Saturday Apr, 27 2024 11:14:32 AM

Gunmen shot dead woman in broad daylight in Maguindanao

Peace and Order • 21:15 PM Sat Jul 24, 2021
872
By: 
RUFFA MOKALID/DXMS Radyo Bida Cotabato
Police, civilians mill around a passenger van where a woman in front seat was shot. (Photo courtesy of Agnes A. Tahir

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao - HINDI NA UMABOT SA PAGAMUTAN ang isang ginang matapos pagbabarilin sa Kanto Broce, Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kaninang pasado alas tres ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Babay Cabo Ungka, 38 years old at taga Barangay Poblacion Dalican ng nasabing bayan.

Sa impormasyong ipinarating sa Radyo Bida ng Datu Odin Sinsuat PNP sa pangunguna ni Commander Lt. Col. Romel Dela Vega, galing sa coastal area particular sa Barangay Badak ang biktima kasama ang kanyang pamilya sakay ng kulay berdeng Mazda Bongo "townace" na may plate number na JFB 372.

Pagsapit sa kanto Broce ay bigla itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin sakay ng Suzuki Rider 150 na agad tumakas patungong Barangay Awang.

Agad namang isinugod sa hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng mga attending physician.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima dahilan upang ito'y bawian ng buhay.

Narekober sa crime scene ang dalawang piraso ng fired cartridges at isang slug ng Caliber .45 pistol.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP hinggil sa pangyayari.

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...