Saturday Sep, 30 2023 03:35:56 AM

MILF infighting, dahilan ng paglikas ng 800 pamilya sa Datu Saudi Ampatuan

Mindanao Armed Conflict • 09:15 AM Mon Apr 24, 2023
960
By: 
Drema Quitayen Bravo/DXMS RADYO BIDA
Mga sundalo, natalaga ng tropa sa gitna ng nag-lalabang MILF rebels habang mga tindahan at tahanan nagsara. (Mga larawang ibinahagi ng BalitangBayan vlogger

COTABATO CITY - SUNOD-SUNOD na putok mula sa matatas na kalibre ng armas ang sumalubong sa mga residente ng Brgy. Dapiawan, Datu Saudi, Ampatuan, Maguindanao del Sur, unang araw matapos ang Ramadhan kahapon.

Kaya naman sa Dapiawan Elementary School na nagsagawa ng Ed’l Ft’r o ang nasa 800 mga pamilya nitong Sabado kasunod ng muling pagsiklab ng gulo sa dalawang naglalabang MILF group.

Sa panayam ng DXMS Radyo Bida Cotabato kay Maguindanao del Sur Police Provincial Office Director Col. Roel Sermese, sinabi nito na nagpapatuloy ngayon ang negosasyon ng MILF-Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities o CCCH sa dalawang grupo.

Sinabi ni Sermese na nangyari ang gulo sa boundary areas ng Dapiawan at Madiya.

Ang gulo ay kinasasangkutan ng 105th at 118th Base Command ng MILF na dati nang may alitan.

Nitong April 04 ay nagka-engkwentro na ang dalawang grupo kung saan maraming mga tindahan at bahay ang nasunog.

Ngayong araw pa malalaman kung maaari nang makabalik sa kanilang tahanan ang mga nagsilikas na sibilyan mula sa dalawang mga barangay.

Sa ngayon, wala pang natatanggap na ulat ang PNP at AFP kung may nasawi o nasugatan sa nasabing gulo.

BARMM lady solon unveils facility dedicated to women, cooperatives in DAS

DATU ABDULLAH SANGKI, Maguindanao del Sur — The Bangsamoro government unveils a new building primarily dedicated to the welfare of the Bangsamoro...

Ginang sa Makilala, patay matapos kumain ng palaka; rape suspect sa SNA, patay nang manlaban sa PNP

MAKILALA, North Cotabato - Wala pang isang oras, binawian na ng buhay ang isang ginang na pinaniniwalaang nalason sa kinaing palaka sa Barangay...

Surprise drug test ginawa sa mga opisyal ng PRO-BAR, resulta wala pa

PINANGUNAHAN NI BARMM police regional director Brig. Gen. Allan Nobleza ang unannounced drug test sa 129 na mga police officials at police personnel...

RTWPB 12 okays new wager order for Region 12 workers

KORONADAL CITY  – The Department of Labor (DOLE) in the Soccsksargen region, through the Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB...

Stakeholders glad with passage of BARMM government code

COTABATO CITY - Stakeholders were elated to have a regional governance code for the Bangsamoro region after a long wait. Regional lawmakers...