Tuesday Oct, 03 2023 02:20:36 AM

Maguindanao is now divided

NDBC BANTAY HALALAN 2023 • 18:30 PM Sun Sep 18, 2022
806
By: 
DXMS Radyo bida
PHOTO: Makabagong Maguindanao FB Page

COTABATO CITY - MAGKAKAROON na ng Maguindanao Del Sur at Maguindanao del Norte kasunod ng pagkapanalo ng “YES” sa ginanap na plebisito kahapon sa Maguindanao.

Batay sa official canvassing result, 706,558 voters o 99.27% ang nagsabi ng “yes” sa tanong kung papayag ba silang hatiin ang lalawigan ng Maguindanao sa dalawang hiwalay na probinsya batay sa nakasaad sa Republic Act No. 11550?”

Kabuuang 5,209 voters – o katumbas ng 0.73% – ang nagsabi naman ng “no.”

Ang voter turnout ay 86.93%.

Nabatid na ang paghahati ng Maguindanao sa dalawang lalawigan ay nangangahulugang mas mapabilis na ang pamamahagi ng basic social services sa mga mamamayan dahil magkakaroon na ng dalawang provincial government.

Sa ilalim ng RA 11550, si Maguindanao Vice Governor Ainee Sinsuat ang siyang magiging kauna-unahang gobernadora ng Maguindanao del Norte.

Habang si Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang mamumuno sa Maguindanao del Sur.

Sakaling umupo na sa pwesto ang mga governors, vice governors, at majority ng provincial board members, inaasahang magkakaroon ng mga appointive positions sa nasabing mga probinsya sa loob ng 60 days.

Resumption of Cotabato Airport operations hailed

COTABATO CITY -- Traders and health workers were elated with Sunday’s reopening of the Cotabato Airport, shut for three months for runway...

Ex-NIA employee na taga Kidapawan, patay sa pamamaril sa Matalam

DEAD ON THE SPOT ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa tukoy na mga suspek sa National Highway partikular sa Purok Tagumpay, Barangay...

BARMM traders welcome resumption of Cotabato Airport commercial flights

COTABATO CITY  – The business community in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) has welcomed the resumption of commercial...

Passenger van operators sa Koronadal, nagtayo ng sariling terminal

KORONADAL CITY - Dahil lugi kung sa Koronadal integrated terminal sila pumuwesto, ang mga van operators and cooperatives na bumibiyahe sa ibat ibang...

10 soldiers hurt in Zamboanga Norte highway mishap

COTABATO CITY – Ten soldiers were hurt when the light truck carrying them rolled over while its driver was maneuvering through a downhill stretch of...