Friday Apr, 26 2024 08:58:03 AM

Child, 3, went missing, later found dead in South Cotabato river

Local News • 16:00 PM Mon Oct 19, 2020
1
By: 
DXOM Radyo Bida
Photos courtesy of Ailyn Castillones Sobrecarey

TANTANGAN, South Cotabato - Matapos ang magdamag na paghahanap, patay na nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang tatlong taong gulang na si Charidylle alyas "Gogoy" Pran, sa Tantangan, South Cotabato, dakong 7:00 ng umaga kanina.

Ang biktimang si Pran ay natagpuan sa Barangay Dumadalig, Tantangan, ilang kilometro ang layo mula sa kanilang lugar na Barangay New Iloilo sa nasabing bayan.

Sinabi sa Radyo - Bida ni Tantangan MDRRM action officer Michael Lester Tomanan na posibleng nadulas ang biktima at nahulog sa sapa habang naglalaro kasama ang iba pang mga bata sa kanilang lugar dakong alas 6:00 ng hapon kahapon.

Ayon kay Tomanan, dahil sa lakas ng agos ng tubig sa sapa bunsod ng malakas na ulan at madilim na paligid, nahirapan sa retrieval operation ang kanilang rescue team.

Sa katunayan, ayon kay Tomanan dahil peligro na ito sa kanila, pansamantala nilang itinigil ang paghahanap sa biktima.

Ipinahayag ni Tomanan na mismong tiyuhin ng batang biktima ang unang nakakita sa bangkay nito sa bahagi ng sapa na nasa boundary na ng Dumadalig at karatig bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Tomanan sa mga mamamayan ng Tantangan na ngayong madalas ang malakas na mga pag-ulan maging maingat at maging mapagmatyag lalo na sa posibleng pagtaas ng tubig na maaring magdulot ng mga pagbaha.

 

Halos 80 kataong dumalo sa kasal naospital dahil sa food poisoning sa South Upi

HALOS 80 mga mamamayan ang na-isinugod sa matapos na sila kumain ng ginataang manok sa isang kasal sa Barnagay Pandan, South Upi, Maguindanao del Sur...

1 patay, 3 huli sa gun buy bust sa Maguindanao del Sur

TALAYAN, Maguindanao del Sur - ISA sa ang patay matapos mauwi sa shootout ang ikinasang firearms buy bust operation ng CIDG-BARMM sa Barangay...

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...