Bus bombing, kinundina ni Tacurong Mayor Lechonsito
Breaking News • 21:45 PM Sun Nov 6, 2022
602
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
MAHIGPIT NA KINUNDINA NI Tacurong City Mayor Joseph Lechonsito ang pambobomba sa Yellow Bus kahapon na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng 11 iba pa.
Ayon kay Lechonsito, ito ay kagagawan ng mga halang ang kaluluwa na nais guluhin ang Tacurong at ang mga mamamayan nito.
Hindi aniya titigl ang LGU hanggang hindi mapanagot ang mga may sala.
Nakiramay si Mayor Lechonsito sa pamilya ng nasawi at ng mga nasugatan.
Hiniling niya sa mga mamamayan na maging mapagbantay sa lahat ng pagkakataon, lalo na sa mga mataong lugar at sa mga bus terminal.