Tuesday Sep, 26 2023 10:57:24 AM

Dawlah Islamiya finance officer, naaresto ng Raja Buayan PNP sa Isulan

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 20:30 PM Sun May 7, 2023
861
By: 
DXMS RADYO BIDA
Larawan habang ipinapaliwana sa suspect ang warrant of arrest laban sa kanya ng mga tauhan ng Rajah Buayan municipal police station.

SA PANGUNGUNA NG Rajah Buayan PNP kasama ang iba pang law enforcement group, naaresto ang suspek na si Racma Dinggo Hassan o Halima Ebrahim alyas Raks, nitong Sabado sa isang pagamutan sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa bayan ng Isulan.

Ito’y matapos isilbi ng Rajah Buayan PNP sa pamumuno ni Police Captain Joel Lebrillo ang warrant of arrest laban sa kanya habang naka-confine sa ospital.

Kasama ng Rajan Buayan MPS ang PNP Special Action Force, Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao Sur PNP, Maguindanao Sur Provincial Police, at mga tauhan ng Isulan, Shariff Saydona Mustapah at Datu Piang municipal police stations.

Si Halima alias ay nahaharap sa kasong multiple attempted murder at may bail bond na abot sa P120,000 pesos.

Ayon kay Lebrillo, si Racma Dinggo Hassan ay siyang maybahay ng namayapang si Norodin Hassan alyas 'Andot', ang dating Emir ng Daulah Islamiyah Hassan Group na nasawi sa isang engkwentro ng pamahalaan noong January 15, 2022 sa Brgy. Tunganon, Carmen, Cotabato.

Si alyas Raks ay nagsisilbing logistic, financial facilitator at liaison officer ng teroristang grupo na nag-ooperate sa Sultan sa Barongis, Shariff Sayfdona Mustapah at buong Maguindanao province.

 

2 slain in police anti-gunrunning ops in Sultan Kudarat

  PATAY matapos manlaban sa raiding team ang dalawang mga suspek sa ikinasang entrapment operation ng mga pulis sa National Higway, Brgy....

Dawlah member dead, 3 hurt in Maguindanao del Sur clash

COTABATO CITY - Soldiers shot dead a member of the Dawlah Islamiya and wounded three others in an encounter over the weekend in Ampatuan town in...

Sulu Gov pledges full support to BARMM’s action plan on women, peace, security

JOLO, Sulu – The Bangsamoro Women Commission (BWC) has earned the support of Governor Abdusakur Tan of Sulu Province in the implementation of the...

Gunmen force hundreds of Tedurays out of tribal lands

COTABATO CITY --- More than 300 ethnic Tedurays have abandoned their ancestral lands in Maguindanao del Norte after gunmen shot their houses with...

Islamic preacher, nasawi sa car accident sa Buluan, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang Imam o Muslim Religious preacher nang aksidenteng mabangga ng silver Toyota Vios sa harap ng New market,...