Kultura at kasaysayan ng Cotabato City, tampok sa 33rd Philippine Travel Mart sa Pasay City
TOURISM • 14:00 PM Sat Oct 1, 2022
1
By:
DXMS Radyo bida
MATAPOS ang dalawang taon ng kaliwa't kanang restrictions, binuksan na muli simula kahapon ang 33rd Philippine Travel Mart, ito ang pinakamalaking travel bazaar sa bansa sa SMX Convention Center Manila, MOA Complex sa Pasay City.
Kasama sa expo ang Cotabato City Government katuwang ang BARMM Ministry of Trade, Industry and Tourism (MTIT).
Ayon kay City Tourism Officer Norianne Lou “Gurlie” Frondoza, isang masayang Cotabato City ang makikita sa expo kung saan tampok ang cultural hotspots ng lungsod at ang mayaman at matingkad na kasaysayan at kultura ng mga Cotabateños at Bangsamoros.
Lumahok sa tatlong araw na travel expo ang higit sa 200 exehibitors mula sa lokal at internasyonal.