Monday Oct, 03 2022 11:28:08 PM

NDBC BIDA BALITA (3.2.19)

NDBC BALITA • 08:15 AM Sat Mar 2, 2019
1,119
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MARCH 02, 2019 (SAT)
7:00 AM   

HEADLINES:   

1. BARMM Interim Chief Minister, sinagot ang mga MNLF pahayag ni MNLF vice chairperson Atty. Firdausi Abbas laban sa Bangsamoro Transition Authority.   

2. Limang mga bayan sa North Cotabato, nagdeklara na ng state of calamity dahil sa nararanasang matinding init sa lugar   

3. Mekaniko, patay sa vehicular crash sa Norala, South Cotabato   

-0-

NAGTATAKA si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM Interim Chief Minister Murad Ebrahim kung bakit ngayong lang nagpapahayag ng kanyang oposisyon si Moro National Liberation Front o MNLF vice chairperson Atty. Firdausi Abbas hinggil sa komposisyon ng Bangsamoro Transition Authority o BTA.   
Una ng nagbanta si Abbas na bubuo ng panibagong grupo dahil maituturing umanong isang paniniil o “tyranny” ang tatlong taong panunungkulan ng BTA.   

Nais ni Abbas na magkaroon ng eleksyon sa BARMM sa susunod na anim na buwan upang agad na mapalitan ang BTA na kasalukuyang namamahala sa BARMM.   

Dismayado rin si Abbas dahil matapos bigyan ng 41 sa 80 posisyon sa BTA ang MILF habang lima lamang ang kinatawan ng MNLF.   

Pero paliwanag ni Ebrahim, nakapaloob ito sa Bangsamoro Organic Law o BOL kung saan kabilang si Abbas sa bumalangkas at lumagda sa final draft.   

Giit ni Murad, natural lamang na mayorya sa BTA members ay mula sa MILF dahil ang MILF naman talaga ang inatasang manguna sa transitional government sang-ayon sa nakasaad sa BOL.    

-0-    

Kaugnay naman sa pahayag ni Abbas laban sa paggamit umano ng MILF sa pondo ng gobyerno para sa transpormasyon nito mula sa isang rebolusyunaryong grupo tungo sa pagiging burukrata, binigyang-diin ni Murad na wala naman siyang nakikitang komplikasyon dito.   

Aniya, ginagampanan naman kasi ng MILF ang tungkulin ng gobyerno sa mga mamamayan ng BARMM habang pinagsisikapan din nito na maging burukrata.   

Nabatid na si Atty. Abbas lamang ang tanging miembro ng Bangsamoro Transition Commission o BTC na hindi itinalaga ng pamahalaan bilang miembro ng BTA.   

-0-   

NILINAW naman ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM Interim Chief Minister Murad Ebrahim na ipagpapatuloy nila ang implementasyon ng mga proyekto ng dating ARMM na napondohan na at nakatakdang ipatupad ngayong taon.   

Sinabi ni Ebrahim na bukod dito ay magpapatupad din sila ng mga programang pang-edukasyon, social services at imprastraktura sa unang isang daang araw ng kanilang panunungkulan gamit ang pondo ng dating ARMM.       

Samantala, binigyang-diin naman ni Murad na patuloy ngayon ang kanilang pagsisikap na matugunan ang isyung pang-seguridad na dulot ng kanilang mga tumiwalag na kasamahan na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.   

Ayon kay Murad, nais niyang makuha ang loob ng mga lider ng BIFF para muling umanib sa kanila at maging katuwang nila sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa BARMM.  

-0-

PATAY ang isang negosyante habang sugatan naman ang kasama nito matapos silang pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang suspek sa TV Juliano Street, Barangay Rosary Heights 12, Cotabato City pasado alas dose ng tanghali kahapon.   

Nakilala ang nasawing biktima na si REBONITO PONCE PADLAN, 45 years old,may asawa, at residente ng nabanggit na lugar.   Sugatan naman si JOVEN SINAL DAPAT, 40 years old,may asawa, supervisor ng isang kilalang kompanya ng inumin at taga -Isulan, Sultan Kudarat.   

Base sa inisyal na report ng City PNP, kagagaling lamang umano ng mga biktima sa Awang Airport, Datu Odin Sinsuat Maguindanao at pauwi na sana nang dikitan ng riding tandem suspects habang papasok ang mga ito sa compound ng mga Padlan sakay ng kanyang SUV.  

Nagtamo ng tama bala sa ulo si PADLAN mula sa cal, 45 pistol habang dalawang mga tama ng bala naman sa likod ang tinamo ni Dapat.   

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa biktima at kung sino ang nasa likod ng krimen.

-0-
 

Kaso ng dengue sa North Cotabato, tumaas ayon sa Integrated Provincial health Officer 

Ito ang sinabi ni Integrated Provincial Health Office Head Dra. Eva Rabaya sa panayam ng Radyo-Bida. Sinabi ni Rabaya, simula buwan ng Enero hanggang kasalukuyan, umabot na sa 500 ka tao ang nagkasakit ng dengue mataas kumpara noong taong 2018. 

Sa bilang na ito, isa dito ang nasawi na taga Barangay Birada Kidapawan City. Ayon kay Rabaya, ang Kidapawan City ang may pinakamaraming kaso ng dengue sa buong North Cotabato. 

Maliban sa measles, pina-iigting narin ng Department of health ang kanilang kampanya kontra dengue. Nakikipag-ugnayan na din anya sila mula sa Local Government, Municipal level at maging sa mga barangay officials upang mas maging malawak pa ang sakop na makakapagbigay ng kaalaman kung papaano maiiwasan ang sakit na dengue. 

Samatala, maging sa buong region 12 ay tumaas din ang kasong dengue ng 159 percent. Pumalo na sa 1,624 ang mga tao na nadapuan ng sakit na dengue mataas kumpara sa 628 cases noong nakaraang taon. NDBC BIDA BALITA

-0-

 

Limang mga bayan sa North Cotabato, nagdeklara na ng state of calamity dahil sa nararanasang matinding init sa lugar 

Abot na sa limang mga bayan sa North Cotabato ang nagdeklara na ng state of calamity dahil sa matinding iinit ng panahon ang nararanasan. 

Ito ay ang mga bayan ng Alamada, Aleosan,Mlang, Tulunan at Pikit sa probinsya ng Cotabato. 

Ayon kay PDRRMC Warning at Action officer Engineer Arnulfo Villaruz, sa monitoring ng Pag-asa napabilang ang region 12 sa low amount of rainfall at halos lahat anya ng municpyo ay apektado na ng matinding init. Marami na ding mga magsasaka ang lubhang naapektuhan ang kani-kanilang pananim. 

Samantala, dagdag pa ni Villaruz nag-umpisa na silang nam igay ng ayuda sa mga bayan na labis na naapektuhan ng tagtuyot. NDBC BIDA BALITA

-0-

 

 

Kabacan Rural Health Unit, pinag-iingat ang mga residente sa mga sakit dulot ng tag-init 

Pinag-iingat ngayon ng Kabacan Rural Health Unit o RHU ang mga mamamayan sa mga sakit na dulot ng tag-init. 

Ito ay makaraang maglabas ng anunsyo ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na mas mararamdaman ang init ng panahon simula pa Pebrero hanggang buwan ng Mayo ng taong 2019. 

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu Jr., kalimitan sa mga karamdamang nakukuha tuwing tag-init ay ang heat stroke, skin diseases, tonsillitis, mumps, sore eyes, at chicken pox. 

Paliwanag ni Edu, kadalasan sa mga nakakaranas ng heat stroke ay edad 40 pataas ngunit nagpapasalamat naman ang tanggapan na wala nakakaranas ng kahalintulad na sakit sa nasabing bayan. 

Hinimok naman nito ang magulang ng mga kabataan na ugaliing bantayan ang pawis ng mga anak lalo pa’t kadalasan sa mga nagkakaroon ng skin diseases ay ang mga bata. 

Dagdag pa ni Edu, mainam na uminom ng mahigit sa walong baso ng tubig araw-araw upang maiwasan ang dehydration dala ng init ng panahon at ugaliing kumain ng mga gulay at prutas na mataas sa bitamina c. 

-0-

Magsasaka na drug suspek, arestado sa buy bust operation ng mga pulis sa Davao Del Sur 

Kinasuhan na ng Digos City Police office ang isang 31 anyos na drug suspek matapos isagawa ang operasyon Purok Kalusugan barangay Zone 2, Hagonoy Davao del Sur. 

 Kinilala ang naaresto na si Charlie Pasil Languido na nakatira sa Purok 5 baranagy Sacub Hagonoy Davao Del Sur. Isinagawa ng DCPO at PDEA ang buy-bust operation laban sa suspek alas 4 ng hapon, kamakalawa. 

Narekober kay Languido ang dalawang mga sachet ng pinaniniwalaang shabu at ang 500 peso bill na ginamit bilang marked money. 

Agad namang isinumite ang ga ibedensya para sa dagdag na mga eksaminasyon. Samantala, inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 laban sa suspek na temporaryong nakapiit na sa lock up cell ng Disgos City Police office. NDBC BIDA BALITA

-0-

 

IED, natagpuan sa isang barangay ng Pikit, North Cotabato 

Abot sa mahigit isang oras na naantala ang mga guro at mga studyante na papasok sa kani-kanilang paaralan kahapon dahil sa natagpuang Improvised Explosive Device o IED sa Barangay Ginatilan, Pikit North Cotabato. 

Iniwan ang isang IED ng di pa kilalang suspek pasado alas 6 ng umaga kahapon sa nasabing barangay. 

Pansamantala ding isinara ang provincial road dahil sa nasabing pangyayari. 

Ayon sa ulat ng Pikit PNP, nakatanggap umano ang kanilang opisina ng impormasyong may natagpuang hinihinalaang bomba at agad namang nakipag-ugnayan ang PNP sa militar. 

Napag-alamang isa lamang IED ang iniwan sa lugar. 

Narekober sa naturang lugar ang dalawang cartridge 40MM, isang Internet wire color blue, isa ding 12 Volts battery at apat na gallon container. 

Ayon sa PNP, posibleng pananakot lang ang motibo ng mga suspect.

Meron lang di nakumpleto sa pagbuo ng IED kayat hindi ito sumabog. 

Naniniwala ang 6th Infanfry Division na kaya iniwan ng may dala ng bomba sa tabing daan dahil may mga checkpoint ng Army at PNP sa lugar.

Patuloy naman ang imbestigasyion ng pulisya sa insidente.

-0-

Kampanya kontra sunog sa bawat pamilya ngayong Fire Prevention month pinaigting ng Bureau of Fire Protection sa Koronadal City 

 Nakatutok ang kampanya ng Bureau of Fire Protection o BFP Kontra sunog ngayong fire prevention month sa bawat pamilya sa Koronadal City. 

 Ayon sa tagapagsalita ng BFP Koronadal na si Senior Fire Officer 2 Ariel Gerardo Carmelo, ginagawa nila ito sa pamamagitan lecture sa mga barangay at eskwelahan. 

 Sinabi ni Carmelo na ito ay bilang pagtalima na rin nila sa tema ng Fire Prevention Month ngayong taon na “Ligtas na Pilipinas ating Kamtin, Bawat Pamilya ay Sanayin, Kaalaman sa Sunog Ay Palawakin. 

 Binigyan diin ni Carmelo na bilang pinakamalit na unit ng komunidad, mahalaga na magkaroon ng basic na kaalaman sa pagiwas sa sunog ang bawat myembro ng pamilya. 

 Kinumpirma ni Carmelo na abot na sa 17 sunog ang naitala ng BFP sa Koronadal City noong Enero hanggang Pebrero. 

 Ayon kay Carmelo, kinabibilangan ito ng residential, structural at grass fire. Kaugnay nito umapela si Carmelo sa publiko na para iwas sunog lalong lalo na ngayong Marso, maging maingat at tumulong sa information education campaign ng BFP. 

Siniumulan ng BFP ang Fire Prevention MOnth Celebration sa Koronadal sa pamamagitan ng karakasa o zumba exercise sa Rizal Park kahapon ng madaling araw. Sinundan ito ng motorcade sa mga pangunahing kalye ng Koronadal. 

 Dinaluhan ito ng mahigit 700 mga estudyante, kawani ng pamahalaan, mga myembro ng bikers association at iba pang sektor sa syudad. NDBC News AM March 2 

-0-

Epekto ng El Nino Phenomenon, pinababantayan sa mga barangay officials ng alkalde ng T’boli, South Cotabato 

 Imonitor ang epekto ng El Nino Phenomenon sa kanilang mga barangay. Ito ang ipinagutos ni T’boli, South Cotabato Mayor Dibu Tuan sa mga Barangay Chairman sa nasabing bayan. 

 Sa taniya ng PAGASA, ang El Nino Phenomenon na nararamdaman na ngayong Pegrero sa ilang bahagi ng bansa ay posibleng tumagal ng limang buwan. Kabilang sa El Nino Watch ng weather bureau ang South Cotabato at karatig lugar. 

 Kaya yon kay Tuan, mahalaga na malaman ng mga barangay officials ang kasiraang maidudulot ng mahabang tagtuyo’t. 

 Ito ay para makapagdeklara ng state of calamity upang magamit ang calamigty fund sa agarang pagtulong saa apektadong mga mamamayan. 

 Ang paghahanda sa El Nino Phenomenon ay una nang hiniling sa mga magsasaka ni Koronadal City Agriculture Officer Emelita Miguel. 

 Payo ni MIguel sa mga magsasaka ng syudad para maibsan ang epekto ng dry spell, magtanim ang mga ito ng mga root crops na tatagal sa mahabang tagtuyo’t. 

-0-

Tulong sa kanilang programa para sa mga sumukong drug personalities, hiniling ng Provincial Parole and Probation Officer sa mga Barangay Officials ng South Cotabato 

 Dumalo sa katatapos lang na Forum on Community-Based Treatment Program for Drug Offenders sa Provincial capitol covered court ang mahigit 200 barangay at purok officials sa South Cotabato. 

 Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng South Cotabato Parole and Probation Office o SCPPO sa pakikipagtulungan ng Provincial Anti-Drug Abuse Council o CADAC. 

 Ito ang ipinahayag ni SCPPO Chief Bennie Lademora. 

Ayon kay Lademora layunin nito na madagdagan ang kaalaman ng mga nasabing opisyal sa pag-monitor ng mga sumukong drug personalities sa mga barangay. 

 Aminado si Lademora na hindi kaya ng kanilang tanggapan na mayroon lamang dalawang organic na empleyado ang kanilang mga trabaho kung wala ang mga barangay officials. 

 Ayon kay Lademora iniirerefer kasi sa kanilang tanggapan ang mga sumukong drug personalities na nag-apply sa plea bargaining agreement. 

 Sinabi ni Lademora na ang 1,500 nilang mga kliyente ay inaasahang dodoble pa ngayong taon, kaya kailangan nila ang tulong ng mga opisyal ng 11 local government units sa South Cotabato. 

 Pinuri naman ni Parol and Probation Office 12 Regional Director Rodrigo Manuel ang SCPPO at PADAC sa pangunguna nasabing forum na ayon sa kanya ay kauna-unahan sa buong bansa. 

-0-

Mekaniko patay sa vehicular crash sa Norala, South Cotabato 

 Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang mekaniko na nasangkot sa vehicular crash sa Norala, South Cotabato. 

 Kinilala ng Surallah PNP na pinamumunuan ni OIC Police Chief Inspector Marifel Maganto ang biktima na si Ivan Bjorg Africa, 37 years old,, binata at nakatira sa Barangay Puti sa nasabing bayan. 

 Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo si Africa nang mag-apply ng handbreak sa palikong bahagi ng daan sa Barangay Poblacion, Norala. 

 Ang biktima ay pauwi na sana sa barangay Puti mula Poblacion, Norala nang maganap ang vehicular crash. 

 Si Africa na bumagsak sa sementadong daan matapos matumba ang motorsiklo ay nagtamo ng matinding mga sugat na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi. 

Ang 13 anyos na estudyanteng angkas nitong si Sandy Africa ay dinala sa Norala District Hospital ngunit agad ding inilipat sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City sanhi ng tinamong grabeng mga sugat. 

 Ang Rusi 125 motorcyle na sinakyan ng mga biktima ay ikinustodya ng mga pulis sa Norala habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa nasabing vehicular crash. 

0-0

Kooperatiba ng mga magsasaka sa Surallah, South Cotabato, nominado sa Search for National Outstanding Seed Innovators of the Philippines ng National Seed Industry Council 

Nakasungkit ng nominasyon bilang National Outstanding Seed Innovators of the Philippines ang Binhian ng Timog Kutabato Multi-purpose Agricultural Cooperative o BINTIKU MPAC na matatagpuan sa Surallah, South Cotabato. 

 Layon ng parangal na kilalanin ang natatanging kontribusyon ng mga key industry player sa bansa sa larangan ng breeding, seed growing at nursery. Ito ay bilang pagtalima na rin sa Seed Industry Act of 1992. 

Kaugnay nito, isinailalim na sa assessment na ng mga myembro ng Technical Working Group ng National Seed Industry Council ang operasyon ng nasabing kooperatiba sa nakalipas na dalawaput limang taon. 

Tiningnan ng mga ito ang management practices, seed production and certification record, cost and return analysis ng kooperatiba at tulong nito nito sa komunidad. 

Ayon kay BINTIKU-MPAC Manager John Dormitorio, , isa ang RC 222 sa mga barayti ng palay na ipinagmamalaki ng kanilang kooperatiba dahil sa malaking ani at adaptability nito sa buong isla ng Mindanao. 

 Malalaman ang kooperatiba na pararangalan at mabibigyan din ng certificate of recognition at P50,000 ng National Seed Industry Council ngayong Marso.

-0-

NATIONAL NEWS………………….   

MAGSISIMULA NA ang kwaresma para sa mga mananampalatayang katoliko ngayong March 6 o Ash Wednesday.  

Ang Miyerkules ng Abo ay hudyat ng pagsisimula ng 40 araw ng panahon ng pag-aayuno, penitensya at pagkakawang-gawa hanggang sa humantong sa Pasko ng Pagkabuhay.   

Ang Ash Wednesday ay itinuturing na biyaya ng pagpapatawad at habag ng Diyos.

 

8 cops get merit medal from PRO-12

GEN. SANTOS CITY – As a result of the exemplary and efficient performance to duty, eight police personnel of PRO 12 were conferred with medals during...

No bakuna vs. COVID, no LET exam in Kidapawan

KIDAPAWAN CITY - "Umalis ng bahay dala ang pangarap pero umuwing bigo." Isa lang yan sa pahayag ng nasa higit 30 mga examinees ng Licensure...

2 kids dead, 3 hurt in machete attack; culprit killed too

COTABATO CITY - A mentally-challenged man killed his son and niece, both pre-school children, and wounded three more in a machete attack in...

Higit P1.6 million na halaga ng illegally cut woods, nakumpiska sa Barira Maguindanao.

COTABATO CITY - Abot sa 20,748 board feet ng iba't ibang dimensions ng mga red at white Lauan lumbers ang nakumpiska ng Marine Battalion Landing Team...

DALAWANG TAGA South Cotabato at isang taga Maguindanao, kabilang sa 433 kataong nanalo ng lotto 6/55 jackpot prize

DALAWANG TAGA SOUTH COTABATO at isang taga Maguindanao, ang kabilang sa 433 kataong nanalo sa October 1 Grand Lotto 6/55 draw. Ang lotto jackpot...