HPG-South Cotabato lady volunteer enforcer, patay sa pamamaril sa Tantangan
Peace and Order • 08:15 AM Wed Jan 17, 2024
618
By:
DXOM Koronadal
KORONADAL CITY – Patay ang civilian volunteer ng highway patrol group matapos mabiktima ng pamamaril sa Tantangan, South Cotabato pasado alas 6 kagabi.
Kinilala ng mga kaanak nito ang biktima na si Mary Ann Balario Lustro nasa hustong gulang.
lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Tantangan PNP na pinamumunuan ni Major Randy Apostol na ang biktikma ay binaril habang nagmamaneho ng kanyang AEROX 155 motorcycle sa national highway barangay San Filipe, Tantangan.
Ito ay habang papauwi na sa nasabing barangay.
Si Lustro ay dead on arrival sa ospital sanhi ng malubhang mga tama nga baril.
Inaalam pa ng PNP kung sino ang riding tandem na mga salarin at ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa biktima.