Indian national na taga Cotabato City, patay sa pamamaril sa Buluan, MagSur
Mindanao Armed Conflict • 14:00 PM Sun Nov 12, 2023
310
By:
DXMS NDBC
Mga tao nakiusyoso sa pamamaril sa Buluan, Maguindanao del Sur kahapon.
PATAY on the spot ang isang Indian National o kilala sa tawag na ‘Bombay’ matapos pagbabarilin sa bahagi ng National Highway, malapit sa Provincial Capitol ng Buluan, Maguindanao Del Sur, pasado alas 4:00 ng hapon kahapon.
Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na may plakang 877 MYE nang pagsapit sa lugar ay pinagbabaril ito ng mga di pa tukoy na mga salarin
Kinilala ng Buluan PNP ang biktima na si Singh Laxman, negosyante na taga Cotabato City.
Natamo ng biktima ang tatlong tama ng baril sa kanyang mukha.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing insidente.