Tuesday Aug, 09 2022 09:46:38 AM

Ex-college teacher, female nabbed during buy bust operation

Local News • 08:30 AM Mon Jun 20, 2022
132
By: 
DXMS RADYO BIDA
The suspects are now detained at Libungan police lock up cell

HULI SA MISMONG FATHER’S Day ang isang padre de pamilya sa ikinasang anti-drug operation ng Alamada Police Station sa Barangay Montay, Libungan, North Cotabato kahapon.

Kinilala ni Alamada town police chief Major Bryan Espinosa ang naaresto sa alias na si Rene, nasa hustong gulang na taga Cagayan de Oro City.

Nahuli si alyas Rene matapos itong ikanta ng isa pang drug suspek na naunang naaresto ng Alamada Police magtatanghali kahapon sa pareho pa ring lugar. Ayon kay Espinosa, unang nahuli ay si alias Irish, 42-anyos na taga Libungan.

Naaresto ang sinasabing dating college teacher dahil habang hawak na ng mga pulis si Irish, ay panay ang tawag ni Rene sa kanya gamit ang cellphone.

Siya umano ang drug supplier ng babaeng naaresto. Napagpasiya ni Irish na idamay nalang din ang supplier ng droga kaya’t muling ikinasa ang drug buy bust na nagresulta ng pagkahuli kay Rene. Nakuha sa kanila ang mga hinihinalang shabu.

Nasa kulungan na ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Mindanao foreign-assisted business ventures takes off  

  COTABATO CITY --- An aquamarine and agriculture production tie-up between two multinational groups and the government has taken off in just...

No clues on shooting of BARMM HR exec's vehicle

COTABATO CITY --- Investigators are still clueless on who could have repeatedly shot the vehicle here on Saturday night of a government human...

Teachers’ training for Dec. 5 village, youth polls to start soon

MANILA – The Commission on Elections (Comelec) will soon start the training of teachers in connection with the holding of the Barangay and...

MOH turned over new health station in Carmen, North Cotabato

COTABATO CITY— Residents of Barangay Kitulaan in Carmen Cluster, Special Geographic Area (SGA) will now have better access to health care services...

Sox has 25 new COVID cases, BARMM has 18

MAY 25 KATAO ang nagpositibo sa COVID-19 sa Region 12 habang lima lang ang gumaling. Sa 25 bagong kaso, 9 ang mula Gen. Santos City at 9 din ang...