Thursday May, 26 2022 12:25:17 PM

NDBC BIDA BALITA (3.5.19)

NDBC BALITA • 22:00 PM Wed Mar 6, 2019
976
By: 
ndbc nca

NEWSCAST MARCH 05, 2019 (TUE)
7:00 AM   

HEADLINES:   

1. LIAISON OFFICER ng DepEd ARMM, huli sa buy bust operation sa Esperanza, Sultan Kudarat.   

2. Senior Citizen na nagbibisekleta, patay matapos mabangga ng ambulansya sa Surallah, South Cotabato  

3. Agriculture Secretary, sinagot ang alegasyon ginagamit niya umano ang pondo ng kanyang ahensiya para suportahan ang mga kaalyado sa pulitika   

4. Civil Service Commission, may paalala sa mga government employee kaugnaya ng papasok na local campaign period. 

-0-

HULI sa buy bust operation ang umano ay liaison officer ng Department of Education o DepEd-ARMM na kinilalang si Jether Dalem Bahagi, 36 years old.   Ikinasa ng mga otoridad ang operasyon sa Purok Malipayon, Brgy. Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat kung saan nakatira ang suspek.     

Sinabi ni Esperanza PNP Chief, Police Major Garyflor Marfil na si Bahagi ay newly-identified drug personality sa kanilang watchlist.   Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at 500 pesos na marked money.   

Nakatakda ng sampahan ng kaukulang kaso si Bahagi na ngayon ay pansamantalang nakakulong sa Esperanza PNP detention cell.   

-0-

INAKO ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang sunod-sunod na pamamaril at pagpatay sa mga sundalo sa Maguindanao.   

Sinabi ni BIFF spokesperson Abu Misry Mama na hitman nila ang may gawa ng naturang mga pag-atake bilang ganti sa mga napaslang nilang mga kasamahan sa nagpapatuloy na opensiba ng militar laban sa kanilang grupo.   

Pinakahuling biktima ang off-duty na sundalong si Corporal Sahelbasar Alaja, squad leader ng Army’s 90th Infantry Battalion.   

Dead on the spot si Alaja nang tambangan sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.   Walang dalang armas ang biktima nang pagbabarilin siya ng riding tandem suspects habang naglalakad lamang sa naturang lugar.   Si Alaja ang ikaapat na sundalo na pinatay sa Maguindanao at Cotabato City mula noong nakaraang linggo.   Maalalang unang nabaril at napatay sa Cotabato city noong Huwebes si Staff Sergeant Lardera Verande na miembro ng intelligence unit ng Army’s 6th Infantry Division.   

Sinundan naman ito ng pananambang at pagpaslang sa mga sundalong sina Private 1st Class Junard Estribor at Private Nelier John Pinto sa Barangay Sambulawan, Datu Salibo, Maguindanao.   

Sina Estribor at Pinto ay mula sa Army’s 57th Infantry Battalion.   Sugatan naman at patuloy na ginagamot sa ospital ang isa pa nilang kasamang si Private Muqtadir Salmpuna.   

-0-

UMAABOT NA NGAYON sa 150 ang bilang ng mga sumukong miyembro ng ISIS-INSPIRED Maute Group sa Marawi City.   
Sinabi ni Army’s 103rd Infantry Brigade commander Col. Romeo Brawner na isinailalim na sa “Returnee Reintegration Program” ang mga naturang sumukong mga dating ekstremista.   

Ayon kay Brawner, marami sa mga sumuko ay mula sa Butig, Lanao del Sur dala ang kanilang mga matataas na uri ng armas.   

Kaugnay nito ay umaasa si Brawner na madagragan pa ang mga susukong Maute Group members dahil na rin aniya sa patuloy na pagpupursige ng militar na mapuksa ang nagpapatuloy na recruitment ng mga Maute-ISIS group leader sa Mindanao.

-0-

KRITIKAL ngayon ang kondisyon ng isang welder sa ospital matapos siyang makuryente habang may kinukumpuni sa isang gym sa Barangay Pura, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao pasado alas dos ng hapon kahapon.   
Nakilala ang biktima na si EDRIL PALAWAN, 20 years old na taga barangay Tapian, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.   Kwento pa ng ama ng biktima, abala umano sa pagre-repair sa nabanggit na lugar si Palawan nang maputol ang isang live wire at aksidente itong dumikit kay PALAWAN.   

Sa iba pang balita, dead on arrival sa ospital ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na biktima ng pamamaril at natagpuan lamang ng isang payong-payong driver na nakahandusay sa tabing daan na bahagi ng barangay Broce, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.   Agad na isinugod ng naturang driver na ayaw pabanggit ng pangalan ang biktima sa ospital pero hindi na ito nasalba pa ng mga doktor.   

Ang naturang nasawing lalaki ay matipuno ang pangangatawan, kayumanggi ang balat, may taas na 5’7, at nakasuot ng maroon t-shirt at shorts.   May tama ng bala sa dibdib ang biktima.  

-0-

Supply ng Kuryente sa Mindanao, sapat ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP 

Tiniyak ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na sapat ang supply ng Kuryente sa Mindanao. Ito ayon kay NGCP Southern Mindanao, Regional Communications and Public Affairs Officer Michael Ligalig sa panayam ng DXND-Radyo BIDA. 

Ginawa ng opisyal ang pahayag kasabay ng nararanasang matinding tag-tuyot sa ilang bahagi ng bansa. Giit ni Ligalig na ang Mindanao ay kumukuha ng supply ng Kuryente sa Hydro, at malaking porsiento dito ay mula sa Agus 1 ang pinagkukunang source ng enerhiya. Maliban dito ay may mga Independent Power Producer o IPP din ang Mindanao kaya walang dapat ipangamba ang publiko sa posibleng brown-out dala ng kakulangan sa supply ng Kuryente. 

Sa power outlook ng Mindanao kahapon, mayroong 654Megawatts na reserba ang Mindanao, kungsaan 2,345MW ang system capacity ng Mindanao at nasa 1,691MW dito ang peak demand. VC – LIGALIG Samantala nananawagan naman si Ligalig sa publikona iwasang magsiga malapit sa mga power utilities. 

Ang dagdag na pahayag ni NGCP Southern Mindanao, Regional Communications and Public Affairs Officer Michael Ligalig 

0-0-

DA Secretary Piñol, sinagot ang alegasiyon hinggil sa paggamit nito ng kanyang ahensiya para suportahan ang kaalyado sa pulitika 

Tahasang itinanggi ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga alegasiyong ginagamit nito ang kanyang ahensiya upang suportahan ang kandidatura ng kanyang anak, mga kapatid at kaalyado nito sa lalawigan ng North Cotabato. 

Ito ay sa pamamagitan ng mga proyekto ng Department of Agriculture (DA) na nakalaan sa mga mahihirap na magsasaka sa 10 lalawigan sa buong bansa. 

Sa report na inilabas sa website ng Manila Standard, sinabi ni Association of Free Fra­mers (AFF) Vice President Teody De Belen ang kanyang grupo ng mga magsasaka at mangingisda ay kinokondena si Piñol dahil sa paggamit ng karamihang proyekto sa ilalim ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) sa ilalim ng DA at naka­tuon lamang ito sa lalawigan ng North Cotabato upang mapahusay ang kampanya ng kanyang anak, mga kapatid at kaalyado sa pulitika. 

Sa panayam ng DXND-Radyo BIDA kay Sec. Piñol, taong 2016 pa niya sinimulan ang nasabing program at ang P25Milyun na unang Bahagi ng P50 Milyun ay naidownload naman sa provincial government. Kungsaan ang gobernador ay dati nitong katunggali sa pulitika na si Gov. Lala Taliño-Mendoza. 

Naglabas din ng sama ng loob ang kalihim dahil sa istilo diumano ng pamumulitika sa probinsiya dahil lahat ng mga galaw nito ay binigyan ng malisya ng mga katunggali niya sa pulitika noon. 

0-0

Pagputol sa serbisyo ng Street lights sa isang barangay sa Makilala, North Cotabato, ipinaliwanag ng Punong barangay 

Inireklamo ng ilang mga residente sa Barangay Kisante sa Makilala, North Cotabato ang diumano’y kurapsiyon sa barangay hall. 

Ayon sa reklamante na nagparating ng sumbong sa DXND-Radyo BIDA, lumubo umano sa P200 thousand ang babayaran na kuryente ng barangay, gayung wala namang street lights ang lugar. Bukod dito, inireklamo din ang hindi umano pagbibigay ng resibo ng treasurer ng barangay sa mga dokumentong transaksiyon sa sa barangay hall. 

Agad namang nagpaliwanag dito si Kapitan Anatalio Abeng kungsaan taong 2017 ay umaabot sa P150 thousand ang babayaran nila sa Kuryente dahil sa street lights. Noong patapos na ang taong 2017, may balance ang barangay na P100, 000 at 2018 ay umabot sa P200 thousand ang bill nila sa Kuryente at nagbayad sila ng P200 thousand sa Cotelco kaya kaya may balance pa rin sila na P100 thousand. 

Kaya naman lumubo na sa P200 thousand ang babayaran nila sa Kuryente sa Cotelco ngayong taon. Paliwanag ni Abeng na 3% lamang sa kabuuang pondo nila ang mapupunta sa MOOE. 

 Kaya kulang pa rin ang nasbaing pambayad sa Cotelco bagay namang nagdesisyon ang kapitan na ipaputol muna ang serbisyo ng street lights upang di na lumubo pa ang babayaran nila sa Kuryente. 

-0-

Mahigit 2 libung Magsasaka sa North Cotabato na nasalanta ng nagdaang kalamidad, nabigyan ng Hybrid Corn Seeds ng OPAG 

 Nasa 2,224 na sako ng hybrid corn seeds ang ipinahagi ng Office of the Provincial Agriculturist sa mga magsasaka ng mais na nasalanta ng kalamidad nitong mga nakaraang buwan. 

 Ayon kay Acting Provincial Agriculturist Remedios M. Hernandez layun ng programa na matulungang makapagtanim ang mga magsasaka na di na gagastos sa dekalidad na binhi ng mais at maging kabawasan ito sa kanilang gastusin sa pagsasaka. 

Sinabi ni Provincial Corn Coordinator Abedece Curtiz na ang nasabing bilang ng Magsasaka na nakabiyaya ay mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan. 

Ang pondo para sa nasabing calamity corn seeds assistance ay mula pa sa 2018 budget ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office. 

Ang inisyatibang ito na pamamahagi ng libreng hybrid corn seeds ay bahagi ng calamity seeds assistance program ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza bilang ayuda sa mga magsasaka ng mais na nasalanta ng mga natural na kalamidad gaya ng pagbaha at kakulangan sa patubig. 

 LGU Kabacan nagpaliwanag sa Mayor’s Certification para sa mga Tricycle Operators Upang maisaayos at malaman kung ang mga prangkisang ipinagkaloob sa mga tricycle operators ay ginagamit pa rin ng mga draybers at operators sa Kabacan. Naglabas ng Mayor’s Certification ang pamahalaang local ng bayan. 

Ayon kay Municipal Administrator Ben Guzman, Mayor’s Certification ang inilalabas ng tanggapan dahil na rin sa hindi maaaring magparenew ngayong taon ng prangkisa kaugnay na rin sa ordinance number 2015-002 ng bayan na dalawang taon na ang validity ng mga prangkisa. Samantala, nagbabala rin ang tanggapan matapos may mga prangkisang ipinagbibili. 

Ito na rin ay mahigpit na ipinagbabawal at sa oras umano na mapatunayan ito ay maaaring mabigyan ng penalidad o pagsasa-walang bisa ng kanilang karapatan sa prangkisa. 

Hinimok din ng tanggapan ang may mga pending applications o yung mga application na may problema sa papeles na bisitahin ang tanggapan dahil ayon na rin sa Municipal Tricycle-for-hire Franchising Regulatory Board, sa oras na maisaayos ang lahat, maaaring maipagkalooban sila ng prangkisa. Muli namang pinaalalahanan ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. ang publiko partikyular na ang mga tricycle drivers na kailangan nilang ayusin ang kanilang serbisyo sa taong bayan lalo pa’t mabilis ang pagrereport ng mga maling ginagawa nila. 

Ipinaalala din ng alkalde na hindi biro ang kanilang inilaang pagod sa pagproseso ng prangkisa kaya kailangan nila itong pag-ingatan.

-0-

Merchandiser tinangayan ng motorsiklo habang nakahinto sa traffic light sa Koronadal City 

 Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col Benjiel Kirby Bajo ang biktima na si Jerald Lanado, 24 years old, merchandiser at nakatira sa Barangay Poblacion, Tantangan, South Cotabato. Sinabi ni Lanado sa mga pulis na habang minamaneho nito ang pula at itim na Suzuki raider motorcyle na may license plate 4368, huminto ito sa kanto ng Arellano Street at General Santos Drive. 

 Ito ay matapos umanong mag red light sign ang traffic light sa nasabing lugar pasado alas dose ng tanghali noong Linggo. Sinamantala naman ito ng dalawang suspek na naka helment, itim at pulang jacket na lumapit sa kanya., 

 Wala nang nagawa pa si Lanado ng sabihan ng mga suspek na bumaba at tangayin ang nasabing motorsiklo Hindi pa batid na mga pulis kung sino ang tumangay sa motorsiklo ng sinakyan ng biktima na naka-rehistro sa isang Ian June Sumugat. 

0-0-

 TESDA 12 Regional Director may babala sa mga eskwelahan na mananamantala sa kanilang mga scholarship program 

 Mapapatawan ng kaukulang penalidad ang sinumang mapatunayang nagmamaniobra ng mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA. 

 Ito ay ayon kay TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II. Ayon kay Abrogar sa ngayon ay mariing binabantayan ng TESDA ang rehiyon laban sa mga ghost trainees at ghost scholars. Nilinaw naman ni Abrogar na wala pang namonitor na bogust na technical school sa rehiyon ang TESDA 12. 

 Nilinaw ni Abrogar na may sinusunod ding mga panuntunan ang ahensya sa alokasyon ng mga scholars para hindi mapakinabangan ng iilang eskwelahan. Ilan sa mga ito ayon kay Abrogar ang absorptive capacity,at employment rate. 

0-0-

85 Persons with disability sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat, nakinabang sa tulong pangkabuhayan ng DOLE 12 

 Hasain ang kanilang kasanayan sa pamamagitan ng piniling kabuhayan upang mapabuti ang pamumuhay ng kanilang pamilya. 

 Ito ang hiling ni Department of Labor and Employment-Sultan Kudarat head Mary Jane Hoksuan sa mga may kapansanan na nabigyan nila ng tulong pangkabuhayan sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat. 

 Sinabi ni Hoksuan na ang DOLE Integrated Livelihood Program o DILP ay isa sa mga istratehiya ng ahensya para maresolba ang kahirapan sa pamamagitqan ng pagbibigay ng kabuhayan sa mga nangangailangan. Ang DILP ay nakapagbigay ng mahigit isang milyong pisong halaga ng tulong sa 85 persons with disability sa nasabing bayan. 

 Hinamon naman ni SNA Mayor Randy Encija ang mga benpisyaryong PWD na bumbuo ng grupo para magkaroon ng access sa mas marami pang programa ng gobyerno. Isa sa mga nakinabang sa DILP sa SNA ang may kapansanan sa kamay at paa na si Angelino Sarona, 23 years old ng barangay Malegdeg.. 

 Ayon kay Sarona ang sari-sari store nito na naipatayo sa pamamagitan ng DILP ay malaking tulong para makapatapos ng dalawang taon na Associate in Computer Technology sa isang kolehiyo sa SNA. 

-0-

 Lake Holon sa T’boli, South Cotabato bubuksan muli sa mga turista matapos ipasara ng LGU noong Marso 

Inaasashang lalahok sa Pilgrimage to lake Holon ng lokal na pamahalaan sa T’boli, South Cotabato ang mahigit 300 katao sa March 9. Ayon kay T’boli Municipal Tourism Officer Rodel Hilado ito by bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng nasabing tourist destination sa March 10. 

 Matatandaan na para bigyan daan ang rehabilitasyon nito, tempraryong ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng T’boli ang pag-akyat sa Lake Holon noon Enero. Isinabay din ang pagbubukas muli ng Lake Holon sa 45th Founding Anniversary at 21st Seslong Festival sa bayan sa March 5 hanggang 16. 

 Tiniyak naman ni Hilado na sa muling pagbubukas ng Lake Holon, may inihandang sorpresa ang lokal na pamahalaan sa mga turista. Kinumpirma din ni Hilado na fully booked na rin ang Lake Holon sa Holy Week at summer. 

0-0-

 Senior Citizen na nakabiskleta, patay matapos mabangga ng ambulansya sa Surallah, South Cotabato 

Kinilala mismo ng mga kaanak nito ang biktima na si Domingo Pangal, 69 anyos, nakatira sa barangay Libertad, Surallah, South Cotabato. 

 Si Pangan ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City, sanhi ng matinding mga sugat na natamo nito. 

 Ito ay matapos mabangga ng ambulansya na pagaari ng provincial government ng South Cotabato na nooon ay patungo sa Koronadal City, mula sa Upper Valley Community Hospital sa Surallah. 

 Ang biktimang si Pangan ay nabanga ng nasabing ambulansya habang nakabiseklitang tumatawid sa national highway sa Purok Sison, Barangay Libertad Surallah. Ito ang lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Surallah PNP na pinamumunuan ni Acting Chief of Police, Police Major Romy Castanares. 

 Ang ambulansya na nakabangga sa biktima na minamaneho ni Felix Dalguntas, 57 yeras old, empleyado ng Upper Valley Community Hospital ay ikinustodya ng Surallah PNP. Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

-0-

National

PINA ALALAHANAN ngayon ng Civil Service Commission o CSC ang mga kawani ng gobyerno hinggil sa mga hindi nila maaaring gawin sa panahon ng kampanya.   

Ayon sa CSC, ipinagbabawal sa mga empleyado ng gobyerno, regular man o hindi, ang anumang uri ng pangangampanya, mula sa tahasang pagkumbinsi ng ibang mga tao upang iboto ang isang partikular na kandidato, hanggang sa pagpapahiram ng mga personal na gamit na maaaring matunton na kanilang pagmamay-ari gaya ng sasakyan.   

Bawal din ang paggamit sa job order at contractual employees para magbigay ng leaflets o flyers ng mga kandidato, maging ang pagkakabit ng posters ng mga ito.   

Maaaring mapatawan ng isang buwang suspensyon para sa unang paglabag ang isang empleyado ng gobyerno na mapapatunayang nangangampanya para sa isang kandidato habang maaari namang humantong sa tuluyang pagtanggal sa serbisyo ang pag-ulit sa parehong kasalanan.  

 

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...

Duterte hopes monkeypox less fatal than Covid-19

MANILA – President Rodrigo R. Duterte on Monday expressed hope that the monkeypox outbreak being reported mostly in Europe would not be as fatal...