GenSan bank manager, patay sa ambush
Local News • 05:45 AM Tue Jun 7, 2022
2
By:
DXOM-AM Radyo Bida Koronadal
KORONADAL CITY - PATAY SA AMBUSH KAGABI sa Gen. Santos City ang isang bank manager na kinilala sa pangalang Peter Tiang Salvador.
Ang biktima, 39 na taong gulang, ay nagmamaneho ng kanyang kulay puting Ford Everest at binabaybay ang Leon Lido Street, Barnagay Lagao nang paputukan ng di pa nakilalang mga suspect sakay ng motorsiklo alas 6:40 kagabi.
Si Salvador ay manager ng Philippine Business Bank at nakatira sa Agad Grandville, City Heights Gen. Santos City.
Si Salvador ay isinugod sa Dr. George P Royeca Hospital subalit siya ay idineklarang dead on arrival, ayon kay Lagao police station chief Capt. Miguel Angelo Quidilla.