Lalaki sa Mamasapano, nakaligtas sa pamamaril, pero motor niya sinunog ng mga suspect
NAKALIGTAS sa pananambang ang isang lalaki habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Sitio Dakumuya, Brgy Mamasapano, Mamasapano town sa Maguindanao del Sur pasado alas 4 ng hapon kanina.
Kinilala ni Maguindanao del Sur Police Provincial Director Col. Roel Sermese ang biktima sa alyas na Fajid, nasa hustong gulang na residente ng Mamasapano.
Sinabi ni Sermese na patungo sanang palengke ang biktima sakay ng kanyang Raider 150 nang tambangan ng apat na mga suspek na sakay naman ng Toyota Fortuner.
Nagawa pang tumakas ng biktima matapos paulanan ng bala at naiwan ang motor pero sinunog naman ito ng mga suspek.
Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng Mamasapano PNP hinggil sa insidente.
Samantala, ayon sa mga residente sa lugar, personal grudge o rido ang ugat ng krimen