Thursday Nov, 30 2023 02:38:21 AM

Mataas na lider ng komunistang terorista, patay sa engkwentro ng militar

Mindanao Armed Conflict • 23:30 PM Mon Aug 14, 2023
373
By: 
6th ID news release

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Patuloy na nababawasan ang maliit na bilang ng mga natitirang komunistang terorista makaraang masawi sa panibagong labanan ang isang mataas na lider ng komunistang terorista sa Sitio Kalogkog, Badiangon, Palimbang, Sultan Kudarat, pasado alas-10:00 kagabi (August 13, 2023).

Kinilala ni Lt. Col. John Paul Baldomar, pinuno ng 37th Infantry (Conqueror) Battalion ang nasawi na si Joseph Longan alias Michael, commanding officer ng Beijing Platoon at kabilang sa mga high value target na kasapi ng communist terrorist group.

“Dahil sa insidente ng pagre-recruit ng mga CTGs sa mga high school students dito sa ating lugar, mas pinaigting natin ang operasyon laban dito sa mga komunistang terorista. Nakasagupa ng ating tropa ang di matukoy na bilang ng CTG kung saan napatay itong si Longan, na kabilang sa mga natitirang lider ng Far South Mindanao Region,” wika ni Lt. Col. Baldomar.

Ayon kay Brigadier General Michael Santos, Commander ng 603rd Brigade na narekober rin mula sa pag-iingat ni Longan ang isang granada, kanilang mga pagkain at personal na mga gamit.

“Wala ng mapupuntahan pa itong mga miyembro ng CTG dito sa ating lugar dahil tuloy tuloy ang ginagawa nating military operations laban sa kanila. Kung maalala, July 27 din ngayong taon ay napatay din ng ating tropa si Rowie Libot alias Wifi sa engkwentro sa Limulan, Kalamansig, Sultan Kudarat,” ayon kay Brig. Gen. Santos.

Pinuri ni Major General Alex S. Rillera, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central ang 37IB at mga operating units sa matagumpay na military operation.

Kasabay nito ay nananawagan rin si Maj. Gen. Rillera sa mga natitirang miyembro ng komunistang terorista na magbalik-loob na sa pamahalaan.

“Bibigyan namin kayo ng pagkakataon na magbagong buhay kasama ang inyong mga minamahal na pamilya, narito ang inyong gobyerno para kayo ay tulungan sapagkat walang nananalo sa paggamit na dahas. Alam naming naging biktima lamang kayo ng mga mapanlinlang na nakatataas na myembro ng teroristang grupo na nagdala sa inyong kasamahan sa malagim na kasawian. Handa kaming makinig sa inyong mga hinaing,” pahayag ni Maj. Gen. Rillera.

Dahil dito, umakyat na ngayon sa 42 ang bilang ng mga rebeldeng nawala sa hanay ng mga komunistang terorista, mula unang buwan ng taong kasalukuyan sa ilalim ng mga units ng Joint Task Force Central.

Sa nasabing bilang, 7 ang naaresto, 12 ang nasawi habang 23 ang nagbalik-loob sa pamahalaan.

Cotabato Light announces Dec. 3 NGCP-initiated power interruption

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced the scheduled power service interruption of the National Grid...

Bangsamoro town hall to rise in Mapun island

COTABATO CITY – The most isolated municipality in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) will soon have its own new municipal...

Former guerilla-medics now barangay health workers

COTABATO CITY - The Bangsamoro government has initially employed 1,049 former combatant-medics of the Moro Islamic Liberation Front, among them women...

Estudyante na isang CAFGU, patay sa pamamaril sa Pikit

ESTUDYANTE, patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Barangay Ginatilan, Pikit, North Cotabato ngayong umaga ng November 29, 2023. Sa inisyal na...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 29, 2023)

HEADLINES 1   SPECIAL Investigation Group, binuo upang resolbahin ang pagpatay sa Indian national sa Datu Paglas 2  ...