Thursday Nov, 30 2023 01:55:18 AM

Isa patay sa pagsiklab ng bakbakan sa Maguindanao del Sur

Mindanao Armed Conflict • 07:30 AM Tue Sep 19, 2023
555
By: 
DXMS
Ilan sa mga sibilyan na lumikas dahil sa bakbakan sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao Sur. (Photo froM UBJP)

Rido ang dahilan ng kaguluhan sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur.

ITO ANG SINABI sa DXMS Radyo Bida ni 601ST Infantry Brigade Civil Military Operations Officer Major Saber Balogan.

Aniya, grupo nina commander Toks at commander Maxx ng 106th Base Command ng MILF ang nagkasagupa pasado alas kwatro ng madaling araw kahapon sa Barangay Tukanalugong at Kaya-Kaya, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur.

Isang sibilyan ang namatay matapos tamaan ng bala sa dibdib.

"Meron pong isang namatay na sibilyan, siya po ay tinamaan ng bala ng baril sa dibdib. Taga Barangay Kayakaya po siya."

Sinabi ni Major Balogan na higit 300 indibidwal ang naapektuhan at nagsilikas dahil sa engkwentro.

Samantala, naniniwala si Major Balogan sa liderato ng MILF na masosolusyunan ang labanan na ito na sinasabing away sa lupa ang dahilan.

"Tayo po ay naniniwala sa liderato ng MILF na dahil iisang grupo lang naman ito, 106th base command naman sila, naniniwala tayo sa MILF na kayang kaya nilang i-pacify yung sitwasyon sa area."

Sinabi naman ni Datu Abdullah Sangki PNP Chief Major Pablo Boloy na ginagawa nila ang lahat upang unahin ang kapakanan ng mga sibilyan na naipit sa gulo.

Cotabato Light announces Dec. 3 NGCP-initiated power interruption

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced the scheduled power service interruption of the National Grid...

Bangsamoro town hall to rise in Mapun island

COTABATO CITY – The most isolated municipality in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) will soon have its own new municipal...

Former guerilla-medics now barangay health workers

COTABATO CITY - The Bangsamoro government has initially employed 1,049 former combatant-medics of the Moro Islamic Liberation Front, among them women...

Estudyante na isang CAFGU, patay sa pamamaril sa Pikit

ESTUDYANTE, patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Barangay Ginatilan, Pikit, North Cotabato ngayong umaga ng November 29, 2023. Sa inisyal na...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 29, 2023)

HEADLINES 1   SPECIAL Investigation Group, binuo upang resolbahin ang pagpatay sa Indian national sa Datu Paglas 2  ...