Monday Jun, 17 2024 11:12:09 AM

COVID-19 delta variant, pinapangambahang nasa Mlang, North Cotabato na

HEALTH • 17:00 PM Thu Aug 12, 2021
613
By: 
NDBC NCA

MLANG, NORTH COTABATO - Malaki ang paniniwala ng health authorities sa M'lang, Cotabato na may COVID-19 Delta Variant sa bayan dahil sa agresibo at hindi ordinary ang naitatalang kaso ng COVID-19 kamakailan at ang pagtaas ng bilang ng mga severe patients.

Kaya inirekomenda na ng Municipal Health Office sa Integrated Provincial Health Office na magsagawa na ng specimen sample collection sa ilang mga nagpositibong pasyente para sa pagsasailalim sa genome sequencing testing na siyang tutukoy kung ang delta variant ba ang dahilan ng paglobo ng kaso ng impeksyon sa bayan.

Sa panayam ng radyo BIDA kay M’lang Municipal Health Officer Dr. Jun Sotea, nilahad nitong kahit pa man hindi kompirmadong may delta variant sa bayan ay kailangan nilang maging proactive at advanced sa mga hakbangin nila katulad na lamang ng mass testing upang mas maagap na masuri kung sino ang mga positibo sa bayrus at nang maiwasan ang COVID-19 surge.

Samantala, hindi na itutuloy ang planong pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine matapos matalakay ang ilang mga negatibong implikasyon nito sa ekonomiya at sikolohikal.

Mananatali sa General Community Quarantine o GCQ ang quarantine status ng bayan subalit magpapatupad ito ng heightened restrictions upang masaway ang mga health protocol violators na siyang isa sa mga dahilan ng pagdami ng nagkaka COVID-19.

Panawagan ni Dr. Sotea sa mga taga Mlang na huwag ng antayin pang masita ito dahil sa paglabag, maging responsable at disiplina ang pairalin bilang ambag sa mga hakbang ng LGU at hindi na makadagdag pa sa hirap ng mga frontliners.

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...

Eid'l Adha outdoor rites peaceful

COTABATO CITY - The outdoor Eid’l Adha congregational worship rites in Central Mindanao on Sunday morning were peaceful, capped off with calls by...