang under cover agent sa Barangay Mataling, Malabang. Hindi na siya nakapalag nang arestuhin ng PDEA.
Nakuha sa kanya ang isang kilo ng shabu, cal. 22 pistol, bagong Toyota Hi=Lux vehicle at boodle money na binubuo ng isang original at mga photo copy na tig-P1,000.
Si Alawi ay nakapiit na ngayon sa PDEA lock up cell.