Tuesday Apr, 30 2024 07:48:41 AM

NDBC BALITA NOV. 19, 2015

 • 16:58 PM Thu Nov 19, 2015
1,523
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

NOVEMBER 19, 2015
(THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PANGINGIKIL, dahilan daw ng
pagpapasabog ng bomba sa isang passenger van sa Davao city.

2. Granada natagpuan sa harap ng isang
bahay sa liblib na Sitio ng Lake Sebu, South Cotabato

3. Cotabato
provincial government namahagi ng burial assistance sa mga naulila ng mga
biktima ng strafing incident sa bayan ng Carmen

4. NARARANASANG El Niño phenomenon, mas
magiging matindi hangang matapos ang taon

Local………………..

PANGINGIKIL
o extortion ang isa sa mga anggulong tinututukan ngayon ng Davao city PNP
bilang motibo sa pambobomba sa isang pampasaherong van sa Lungsod pasado alas
nuebe ng umaga kahapon.

Sa
panayam ng Radyo Bida kay PNP - Davao City spokesperson Police Chief Insp.
Milgrace Driz na bago kasi ang naturang insidente ay nakatatanggap na ng
pagbabanta ang operator ng van na si Gregorio Guerrero at driver nito na si Herman
Daag, mula sa isang grupo sa Pikit, North Cotabato.

Sabi
ni Driz, maliban sa extortion, posible ring personal grudge ang dahilan ng
insidente matapos binuwag ang mga illegal van terminal sa lungsod.

Nabatid
na ang naturang UV Express van na may licensed plate MWV-553 ay binomba habang
nakaparada sa Ecoland West Drive.

Sumabog
ang improvised explosive device sa likurang bahagi ng van.

Sugatan
naman sa naturang pagsabog ang konduktor ng van na si Tata Besañez na ngayon ay
nasa ligtas nang kalagayan.

Nanggaling
ang naturang van sa Pikit, North Cotabato at kabababa lang ng mga pasahero nito
nang mangyari ang pagsabog.

Samantala,
ipinalabas na ng Task Force Davao ang video kung saan makikita ang isang lalaki
na sinasabing person of interest sa pagsabog.

Makikita
sa CCTV footage ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket, pantalon at
naka-shades, na tiningnan ang papalabas na van bago ito nagpatuloy sa
paglalakad.

Una
ng ipinahayag ng driver na may apat silang pasahero nang pumasok na sila ng
Davao City at ang dalawa sa mga ito ay mula sa Pikit at mag-ina na mula sa
Digos City.

Ang
tatlo sa kanila ay bumaba sa SM terminal at ang isa naman ay sa labas ng
terminal na malapit lamang sa pinangyarihan ng pagsabog.

Patuloy
pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang kaso.

Local …………………

TATLONG araw
bago ang paggunita ng ika anim na taong anibersaryo ng Ampatuan massacre ay
abala na ang iba’t ibang grupo para sa mga gagawing aktibidad.

Pangunahin
dito ang pag aalay ng mga bulaklak at pagsindi ng kandila para sa mga 58 katao
nasawi sa naturang insidente.

Inaasahan
namang tutungo ang iba’t ibang mga media organizations at ang pamilya ng mga
nasawi sa Ampatuan massacre shrine para muling manawagan ng hustisya para sa
mga biktima.

Samantala, sa
USA, isang konsiyertong pinamagatangand Abakada, the concert (Children helping
children), ang gaganapin sa November 22 sa Celebrity Center sa West Hollywood,
Los Angeles, California.

Ito ay produksiyon
at konsepto naman ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP
USA chapter sa pangunguna ng batikang photographer na si Benny Uy at NUJP-USA
Chair Nimfa Rueda.

Kabilang ang
tanyag na kompositor at mang-aawit na si Florante sa hanay ng mga musikerong
taga-Los Angeles, California na magtatanghal sa isang konsiyerto na layuning gunitain
ang ika-anim na anibersaryo ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao na kumitil sa
buhay ng 34 na mga mamamahayag.

Magkakaroon
din ng isang photo exhibit sa lugar ng pagtatanghal na tungkol pa rin sa tema
ng pagkikibaka laban sa karahasan at paglabag sa karapatan ng mga mamamahayag.

Samantala,
hanggang ngayon, wala pang sintensya sa mga akusado sa nasabing karumal-dumal
na krimen.

Dahil dito,
kinondena ng Committee to Protect Journalists o CP na naka-base sa New York at
ng International Federation of Journalists o IFJ ang napakabagal na paggulong
ng hustisya sa Pilipinas.

Sa panig
naman ng mga grupo ng mga mamamahayag at maging ng mga kaanak ng mga biktima na
Ampatuan massacre, umaasa silang mailalabas na ang hatol sa mga akusado sa
krimen.

Nabatid na
ilan sa mga akusado ay tatakbo pa sa May 2016 elections.

Si Sajid
Islam Ampatuan na nakalaya matapos na magpiyansa ay naghain ng kanyang
kandidatura para sa pagka alkalde ng the Shariff Aguak, Maguindanao.

Isa pang Maguindanao
massacre suspect na naging state witness kinalaunan ang naghain naman ng
kandidatura para sa vice mayoral race ng Sultan sa Barongis.

Si Sukarno
Uka” Badal, dating vice mayor ng Sultan sa Barongis ay tatakbo sa ilalim ng Liberal
Party.

Local…………………….

HANDANG
MAKIPAGTULUNGAN ang Alliance of Lumad, Iranun and Maguindanaon o ALIM sa Moro
Islamic Liberation Front o MILF para mapalakas pa ang kampanya kontra sa iligal
na droga sa bangsamoro area.

Pinangunahan
mismo nina Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu at Vice Gov. Lester Sinsuat ang
pagpupulong ng mga miembro ng ALIM sa Davao city at nagkasundo na pakikilusin
ang mga municipal police chief katuwang n g MILF para mas maging lihitimo ang
kampanya ng rebeldeng grupo kontra droga.

Dagdag
pa dito, maging ang mga barangay official sa 36 na mga bayan sa Maguindanao ay
makikipagtulungan sa MILF sa pagtukoy at pagdakip sa mga drug suspect sa
kani-kanilang lugar.

Samantala,
maging ang Moro National Liberation Front o MNLF ay gumagawa na rin ngayon ng
hakbang para suportahan ang kampanya ng MILF kontra iligal na droga.

Sinabi
ni MNLF chairperson Mus Sema na mahigpit rin nilang ipinagbabawal ang paggamit
at pagbebenta ng Shabu.

Iginiit
nito na wala silang sasantuhin sa pagpapataw ng parusa mapa-miembro man o lider
ng kanilang.

Local……………….

MAMAMAHAGI
ANG ARMM-Human emergency action response team o ARMM HEART ng mga hygiene kits
sa 400 mga orphans mula sa MARKAZUL AYTAM COTABATO at AL-AHLIYA ORPHAN CENTER
Inc. ngayong araw.

Ito ay
kasabay ng pagdiriwang ng ika-26 na anibersaryo ng ARMM at pagsagawa ng
ika-sampung ORG people's day.

Maliban
sa hygiene kit na toothbrush, toothpaste, shampoo, bath soap, towel, biscuits
at slippers, magsasagawa rin ang ARMM HEART ng libreng gupit, medical at dental
services at libreng gamot na susundan naman ng iba't ibang laro at papremyo.

Ang
MARKAZUL AYTAM COTABATO na mula sa Brgy. Gang, Sitio Basak, Sultan Kudarat,
Maguindanao ay binubuo ng nasa 300 mga maguindanaon at Iranun Orphans habang
ang AL-AHLIYA ORPHAN CENTER Inc. ng 9th Street, RH 5 Don E. Sero, Cotabato City
ay binubuo ng mga Badjao, Tausug at Maguindanaon.

SAMANTALA,
sa biyernes naman ay magsasagawa ng supplemental feeding at information
dissemination ang ARMM heart kasama ang 1st Mechanized Infantry Lakan”
Battalion, Mechanized Division, 6th infantry division Philippine Army patungkol
sa Unexploded ordnance.

Sa
ilalim ng Mine risk education o MRE program at sa paggunita ng 23rd Children’s Month Celebration, sentro ng
kanilang aktibidad ang 500 magaaral mula sa Bagan Elementary School at
Macasampen Elementary School ng Guindulungan, Maguindanao.

Local…………………..

SUMAKABILANG
BUHAY na ang bagong talagang hepe ng Cotabato City Social Welfare and
Development Office o CSWDO na si Veranda Samson.

Sa
impormasyong natanggap ng DXMS AM Radyo Bida ngayong umaga, nasawi si Samson
habang nakikipaglaban sa sakit na breast cancer.

Nasawi
si Samson kahapon ng tanghali habang ginagamot sa ospital.

Ang
kanyang mga labi ay nakalagak ngayon sa kanilang tahanan.

Samantala,
nagpa abot naman ng pakikiramay ang buong City LGU sa pangunguna ni city mayor
Japal Guiani Jr.

Sinabi
ni Guiani na malaking kawalan si Samson sa kanilang hanay dahil sa dedikasyon
nito sa trabaho at pagmamahal sa mga mamamayan ng lungsod.

Sa
ngayon ay wala pang naitatalagang hahalili sa pwesto ng namayapang CSWDO chief.

Local...Walang overstaying ng nga pasyente sa South Cotabato Provincial Hospital o SCPH
Ito ang nilinaw mismo ni Dr. Conrado Brana ang Chief of Hospital ng SCPH.
Paliwanag ni Brana, kadalasang nagiging dahilan ng pagtagal ng pasyente sa pagamutan ay posibleng paglala ng karamdaman nito.
Iginiit ni Brana na pasok pa rin sa standard na apat na araw na admission ang itinatagal ng isang pasyente sa naturang government hospital.
Gayunpaman aminado rin si Brana na may mga pasyente sa South Cotabato Provicial Hospital na tumagging mag-pa admit sa mga government hospital sa mga bayan ng Polomolok, Lake SEbu at Norala.
Ayon kay Brana nagpupumilit na makipagsiksikan at humiga sa sahig ang ibang mga pasyente sa SCPH.
Naging dahilan ng mga ito ayon kay Brana ay dahil malapit lamang ito sa mga ahensya ng gobbyernon na mahihilangan nila ng tulong.
Ang SCPH sa Koronadal City ay katabi lamang ng provincial social welfare and development Office at governor’s office,
Mas madali rin sa mga pasyente ng provincial hospital na makahingi ng tulong sa Department of Social Welfare and Development o DSWD at congressional office.
Ayon kay Brana kadalasan umaabot sa mahigit tatlong daang at limampu ang average na pasyente sa provincial hospital kada araw.
Ito ay sobra naman sa dalawang daang bed capacity nito.
Inaasahan naman na mababawasan na ang mga pasyente sa provincial hospital kapag binuksan na ang Allah Valley Community Hospital sa bayan ng Surallah, South Cotabato sa Enero sa susunod na taon.
Local...Nakapagsagawa ng isang daan at apatnapung operasyon laban sa illegal na droga ang mga pulis sa South Cotabato nitong taon.
Ayon kay Superintendent Rogelio Abran, ang Deputy Provincial Director ng South Cotabato, ito ay nagresulta sa pagkaaresto nila sa dalawang daan at anim katao.
Ang mga ito ayon kay Abran ay nakuhanan ng 217 grams ng dried marijuana leaves at mahigit sa 1,500 grams ng suspected shabu.
Kinumpirma din ni Abran na nakapagsampa naman ng dalawang daan at dalawamput dalawang illegal drug cases ang PNP South Cotabato.
Sa kabila nito, tiniyak ni ABran ang pagpapatuloy na maigting na kampanya kontra illegal na droga ng mga pulis sa South Cotabato.
Ito ang ipinahayag ni Abran kaugnay sa Drug Abuse Prevention and Control Week na ipagdiriwang sa lalawigan. Local...Napili bilang isa sa Best Peforming Anti Drug Abuse Council sa bansa ngayong 2015 ang Provincial Anti Drug Abuse Council o PADAC, South Cotabato.
Ang parangal ay iginagawad ng Dangerous Drugs Board o DDB sa mga konseho at grupo na naging matagumpay sa pagpapatupad ng mga programa kontra illegal na droga.
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, ito ay ipinaalam mismo sa kanya ng DDB sa pamamagitan ng liham.
Ang awarding ceremony ay gaganapin sa Nobyembre a biente kwatro.
Ito ayon kay Fuentes ay dadaluhan ni Board Member Agustin Demaala na siya ring permanent representative of the governor sa PADAC.
Bilang awardee, ang provincial government ay makatatanggap ng plake at limampung libong cash prize.
Sa isang pulong balitaan, ipinahayag ng gobernador na ito ay mapupunta naman sa pondo ng PADAC.
Ang parangal ayon kay Fuentes ay patunay lamang sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa kontra illegal na droga sa lalawigan.
Ang mga pulis sa South Cotabato na naging matagumpay sa kanilang anti illegal drug operation ay binibigyan ng cash incentive.
Matatandaan na isinagawa rin sa South Cotabato ang kauna-unahang regional anti illegal drug summit.
Layon nito ayon kay Fuentes ay upang mapalakas ang ugnayan ng mga lokal na pamahalaan para sa mas maigting na kampanya kontra illegal na droga sa SOCCSKSARGEN Region. Local...Inaasahang dadalo sa 2015 OFW Day Celebration ang mahigit 1,500 na mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya.
Ang selebrasyon ay pangungunahan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA region 12.
Ayon kay Marilou Sumalinog, ang regional supervisor ng OWWA 12 ito ay gaganapin sa Capitol Gymnasium sa bayan ng Alabel, Sarangani Province sa Nobyembre a biente otso.
Tampok dito ayon kay Sumalinog ang iba’t ibang mga palaro, at entertainment.
Inihayag ni Sumalinog na ang OFW day ay taunang ginagawa ng OWWA bilang pagkilala na rin sa kabayanihan ng mga OFW na malaki ang naitulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.Nagiging daan din ang selebrasyon para magsama sama ang mga OFWs at kanilang pamilya.
Pinagtitibay din nito ayon kay Sumalinog ang samahan ng mga OFW communities sa rehiyon.
Ayon kay Sumalinog kabilang din sa mga inaasahang dadalo sa OFW family day ang mga scholar ng OWWA, kinatawan mula sa mga non government organizations, Public OFW Desk Officers, at local government unit officials sa rehiyon dose.
Local...Humingi ng tulong sa pulisiya ang isang Thelma Quihardo, residente ng liblib na Sitio ng Blit sa Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.
Ito ay matapos matagpuan sa harap mismo ng kanyang bahay ang isang granada dakong alas syete ng gabi kamakalawa.
Ang granada ay maingat naman na narekober ng mga rumespondeng pulis.
Inaalam pa ng Lake Sebu PNP kung sino ang suspek nat ano ang motibo nito sa pagiwan ng granada sa lugar.
Ito na ang pangalawang granada na natagpuan sa South Cotabato nitong linggo.
Matatandaan na isang granada rin na isiniksik sa lumang tire ang natagpuan ng isang cafgu na naglilinis sa kampo ng militar sa Barangay Liberty Tampakan noong araw ng linggo.
Ang wala ng pin na granada na iniwan sa harap ng barracks hall ay pinasabog ng Explosive Ordnance Division ng South Cotabato PNP sa lugar. Local...Posibleng umanong miapasara ang Gaisano Grand Mall- Kidapawan sa dahilang nila na pa renew ang kanilang business permit.Ito ang sinabi ni Lou Mayormita, ang City Administrator sa isinagawang meeting sa Committee on Trade and Commerce na pinangunahan ni City Councilor Allan Amador kahapon.Ayon kay Mayormita, bigo ang Gaisano Grand Mall na ipatupad ang mga nakasaad sa Environment Compliance Certificate o ECC partikular ang Water Treatment Facility.Binigyan lamang hanggang Nobyembre ang naturang Mall para i-comply ang kanilang mga dapat i comply.Pero kung hindi pa rin nila ito matatapos bago magtapos ang buwan ay posible ngang maipasara ang Gaisano Grand Mall.Nilinaw din ni Mayormita na matatagalan rin ang pagpapasara nito dahil idadaan ito sa tamang proseso kagaya nang pagpafile nito sa korte.Ang naturang impormasyon ay ikinagulat naman ng ilang mga City Councilors.Sa kabila nito, Ikinonsidera naman ng City Pollution Committee ang hiling ng Gaisano na magpapatuloy muna sa kanilang operasyon habang patuloy din nilang inaayos ang mga kinakailangan dokumento.Dahil dito, plano ngayong amenyadahan ng Sanguniang Panglungsod ang Revenue Code at ilalagay doon na kapag hindi napa renew ng anumang establisyemento ang kanilang mga business permit ay agad na ipasasara ito. Local...Kasabay ng isang dayalogo na isinagawa kahapon kasama ang ibat ibang public sector unions, employees association ng mga government agencies at miembro mismo ng GSIS sa Kidapawan City ilang mga reporma ang ibinunyag ni Government Service Insurance System o GSIS Vice President Jason Teng.Sinabi ni Teng, na layunin ng kanilang pakikipagdayalogo ay para ma- update ang kanilang mga miembro sa mga bagong ginagawa ng ahensya at para makakuha rin ng mga suhestyon mula sa kanila.Ilan sa mga latest policies o reporma na nais nilang iparating sa mga miembro ay ang para sa mga pensioneers.Ayon kay Teng, simula nitong Setyembre ay nakatanggap ang mga pensioneers ng kanilang One time benifit na abot sa 10 thousand pesos.Kabilang rin sa kanilang programa ang MILESTONE BENEFIT kung saan ay makakatanggap ng pabuya ang mga pensioneers na may edad 91-94 taong gulang ng abot sa 20 thousand pesos, para sa edad 95-99 naman ay 50 thousand pesos at sa 100 daang taon pataas ay makakatanggap ng 100 thousand pesos mula sa GSIS.Mas malaki na rin aniya ngayon ang maaring ma loan ng GSIS member, at tataasan rin ang funeral benifits mula sa 20 thousand na ngayon ay nasa 30 thousand pesos na.Tatanggalin na rin ang Annual Renewal of Active Status o ARAS.Kasabay sa mga nabanggit na reporma ay babaguhin rin ng GSIS ang sistema pagdating sa pagproseso ng naturang mga programa.Tiniyak nitong mas mabilis na ngayon ang pagpoproseso sa mga dokumento ng mga miembro para matanggap kaagad ng mga GSIS members ang kanilang mga benipisyo. Local...All set na para sa kanyang State of the Municipal Adress o SOMA si Tulunan Mayor Lani Candulada na inaasahang dadaluhan ng mga matataas na opisyal ng lalawigan at barangay.
Dito ibubunyag ni Candulada ang kanyang mga napatupad na mga proyekto sa loob ng siyam na taon o tatlong termino sa pagkakaupo bilang alkalde ng bayan.Habang ipinahayag naman ni Tulunan Chief Of Police Ins. Rolando Dillera na kanila nang hinigpitan ang seguridad sa paligid ng Poblacion area para mapigilan ang anumang magiging banta sa mga dadalo sa nabanggit na aktibidad.Katuwang ng OPNP ang augment forces mula sa Provincial Public Safety Company, Regional Pyblic Safety Battalion, Explosive Ordnance Team ng Phil.Army at 39th Infantry Battalion.Ngayon araw din ay ang Culmination program ng M8nicipal Anniversary ng Tulunan na sinimulan noong linggo. Local...Isasailalim ngayon araw sa Mandatory Drug test ang mahigit 70 empleyado at opisyal ng Brgy. Sudapin, Kidapawan City.Ito ang ibinunyag ni Brgy. Sudapin Chairperson John Carl Sibug sa DXND Radyo Bida, sa layunin masigurong mailayo sa impluwensya ng ilegal na droga ang sinumang opisyal ng brgy.Council.Nilinaw ni Sibug na ang Mandatory Drug test ay isa lamang sa mga requirement na dapat na ipasa ng mga empleyado bago ma-renew sa kanilang serbisyo sa susuod na taon na nakatakda ring ipaabot sa Department of Interior and Local Government kung sino mang magpopositibo sa ilegal na droga.Iginiit rin ni Sibug na ang mga hindi sisipot sa nabanggit na test at makakatanggap ng memorandum mula sa barangay council.Ayon kay Sibug paraan rin ito para malaman kung sino sa mga opisyal ang naging totoo sa kanilang mga adbokasiya na labanan ang ilegal na droga sa lugar.Sudapin Chairperson John Carl Sibug.Matatandaan na isa ang Brgy. Sudapin sa itinuturong mayroong drug den o talamak na bentahan ng shabu sa Kidapawan City.

Marcos cites 6th ID’s peacebuilding efforts

COTABATO CITY - President Ferdinand Marcos, Jr., on Monday lauded the Army’s 6th Infantry Division for its unrelenting anti-terror campaign and...

PBBM urged Bangsamoro to vote in 2025 parliamentary polls

BARIRA, Maguindanao Norte — President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the residents of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM...

Barangay Kagawad patay, driver sugatan sa ambush sa Datu Hoffer, Maguindanao Sur

PATAY ang isang barangay kagawad habang nakaligtas naman ang driver nito matapos tambangan ng mga suspek sa Barangay Tuayan 1, Datu Hoffer,...

PBBM visits, honors soldiers hurt in clash with BIFF

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Seven soldiers who were wounded in an encounter with the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) were...

PBBM to ex-rebels-turned-cops: Help write 'new chapter' for BARMM

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday welcomed the 100 former Moro guerillas who successfully completed the six-month field...