Mutya ng South Cotabato 1st runner-up, official candidate sa Mutya ng Pilipinas
TOURISM • 08:15 AM Wed Nov 23, 2022
2
By:
DXOM Radyo Bida Koronadal
Photo courtesy of Local Tourism - Municipality of Tantangan
Pasok bilang official candidate sa 2022 Mutya ng Pilipinas si Jirah Shammeh Nitafan Bantas ng Tantangan, South Cotabato.
Sa kanyang facebook post nangako naman si Bantas na gagawin nito ang lahat para maiuwi ang Mutya ng Pilipinas Crown.
Ayon pa kay Bantas, ikinararangal nito na kakatawanin ang Tantangan at lalawigan ng South Cotabato sa nasabing national beauty pageant.
Matatandaan na si Bantas ay tinanghal ng First runner-up sa Mutya ng South Cotabato noong Hulyo.
Sinabi nito na isa sa kanyang adbokasiya ang paglaban sa bullying.
Pinasalamatan din ni Bantas ang lokal na pamahalaan ng Tantangan sa suportang ibinibigay sa kanya bilang isa sa 40 mga kandidata sa prestiyosong beauty pageant.