Thursday Sep, 28 2023 06:01:21 AM

Maguindanao low lying communities binaha

Local News • 09:30 AM Mon Jul 18, 2022
570
By: 
DXMS RADYO BIDA
Phots courtesy of Sharif Laguilay, LGU rescue unit at Barangay Buliok, Pagalungan LGU

LUBOG SA BAHA ang magkadikit na bayan ng Pikit Pagalungan at Datu Montawal dahil sa malakas na buhos ng ulan nitong weekend sa North Cotabato at Bukidnon.

Tulad ng mga nakalipas na mga malakas na pag-ulan, agad na binabaha ang municipal grounds at town hall ng Pagalungan.  Kahapon, lampas tuhod ang tubig baha sa town hall compound.

Ang mga apektadong pamilya Datu Montawal ay pansamantalang naninirahan sa gilid ng highway dala ang kanilang mahahalagang gamit.

Isa sa kanila ay si Babo Baylen na nakapanayam saglit ng DXMS habang naghahanda ng hapunan sa gilid ng highway sa unahan lang ng Tunggol channel.

Aniya nakasanayan na nilang tumataas ang tubig sa ilog at maghihintay na lang na humupa ang baha bago umuwi.

SA Barangay Kilangan, Pagalungan, iyak nang iyak ang batang 12 years old dahil nadiskubre niya linggo ng umaga na inanod na ng baha ang dalawang sakong copra na kanyang inipon upang ibenta.

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...

Sa Surallah, kotse bumangga sa puno, driver na guro, patay

SURALLAH, South Cotabato- Patay ang isang guro sa self-accident sa Prk. Maligaya, Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato alas 6:00 kagabi, Setyembre...