Saturday Dec, 10 2022 04:38:16 AM

NDBC BIDA BALITA (5.14.19)

NDBC BALITA • 11:00 AM Tue May 14, 2019
999
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MAY 14, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. MIDTERM polls generally peaceful pero COMELEC at Smartmatic pananagutin sa mga nagka-aberyang mga makinang ginamit sa halalan.

2. DALAWA pang mga pagsabog, naganap sa Cotabato City ilang oras matapos magsara ang polling precincts kagabi.

3. Halalan sa isang sitio sa President Roxas, North Cotabato, tuloy sa kabila ng presensya ng armadong grupo.

4. PROKLAMASYON ng mga nanalong kandidato sa May 13 midterm elections, inaabangan na ng mga mamamayan sa Koronadal City

-0-

GENERALLY PEACEFUL daw ang midterm elections kahapon, ayon sa PNP at AFP.

Sinabi ni AFP Public Information chief Col. Noel Detoyato na maliban sa ilang maliliit na problema na agad namang naresolba ng mga otoridad ay maituturing umanong matagumpay ang mga inilatag na paghahanda sa peace and order situation sa bansa.

Sa panig naman ng pulisya, sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na mananatiling naka-red alert ang kanilang hanay lalo’t nagpapatuloy pa ang bilangan ng mga boto para sa local positions.

Samantala, umaabot naman sa 20 katao ang nasawi kasabay ng pagdaraos ng halalan mula sa kabuuang 43 mga pag-atake na naitala simula nung campaign period noong Enero.

Sa kabila nito, sinabi ni Albayalde na 60% pa ring higit na mababa ang mga insidente ng karahasang naitala sa midterm polls ngayong taon kumpara sa 106 na mga insidente ng karahasan noong 2016 presidential elections.

Nasa 61 milyong botante ang itinalang bumoto ng Comelec kahapon para sa posisyon ng mga Senador, Kongresista, Board member, Partylist Representatives, mga alkalde, bise alkalde at iba pa.

-0-

NAGBABALA ang Malacañang sa Commission on Election o COMELEC at Smartmatic hinggil sa kaliwa’t kanang reklamo hinggil sa umano ay mga pandaraya at palpak na mga makinang ginamit sa overseas absentee voting at sa national at local elections sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na obligado ang COMELEC at Smartmatic na tiyaking nagkaroon ng isang malinis, tapat at mapayapang halalan kaya pananagutin sila ni Pangulong Duterte sakaling sangkot ang mga ito sa umano ay dayaan. Ayon kay Panelo, may hakbang ng ginagawa ang Pangulo para matukoy kung sino-sino ang mga sangkot at kung sa paanong paraan ginawa ang pandaraya.

Samantala, kinalampag din ng ilang senador ang Comelec kaugnay sa mga ulat na maraming voting counting machines o VCMs ang pumalya.

Kinuwestyon ni Sen. Aquilino Pimentel III ang naunang pagtiyak ng COMELEC na pumasa ang lahat ang VCMs sa diagnostic tests dahil maraming naglabasang report hinggil sa mga pumalpak na makina.

Tinatayang nasa 400 hanggang 600 VCMs at isang libong mga SD card ang nagka-aberya sa halalan kahapon base sa inisyal na pagtaya ni COMELEC Spokesperson James Jimenez.

Naantala ang eleksyon kahapon sa unang apat na oras nito dahil sa mga pumalpak o nasirang VCM at mga voter registration verification machine sa maraming mga lugar sa bansa.

Ayon naman sa Teachers’ Dignity Coalition, maraming mga botante ang umalis na lamang sa mga presinto dahil sa tagal ng pila. Naging mababa naman ang turnout of votes sa iba pang mga polling center dahil ginawa na lamang mano-mano ang botohan.

-0-

NANGUNGUNA NA si incumbent Cotabato city mayor Cynthia Guiani sa mayoralty race laban sa katunggaling si Maguindanao 1st District Congresswoman Bai Sandra Sema.

Base sa partial unofficial results mula sa COMELEC data as of 5:50AM ay mayroon ng 31, 779 votes na nakuha si Guiani kumpara sa 19, 749 votes na nakuha naman ni Sema.

Ang naturang mga boto ay mula sa 132 election returns o 91.03% ng kabuuang 145 ERs sa lungsod. Samantala, mayroon namang 30 thousand, 636 votes si incumbent vice mayor Graham Nazer Dumama kumpara sa katunggaling si councilor Abdullah Andang na may 18 thousand, 339 votes.

Pasok naman sa Top 10 councilors sina JayJay Guiani, Bruce Matabalao, Dr. Eddie Rabago, Johari Abu, Michael Datumanong, Abdillah Lim, Popoy Formento, Hassan Biruar, Freddie Ridao at Christina Chua. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang bilangan sa nalalabing 13 election returns.

-0-

NAKAKUHA na ng 242 thousand, 443 votes si Maguindanao gubernatorial candidate Bai Mariam Sangki-Mangudadatu kumpara sa katunggaling si Mangudadatu mayor Freddie Mangudadatu na mayroon pa lamang 183 thousand, 678 votes as of 5:20AM.

Resulta ito mula sa 848 Election Returns na nabilang na o 91.87 percent ng kabuuang 923 ERs mula sa lalawigan. Nanguna naman si re-electionist Vice Gov. Datu Lester Sinsuat laban sa mga katunggaling sina Jojie Jamal at Mosib Salipada.

Samantala, si Datu Roonie Sinsuat na tumatakbo bilang kongresista ng Maguindanao 1st district ay nakakuha na ng 117 thousand, 813 votes habang si incumbent Gov. Esmael Mangudadatu na tumatakbong kinatawan ng 2nd district ng lalawigan ay mayroon ng 118 thousand, 396 votes.

Maaring magbago pa ang naturang resulta kapag natapos ng mabilang ang nalalabi pang 75 election returns.

-0-

Dalawang pagsabog ang naganap sa Cotabato City ilang oras matapos magsara ang polling precincts pagkatapos ng eleksyon kagabi.

Sinabi ni Police Lt. Teofisto Ferrer Jr. ng City Police Station 2, nangyari ang pagsabog pasado alas dyes kagabi sa City hall compound sa Purok Omar, Malagapas, Barangay Rosary Heights 10.

Bukod sa pagsabog ay nagkaroon din ng magkakasunod na putok ng baril at pagsabog sa gitna ng malakas na ulan sa lugar. Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa mga insidente.

Una rito ay may twin explosions sa parehong lugar noong bisperas ng halalan pero ayon sa mga otoridad ay wala namang kinalaman sa eleksyon. Sabi pa ni P-N-P chief, General Oscar Albayalde, maging ang mga pagsabog sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ay hindi rin umano election-related.

Maalalang dalawang mga pagsabog din ang naganap sa Barangay Poblacion Dalican bandang ala una ng madaling-araw at pasado alas syete ng umaga kahapon. Ani Albayalde, posibleng pananakot lang ay hindi intensyon ng naturang mga pagsabog na manakit ng sinuman.

-0-

NAGTANGKA umanong manabotahe ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa nagaganap na boothan sa Barangay Meta, Datu Unsay, Maguindanao.

Gayunman, Sinabi Army’s 6th Infantry Division spokesperson Maj. Arvin Encinas na napigilan ang mga ito ng mga sundalong nakalataga sa lugar.

Samantala, sa Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao, pinaulanan umano ng bala ang isang bahay sa lugar na ikinasawi ng isa katao habang apat na iba pa ang nasugatan.

Batay sa inisyal na report ng Parang PNP, nakilala lang ang nasawi na si Norodin Malambit, 32 years old, may asawa na tinamaan ng bala sa dibdib. Nakilala naman ang mga sugatan na sina Kuting Latip, Aiman Ali, Akmad Malambit at isang Walud.

May isa umanong van na huminto sa tapat ng bahay ng biktima at agad na nagpaputok ng baril ang mga sakay nito pasado ala una ng hapon kahapon.

Una rito, nabiktima rin umano ng pananaga ang municipal administrator ng bayan ng Parang. Kinilala ni Parang PNP chief Major Rajiv Alih ang biktima na si municipal administrator Usman Ibay III.

Ayon sa inisyal ng imbistigasyon ng PNP, nagpang-abot ang grupo ni administrator Ibay at ang mga taga-suporta ng katungali nila sa politika na nauwi sa komusyon at pananaga.

Sa Datu Odin Sinsuat naman, wala na umanong nangyari botohan sa maraming mga polling precinct sa bayan partikular sa mga barangay ng Dinaig at Broce.

Sa report na natanggap ng DXMS AM Radyo Bida mula sa ilang concerned citizens, marami umano sa kanila ay hindi nakaboto dahil may bomoto na umano gamit ang kanilang mga pangalan.

Iisang tao lamang umano ang nag-shade sa mga balota. Pero nang tanungin si Army’s 6th Infantry Division spokesperson Arvin Encinas hinggil dito, wala naman umano silang natanggap na report hinggil sa naturang mga iregularidad.

Samantala, sa Buluan, Maguindanao, inireklamo naman ng mga botante ang biglang pagsulpot ng mga tauhan umano ng PDEA BARMM sa isang voting center sa barangay Poblacion dahil mayroon umano silang huhulihing drug suspect.

Ayon sa mga botante, nagtaka sila sa timing ng naturang mga PDEA BARMM agent na manghuhuli sa mismong araw ng halalan. Dahil sa insidente ay nabalam ang botohan sa lugar at ang ibang mga botante ay umuwi na lamang dahil sa takot.

Sa Lanao del Sur, nagpang-abot ang mga supporter ng magkakalabang kandidato habang nasa polling center sa Bacong Elementary School, Marantao, Lanao del Sur. Sinira din umano ng mga supporter ng mga Adiong ang ilang VCMs sa bayan ng Malabang habang pinakialaman din umano ng mga ito ang mga balota sa bayan ng Kapatagan.

-0-

MALUBHANG nasugatan ang siyam katao sa nangyaring pamamaril sa harap ng Titipon Elementary School sa bayan ng Panglima Estino, Sulu.

Sinabi ni Joint Task Force Sulu spokesperson Lt. Col. Gerald Monfort na kasalukuyang ginagamot sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga sugatan.

Dahil sa nasabing pamamaril ay ilang oras ring nahinto ang botohan sa lugar kahapon. Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng nasabing pamamaril.

Makalipas ang tatlong oras ay isang pamamaril rin ang naganap sa Camp Andres Central Elementary School sa bayan ng Luuk sa nasabi ring lalawigan.

Wala namang naiulat na namatay sa nasabing shooting incidente. Samantala, sa Jolo Sulu naman, nauwi sa mano-mano ang pagsisimula ng botohan sa bayan nang pumalya ang voters registration verification machines o VRVM.

Ayon sa ulat hindi gumana ang makina na nasa dalawang mga presinto sa naturang bayan. Todo higpit naman ang seguridad ng mga tauhan ng PNP at AFP sa polling precincts partikular sa Mohammad Tulawie Central School. Kinailangan din na magpakita ng identification cards ng mga boboto bago papasukin sa presinto.

-0-

Tuloy parin ang pagboto ng mga botante sa Sitio Legpas barangay Tuael, President Roxas Cotabato matapos ang ulat na sampung mga armadong grupo umano ang pumasok sa loob isang ng polling center.

Ayon sa reprot, kinuha ang iilang official ballots sa mga guro na nagsilbing Electoral board gabi nitong May 12 bago ang araw ng botohan.

Ayon sa ulat na nakarating sa President Roxas PNP, tatlong mga watchers ang dumulog sa tanggapan ng pulisya upang ireport ang pagpasok, pagkuha at umano’y pag advance shading ng ilang mga balota ng grupo ni Kumader Kaluwasan.

Sinabi ni President Roxas PNP Chief Police Major Rolly Oranza, pahirapan din anya sila sa pagcontact ng mga PNP, AFP at maging ang mga EB na nakastandby sa nasabing sitio. Ito upang kumpirmahin din ang ulat hinggil sa advance shading na nangayri sa lugar at inantay na lamang din anya nila na makababa ang mga otoridad sa bayan.

Samantala, isang Vote Counting Machine naman ang pumalya sa barangay Idaoman President Roxas at isa din sa barangay Lama-Lama ang hindi gumana 30 minuto bago mag alas sais o magsirado ang botohan ng hapon kahapon pero ayon kay Municipal Election officer Carmen Macapas agad na ipinadala ang reserbang VCM.

Habang dalawang mga SD cards naman ang hindi gumana na mula sa mga barangay ng Kamarahan at Greenhiils President Roxas na kailangang pang palitan sa regional Comelec office.

Pero ayon sa ulat, patuloy naman ang pagboto ng mga botante at posibleng ngayong araw isasagawa ang mass feeding sa mga balota. NDBC BIDA BALITA

-0-
Apat na mga Vote counting machines sa bayan ng Arakan, North Cotabato, pumalya sa kalagitnaan ng botohan kahapon

Nagamit ang apat na contingency na Vote counting counting machines sa bayan ng Arakan, North Cotabato matapos na pumalya din sa kalagitnaan ng botohan ang apat na mga VCM na mula sa mga barangay ng Binoongan, Anapoolon, Datu Ladayon at Naje.

Sinabi ni Election officer Aleah Alvarez, isa sa mga naging problema sa pagdaraos ng halalan kahapon sa bayan ay ang mahinang signal.

May isang guro din ang nag emergency back out dahil sa pumanaw ang kanyang ina pero agad naman itong napalitan at nagpatuloy ang botohan. Sa loob ng mga paaralan sa bayan may mga nakastandby ding vote’s assistance desk at MDRRM kung may mga hindi inaasahang pangyayari sa panhaon ng pagboto.

Sinabi din ni Arakan PNP Chief Police Jose Mari Molina, mas hinigpitan din nila ang seguridad sa mga lugar na may presenya ng armadong grupo kagaya ng barangay Sumalili, Lanao Kuran at sa Sitio Katindu na una ng naiulat na hinaras ng New People’s Army kamakailan.

Samantala, sa pangkalahatan wala namang naitalang election untoward incidents sa bayan kahapon. NDBC BIDA BALITA

-0-
Cotabato Police Provincial Office nakapagtala ng minor incidents sa araw ng halalan

Walang gaanong mga Election Related Incidents (ERI) na naitala ang pamunuan ng Cotabato Police Provincial Office sa araw nga halalan.

Ayon kay Julie Lu Melocotones, PCR-PIO ng CPPO, mga minor incidents lamang umano ang nakarating na report sa kanilang pamunuan mula sa kanilang lower units.

Nabatid na iilan lamang mga naitalang election-related incidents ang natanggap ng kanilang pamunuan, isa na rito ay ang pakikipagtalo umano ng mga supporters ng politiko na nagresulta sa sakitan.

Nangayari ito sa bayan ng Pikit at Antipas, North Cotabato Sa bayan ng Magpet naman, natanggap ng PNP ang umano’y hinihinalang paghahakot ng mga botante subalit negatibo naman ito nang respondehan ng kapulisan.

Una na ring nai-ulat na may natala ring indiscriminate firing sa bayan ng Aleosan ngunit wala namang nasaktan sa nasabing insidente.

Samantala, stand-by pa rin sa kani-kanilang mga lugar ang ipinakalat na tauhan ng PNP at AFP sa inilatag nilang seguridad sa araw ng halalan. NDBC BIDA BALITA

-0-
Provincial Canvassing sa North Cotabato, isasagawa ngayong ngayong araw Sangguniang Panlalawigan

Itutuloy ngayong umaga ang canvassing ng lahat ng mga boto sa isinagawang halalan kahapon sa buong probinsya ng North Cotabato. Ito ay isasagawa sa loob ng Sangguniang Panlalawigan kung saan maglalagay ng malalaking screen ang Commission on Election o COMELEC alas 8:00 ngayong umaga sa labas ng SP Hall.

Nabatid na kagabi ay ipinagpaliban ng Comelec ang provincial canvassing dahil sa mag-aalas syete na ng gabi ay hindi parin tapos ang ilang mga presinto sa pagboto sa ilang mga bayan sa North Cotabato. Matatandaang sa Kidapawan City kagabi ay nainip ang ilang mga botante matapos na pumalya ang mga Vote Counting Machines o VCM.

Nabatid rin na naging mahina ang transmission ng mga boto mula sa mga barangay lalo na ang mga mahina ang signal. NDBC BIDA BALITA

-0-
Pagkasira ng Vote Counting machine at mahinang signal dahilan para mabalam ang botohan sa ilang mga bayan sa North Cotabato

Ilang minuto matapos mag umpisa ang botohan ay agad na pumalya ang mga Vote Counting machine sa Kidapawan City Pilot Elementary School sa Kidapawan City kahapon.

Tatlong mga machine ang biglang nagkaaberya at hindi na tinanggap ang mga balota. Sa Kidapawan City National high school naman ay uminit ang ulo ng mga botante dahil sa kulang ang mga marking pen at ang iba sa mga ito ay hindi mapapakinabangan.

Nadagdagan pa ito nang hindi naman gumana ang ilang mga Vote Counting machine. Mag-aalas sais kagabi ng isara ang botohan pero may ilan parin sanang nagpumilit na pumasok at gusto sanang makaboto pero hindi na pinapasok.

Sa magpet North Cotabato naman ay signal ang naging problema ng ilang mga paaralan dahilan para hindi maka transmit ng resulta ng botohan. Apat na mga paaralan naman ang pinalitan ang kanilang mga VCM matapos ring pumalya. NDBC BIDA BALITA

-0-

DENR 12 Regional Director nananawagan sa mga kandidato at political parties na linisin ang kanilang mga kalat sa Eleksyon.

Respetuhin ang batas sa proper waste management. Ito ang paalala ni Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 Regional Executive Director Nilo Tamoria sa mga kandidato at political parties sa May 13 local at midterm elections.

Ayon kay Tamoria, sa dami ng mga kandidato at partido sa katatapos lang na eleksyon tantiya nito kung gaano karami ang mga basurang maiiwan ng mga ito. Binigyan diin ni Tamoria sa responsable ng mga kandidato na linisin ang kanilang mga poster, flyers, banner at iba pang election paraphernalia.

Nananawagan din si Tamoria sa publiko na tumulong sa pagkakaroon ng eleksyon na ligtas sa basura sa pamamagitan ng pagsumbong ng mga pagkakalat may kaugnayan sa halalan sa mga otoridad. Ayon kay Tamoria dapat ding pagmultahin ng mga local government units ang mga political supporters at maging mga botanteng nagkakalat.

Mariing ipinagbabawal ng Ecological Solid Waste Management Act ang pagtatapon ng mga basura sa mga pampublikong lugar, sidewalk, daan, at mga establisemento.

Ang sinumang mapatunayang lumabag sa nasabing batas ay maaring pagmultahin ng mula 300 hanggang 500 pesos o obligahin na mag-community service ng mula isa hanggang labinlimang araw.

0-0-

City Health officer ikinabahala ang pagpositibo sa rabies ng 10 aso sa General Santos

Pinaigting ng city veterinary office ng General Santos ang kanilang kampanya kontra rabies matapos magpositibo nito ang sampung mga aso sa nasabing syudad simula Enero ngayong 2019.

Ayon kay Gensan City Veterinarian Dr. Antonio Marin ang mga ito ay kanilang natuklasan mula sa 44 na sample na ipinasuri sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory ng Department of Agriculture.

Ipinahayag ni Marin na ang mga asong kumpirmado sa rabies ay mula sa 26 na mga barangay ng Gensan. Ang mga ito ay nakitaan ng sintomas ng rabies infection.

Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Marin nagsasagawa ngayon ng blanket vaccination sa mga asong kalye at komunidad kung saan nagaling ang mga rabid animal sa Gensan ang kanilang tanggapan.

Nanawagan din si Marin na para sa kaligtasan ng nakararami dapat tiyakin ng mga pet owners na nabigyan ng bakuna kontra rabies ang kanilang mga alagang hayop. Ayon kay Marin bagamat nakapagtala sila ng mahigit 1,600 na kaso ng kagat ng hayop sa unang quarter ng 2019, wala namang binawian ng buhay dahil dito.

Tiniyak din ni Marin na may sapat na supply ng anti-rabies vaccine ang Gensan Veterinary Office.

0-0

Apat na persons with disability sa Koronadal City sasabak sa qualifying round ng South East Asian Games Susubukan ng apat na mga atletang may kapansanan sa Koronadal City na makapasok sa South East Asian o SEA Games.

Ito ay matapos mabigyan ng pagkakataon na makapag-try out sa Athletics, Javelin Throw, Discus Throw, at running long jump ng nasabing sports event.

Kinilala ni Deped Koronadal Sports Supervisor Napoleon Comicho ang ilan sa mga atletang ito na sina Ana Mae Militar na nakakuha ng dalawang silver medal sa 2019 Palarong Pambansa sa Davao City at ang bulag at bronze medalist na si Roldan Sagan.

Umapela naman si Sagan sa mga kapwa PWD na hindi dapat mawalan ng pagasa ang mga ito dahil maraming naghihintay na oportunidad sa kanila. Dinagdag din nito na hindi dapat maging hadlang ang kanilang mga kapansanan para maabot ng mga PWD ang kanilang mga pangarap.

Ipinahayag ni Comicho na malaki ang magagawa ng pagsali sa mga palaro ng mga differently abled persons para maiparamdam ang kahalagan ng mga ito sa komunidad. Ayon kay Comicho gaganapin ang qualifying round ng SEA Games sa Malolos, Bulacan sa May 22 hanggang June 2.

-0-

Siyam nasawi dahil sa dengue ngayong 2019 sa South Cotabato, ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit

Naitala ang dalawa sa siyam na nasawi sa dahil sa dengue fever sa South Cotabato sa bayan ng Banga at tig isa naman sa Koronadal City at mga bayan ng Polomolok, Sto. Nino, Surallah, Tampakan, T’boli, at Tupi.

Ito ay batay naman sa datus ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU ng Provincial Health Office mula Enero hanggang May 4 ngayong 2019. Base sa datus ng PESU abot naman sa mahigit 1,500 ang nagkasakit ng dengue sa South Cotabato na mas mataas ng 125 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakarami naman sa mga nagkasakit ng dengue sa na umabot sa mahigit 300 ay naitala sa Koronadal City, 195 sa Tantangan, 184 sa Tupi, 171 sa Polomolok, 167 sa Banga, 146 sa Surallah, 111 sa T’boli, 80 sa Tampakan, 57 sa Norala,52 sa Lake Sebu at pinaka-konti naman sa Sto. Nino na may 47 dengue cases.

Nauna nang ipinahayag ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdio Jr. na pinakamabisang paraan pa rin para masawa ang dengue ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. Payo nito linisin ang mga lugar o bagay na maaring pamahayan ng mga lamok na magdadala ng dengue tulad alulod ng mga bahay, kanal, bao na niyog at maging ng tansan na maaring ipunan ng tubig.

-0-

Nagsimula nang magsidatingan sa Koronadal City Hall ang mga mamamayan na halos natitiyak na ang panalo ng mga sinuportahang kandidato sa katatapos lang na May 13 national at local midterm elections.

Sa mga oras kasi na ito natapos nang bilangin ng comelec ang halos 98 percent ng boto ng mga mamamayan sa syudad.

Base sa partial official result ng comelec, nangunguna sa mga oras na ito sa pagka Alkalde ng syudad si incumbent vice Mayor Eliordo Ogena na may 44,602 votes.

Ang katunggali naman nitong si dating South Cotabato Second District Representative at Governor Arthur Pinggoy Jr ay may 36,769 votes.

Sa pagka bise alkalde, si incumbent Mayor Peter Miguel ay mayroong 44,825 votes, lamang sa 35,982 votes ng katunggali nitong si incumbent city councilor Erlinda “Bing” Pabi Araquil.

Sa pagka gobernador ng South Cotabato ang challenger na si Tupi Mayor Reynaldo Tamayo ay mayroong 219,419 votes base pa rin sa partial official result ng Comelec. Habang ang hinahamon nitong si incumbent Governor Daisy Avance Fuentes ay mayroong 189,825 votes.

Sa pagka bise Gobernador si incumbent Vice Governor Vicente de Jesus ay mayroong 189,018 votes. Ito ay mas mataas sa 177,155 votes ng katunggali nitong si Koronadal incumbent city councilor Mark Lapidez.

Samantala dumagsa naman sa Koronadal City Hall ang mga kasapi ng election board sa halalan na bumalik ng mga election paraphernalia ala una ng medaling araw kanina.

Marami din sa mga myembro ng EB ay mas pinili na lamang na pumila sa city hall para makapag-transmit ng election results.

Paliwanag nila, dahil sa wala o mahinang telecommunication signal, hindi kasi sila makapag-transmit ng resulta ng election sa kanilang mga polling centers.

Ambush sa Aleosan, 6 CAFGU patay

ALEOSAN, North Cotabato – Anim na mga miembro ng CAFGU ang nasawi sa ambush na naganap sa Barnagay Tapudoc dito kaninang hapon. Sa report ng...

BARMM approves P75-M investments before the year ends

COTABATO CITY  – The Bangsamoro Board of Investments (BBOI-BARMM) convened on Friday, December 9, 2022 and approved the registration for...

3 patay sa banggaan ng pick-up vehicle at "topdown" tricycle sa Polomolok

Dead on arrival sa ospital ang 3 katao na nasangkot sa vehicular crash sa Polomolok, South Cotabato noong disyembre 7, 2022. Kinilala ng...

MILG gears for a robust local governance, crafts 2023-26 strat plan

DAVAO CITY – The Ministry of the Interior and Local Government (MILG) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ended Thursday...

LPA to bring scattered rain showers across PH

MANILA – The low-pressure area (LPA) last located 610 km. east of Hinatuan, Surigao del Sur will bring scattered rain showers and thunderstorms...