Saturday Dec, 10 2022 02:31:34 AM

NDBC BIDA BALITA (5.16.19)

NDBC BALITA • 11:45 AM Thu May 16, 2019
914
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MAY 16, 2019 (THU)
7:00 AM

HEADLINES:

1. MAG-INA, kritikal matapos pagtatagain ng kanilang sariling ka-pamilya sa Parang, Maguindanao.

2. MGA NANALONG KANDIDATO sa North at South Cotabato, nai-proklama na ng Provincial Board of canvassers.

3. SIMBAHAN sa Magpet, North Cotabato, nasunog.

4. Drug free workplace, isinusulong ng PDEA-12 sa mga pribadong pagawaan

-0-

NASA MASELANG kondisyon ngayon ang isa ina at bunsong anak nito matapos silang pagtatagain ng isa rin sa mga miembro ng kanilang pamilya sa Parang, Maguindanao.

Nagtamo ng maraming mga sugat ang mga biktimang sina FATIMA TUDOG ANGGA at ang batang anak nito na sadyang hindi kinilala sa report.

Maging ang suspek na may problema sa pag-iisip ay hindi na rin kinilala dahil sa pakiusap ng pamilya.

Base sa kwento ng mga kaanak ng mga biktima, pasado alas tres ng hapon nang makawala sa kwarto ang suspek dahil nakalimutan ni Fatima na i-lock ang pinto.

Habang nagpapahinga sa kabilang kwarto ang mga biktima ay pinasok sila ng suspek na may hawak ng itak at walang sabi-sabing pinagtataga ang dalawa.

Mabuti na lamang at agad na nakapag-responde ang kanilang mga kapit-bahay kaya’t nailigtas sila sa tiyak na kamatayan.

Dali-daling isinugod sa ospital ang dalawang mga duguang biktima upang agad na malapatan ng lunas.

-0-

SABAY-SABAY namang itinakbo sa pagamutan ang siyam na mga guro at isa pa katao matapos silang maaksidente habang sakay ng Multicab sa Brgy. Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang mga gurong biktima na sina JULIET MAYO, ABDUL MAYO, SAMIRA MUSTAPHA, ABARI MUSTAPHA, RICHIE ABUTASIL, MAIRA UY, BONITA SANTOS, SAMATRA AMAN, APRIL ROSA at isang pa na nakilala lamang sa pangalang Fammie at isang senior citizen na nakilala lamang sa pangalang Nanay Kusain.

Sa inisyal na ulat na nakalap ng DXMS AM Radyo Bida, pasado alas dyes ng gabi kamakalawa habang pauwi na ang mga biktima mula sa pagsisilbi sa katatapos na eleksyon nang maganap ang aksidente.

Hindi umano nakayanan ng sasakyang umabante pa sa mataas na bahagi ng kalsada kaya umatras ito hanggang sa tumaob ito.

Dahil sa insidente nagtamo ng mga sugat ang mga pasahero habang ang iba ay nawalan ng malay habang isinusugod sa ospital.

-0-

HINATULAN ng Sandiganbayan na makulong ang isang alkalde sa Lanao del Sur dahil sa pagpapagiba sa ilang mga bahay noong 2013.

Sa 34-pahinang desisyon ng Sandiganbayan, pinatawan si Kauswagan Mayor Rommel Arnado ng anim na buwan hanggang tatlong taon at limang buwan na pagkakakulong sa bawat kaso ng grave coercion kung saan hinatulan siyang guilty sa tatlong mga kaso.

Sa record ng korte noong 2013, pinalayas umano ng mga tauhan ni Arnado ang magkakamag-anak na Sambuat sa kani-kanilang bahay sa Brgy. Tacub kung saan ang alkalde umano ang nag-utos nito sa kanyang mga tauhan, ayon sa prosekusyon.

Ipinagiba pa umano ng alkalde ang mga bahay at kinamkam ang lupa.

Si Arnado ay naghain ng not guilty plea habang nagtago naman ang mga tauhan nito na sina Rey Camanian at Lauro Diputado, mga miyembro ng Civil Service Unit ng munisipyo.

Dahil dito kaya ipinag-utos ng korte ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa kanila. Sinabi ng mga biktima, na kinausap sila ng alkade at pinapaalis dahil hindi umano sa kanila ang lupa subalit tutol sila dito dahil mayroon naman silang hawak na titulo.
Wala rin umanong maipakitang court order ang mga akusado nang pasukin nila ang kanilang ari-arian at gibain ang mga bahay.

-0-

Patay ang isa sa TOP 10 Most Wanted Persons ng Sultan Kudarat province nang manlaban siya sa mga otoridad na magsisilbi sana sa kanya ng warrant of arrest sa bayan ng Senator Ninoy Aquino.

Nakilala ang napatay na suspek na si Tunga Ulay, 33 anyos, may asawa, magsasaka at taga Sitio Bagtok, Barangay Lagubang ng naturang bayan.

Sinabi ni Sultan Kudarat PNP Director, Police Col. Reynaldo Felestino na huhulihin na sana ng mga pulis ang suspek ngunit nagtangka itong tumakas at pinaputukan pa ang mga otoridad.

Kaya aniya, napilitan ang mga arresting officer na barilin si Ulay at nasawi matapos magtamo ng maraming mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Narekober ng mga pulis mula kay Ulay ang cal. 45 pistol nito, mga bala at magazine.

-0-

NAGSILIKAS ang ilang mga residente sa liblib na barangay ng Pagalungan, Maguindanao matapos umanong magpaputok ng kanilang mga baril ang di pa nakikilalang armadong grupo sa lugar.

Sinabi ni Maguindanao PNP Director, Police Col. Ronald Briones na unang namataan ng mga sibilyan ang tatlong indibidwal na tila nagmamanman umano sa kanila habang nagsisimba sa isang mosque sa Brgy Damalasak.

Sinita umano ng mga ito ang naturang mga indbidwal kaya sila umalis ngunit nang bumalik ang mga ito ay may kasama ng mga armadong lalaki na nagpaputok ng kanilang mga baril.

Agad namang nagresponde ang mga pulis at mga tauhan ng Army’s 7th Infantry Battalion kaya umatras ang mga armadong lalaki patungo sa liblib na lugar sa Sitio Pintel, Barangay Balongis, sa Pikit, North Cotabato. Wala namang nasaktan sa insidente pero nagdulot ito ng matinding takot sa mga mga sibilyan.

Sa kabilang dako naman, nakikipagtulungan na ang AFP at PNP sa Moro Islamic Liberation Front-Coordinating Committees on the Cessation of Hostilities o MILF-CCCH upang maresolba ang tensyon sa Talitay, Maguindanao dahil sa away ng political clans.

Nagdulot kasi ng takot sa mga residente ng lugar ang pagsalakay ng mga armadong lalaki sa bahay ng nanalong vice mayor doon. Hinaras at pinaputukan umano ng mga armado na pinamumunuan ng isang Kumander Mike ang bahay ni Talitay Vice Mayor-elect Montasir Sabal. Dahil sa takot ay agad na nagsilikas ang mga residente na mula sa mga barangay ng Poblacion, Gadungan at Kilalan.

Naniniwala naman ang nanalong bise alkalde na kagagawan ng kanyang kalaban ang nasabing pagsalakay at nanindigan na hindi ito aalis sa pwesto.

-0-

Mga nanalong kandidato iprinoklama na ng Provincial Board of Canvassers ng South Cotabato

Gumawa ng kasaysayan sa South Cotabato si Tupi Mayor Reynaldo Tamayo Jr. ng iproklama bilang kauna una-unahang gobernador mula sa unang distrito ng lalawigan.

Natuldukan din ni Tamayo ang 27 taong pamamayagpag sa politika nang katunggali nitong si incumbent Governor Daisy Avance Fuentes.

Kaugnay nito nanawagan din si Tamayo sa mga taga South Cotabato na ngayong tapos na ang eleksyon,panahon na para kalimutan ang politka at magkaisa tungo sa pagunlad pa ng lalawigan.

Kasama din sa mga iprinoklama kahapon ang sampung mga nanalo sa Sangguniang Panlalawigan .

Ang mga ito ay sina Gly Mariano-Trabado, Emmon Mati, Noel Escobillo ng first District at Ester Marin Catorce, Dardanilo Dar, Ellen Grace Subere-Albios, Jinky Avance, Hilario De Pedro VI, Antonio Fungan at Henry Ladot sa second district.

Iprinoklama rin si incumbent Second District Representative Ferdinand Hernandez. Wala namang iprinoklamang kongresista sa unang distrito ng South Cotabato matapos ipagpaliban ng Comelec sa Nobyembre ang eleksyon sa nasabing posisyon.

Bunsod ito ng pagpapatupad ng batas na nagtatag ng hiwalay na Distrito ng General Santos City sa unang Distrito ng lalawigan .

Sa Koronadal City iprinoklama na rin sa pagka-alkalde si incumbent Vice Mayor Eliordo Ogena at pag-ka Bise Alkalde si Incumbent Mayor Peter Miguel.

Kasama ng mga ito ang sampung mga napiling myembro ng Sanggunian. Ang mga ito ay sina Edwin Abris, Junetee Hurtado, Mylene Bascon, Annabelle Pingoy, Francis Ross Dideles, Prechie Ogoy, Henry Aguirre, Handel Lee Cadelleno, James Lagasca at Bernardo Hinay.

-0-

Drug-free Workplace mariing ipinatutupad ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Region 12

Tinututukan ng kampanya kontra iligal na droga ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ang mga pribadong kompanya.

Ayon kay PDEA 12 Information Officer Kat Abad, ito ay bilang kabahagi ng pagpapatupad ng kanilang Drug-free Work Place Program.

Ipinahayag ni Abad na sa ngayon ay nakapagsagawa na sila ng Information education Campaign o IEC sa ilang mga pribadong kompanya sa rehiyon. Ito ayon kay Abad ay magpapatuloy sa mga susunod na buwan. Ayon kay Abad layunin nito na masawata ang illegal drugs sa mga pribadong kompanya.

Sinabi ni Abad na lumabas sa kanilang datus na 90 percent ng mga empleyedo na mga sangkot sa iligal na na kanilang nahuhuli ay nagtatrabaho sa mga private companies.

Binigyan diin ni Abad na mandato ng Dangerous Drugs Boardo at Comprehensive Dangerous Drugs Act ang pagkakarooon ng drug free program ng mga kompanyang may sampung mga empleyado na pataas.

Saklaw nito ayon kay Abad ang pagsasagawa Information education campaign, at polisiya sa pagpapatupad ng drug test. Iginiit din ni Abad na dapat ay ay mayroong assessment team na tutuok sa illegal drugs ang mga ito.

0-0-

Obligado ang lahat ng mga kumandidato sa katatapos lang na May 13 local at midterm election na magsumite ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE sa Comelec.

Ito ang binigyan diin ni South Cotabato Acting Election Supervisor Atty. Duque Kadatuan.

Ayon kay Kadatuan ang mga kandidato nanalo man o hindi pinalad ay binibigyan ng ahensya ng tatlumpung araw para makapag-submit ng kanilang SOCE.

Sinabi ni Kadatuan na ang bigo sa pagsumite ng SOCE ay maaring makasuhan ng administratibo o pagbawalan na kumandidato sa alinmang katungkulan sa gobyerno. Maari ring makasuhan ang mga ito ng paglabag sa Omnibus election code.

Nanawagan din si Kadtuan sa lahat na mga kandidato na linisin ang kanilang mga poster, tarpauline at iba pang election paraphernalia.

0-0

Trabahante ng pineapple company inagawan ng motorsiklo sa Polomolok, South Cotabato

Sapilitang kinuha sa biktima ang kanyang minamanehong motorsiklo habang papunta sa kanyang trabaho sa pineapple plantation ng Dolefil Company sa Barangay Crossing Palkan, Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col Samuel Cadungon ang biktima na si Angelito Hista, 46 anyos, at nakatira sa Barangay Cannery Site sa nasabing bayan.

Sinabi ni Hista sa mga pulis na ang kanyang berdeng Kawasaki TLX motorcyle na may license plate MC 20721 ay inagaw at tinangay ng apat na mga kalalakihan na humarang at tumutok sa kanya ng 45 pistol.

Ayon kay Hista na Field Estimator ng nasabing kompanya tumungo ito sa lugar para magsagawa ng Tan Showing Color Inspection sa bunga ng mga pinya Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang mga suspek na tumangay sa motorsiklo ng biktima.

-0-

Mahigit 4,500 pamilya sa rehiyon nabigyan ng tulong pangkabuhayan ng DSWD 12

Nakinabang sa tulong pangkabuhayan mula sa Department of Social Weflare and Development o DSWD ang mahigit 4,500 na pamilya sa SOCCKSARGEN.

Ang Communal assistance na ibinigay sa kanila ay gagamitin ng mga benepisyaryo sa pagppatayo ng piniling kabuhayan. Ito ay ayon kay DSWD 12 Regional Director Bai Zorahayda Taha.

Ang nasabing tulong ay nagkakahalaga ng mahigit 71 million pesos. Kalakip din sa mga proyekto nakatakdang ipatayo ng mga benepisyaryo ang Bigasan Stores, Food Processing Centers, Mini Mart at maraming iba pa.

Tumanggap sa livelihood assistance na ipinamigay sa Koronadal City ang mga Presidente at Treasurer ng iba’t ibang mga benepisyaryong kooperatiba.

-0-

Maging kalmado at tanggapin ang hatol ng taong bayan.

Ito ang naging panawagan ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, DD sa lahat ng mga tumakbong kandidato at sa maging mauupo sa pwesto hindi lamang sa Kidapawan City maging sa buong North Cotabato.

Pinasalamatan din ng Obispo ang lahat ng mga bumuto sa araw ng halalalan sa pagsunod sa kanilang karapatan at responsibilidad na makagaboto sa mga kandidato na nais iluklok sa pwesto.

Sinabi din ng Obispo sa lahat ng tumakbo na tuparin at tanggapin ang naging hatol ng mga botante at lalong wag magpadala sa pansariling interes lamang. VC- BAGAFORO Si Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, DD.

Habang nagpasalamat din si Bishop Bagaforo sa mga security forces na nagpanatili sa maayos at matiwasay na halalan sa Kidapawan City. NDBC BIDA BALITA

-0-

Isang simbahan sa Magpet, North Cotabato, tinupok ng apoy

Matutuloy parin ngayong araw ang gagawing patronal fiesta ng Sr. San Juan Nepomuceno matapos na tinupok ng apoy ang kanilang simbahan sa barangay Pangao-an Magpet, Cotabato.

Sinabi ni BFP Magpet, Senior Fire officer 2 Rey Louie Lebrillo, nagsimula ang apoy ala 1:20 ng madaling araw kahapon.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, posibleng electrical short circuit ang naging sanhi at abot din sa kalahating milyong peso ang iniwang danyos ng naturang sunog.

May nag-ensayo din umano na mga miyembro ng simbahan alas 9 ng gabi bago ito nasunog ng madaling araw kahapon para sa kanilang ika-57 na taon na patronal fiesta ngayong araw.

Dagdag pa ni Lebrillo, 60 porsyento ng nasabing simbahan ay gawa sa light materials at may kalumaan na din.

Pero patuloy parin ang malalimang imbestigasyon ng BFP Magpet hinggil sa insidente.

-0-

Bagaman hindi pa hundred percent ang election returns ng provincial canvassing sa Davao Del Sur ay nangunguna na ang pamilyang Cagas sa ibat-ibang posisyon sa partial and unofficial result sa kakatapus na eleksyon.

Ito matapos manguna sa botohan si incumbent governor Douglas Cagas laban sa kanyang dalawang mga katunggali na sina Joseph Peñas at si Emilio Lustre.

Habang nangunguna din sa partial ang official result ang anak nito na tumakbo bilang bise- gobernador na si Marc Douglas Cagas laban sa dalawa din nitong katunggali na sina Aileen Almendras at Victor Gloria.

Habang sa congressional race naman ay nanguna din ang asawa ng incumbent Governor na si Mercedes Cagas laban sa tatlo pa nitong katunggali.

Sa pagka Provincial Board member ng first district ay nanguna din ang kamag-anak nitong si John Tracy Cagas.

Nanguna din sa Mayoralty race sa Digos City ang pamangkin nito na si Josef Cagas laban sa tatlong kalaban nito at para sa pagkakonsehal ay lamang na din ang kapatid ng gobernador na si incumbent councilor Gary Cagas.

Ang Cagas Clan ay siyang nangungunang political dynasty sa Davao Del Sur. NDBC BIDA BALITA

-0-
Mga nanalong kandidato sa North Cotabato, iprinoklama na ng Provincial Board of canvassers kaninang madaling araw

Iprinoklama na kaninang madaling araw ang lahat ng mga nanalong mga kandidato sa probinsya ng North Cotabato.

Nangunguna rito ang nanalong pambato ng PDP Laban at nagwagi bilang bagong gobernadora ng probinsya na si Governor Nancy A. Catamco.

Nanalo naman bilang bise-gobernador ng lalawigan ang dating North Cotabato governor, na si Vice-governor Lala Taliño Mendoza.

Nakakuha ng kabuuang 272, 249 na boto si Catamco habang 268, 718 naman ang nakuhang boto ng katunggali nitong si dating Carmen Mayor Roger Taliño. Iprinoklama ring mga bagong mga board members sa first provincial district sina, Neneng Macasarte, Mohammad Kellie Antao at Rolang Jungco.

Habang nangunguna naman sa second provincial district si Dok Krista Piñol na sinundan ni Doc Phil Malaluan at Onofre Respecio.

Pasok naman sa third district sina Ivy Dalumpines, Jonathan Tabara at Joemar Cerebo.

Panalo naman bilang congressman ng ng first legislative district ng probinsya ni Joel Sacdalan, Rudy Caoagdan sa second district at Pingping Tejada sa third district.

Ambush sa Aleosan, 6 CAFGU patay

ALEOSAN, North Cotabato – Anim na mga miembro ng CAFGU ang nasawi sa ambush na naganap sa Barnagay Tapudoc dito kaninang hapon. Sa report ng...

BARMM approves P75-M investments before the year ends

COTABATO CITY  – The Bangsamoro Board of Investments (BBOI-BARMM) convened on Friday, December 9, 2022 and approved the registration for...

3 patay sa banggaan ng pick-up vehicle at "topdown" tricycle sa Polomolok

Dead on arrival sa ospital ang 3 katao na nasangkot sa vehicular crash sa Polomolok, South Cotabato noong disyembre 7, 2022. Kinilala ng...

MILG gears for a robust local governance, crafts 2023-26 strat plan

DAVAO CITY – The Ministry of the Interior and Local Government (MILG) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ended Thursday...

LPA to bring scattered rain showers across PH

MANILA – The low-pressure area (LPA) last located 610 km. east of Hinatuan, Surigao del Sur will bring scattered rain showers and thunderstorms...